Jillian's
Nagpunta muna kami sa bahay nila Darren bago magpunta ng airport. Gusto ko lang magpaalam kay Darren. Kahit galit ako sa kanya, matitiis ko ba yun?
Ayoko sana sa States mag-aral kaso.. Pinilit lang naman ako ni Dad. For the sake of me.. Di ko maintindihan. Kapag tinatanong ko sila about kay Darren, lagi lamg sila umiiwas. Ni ayaw nilang makakarinig ng Darren galing sakin. Pero bakit? Normal lang naman yun kasi boyfriend ko siya? Like Duh~ Di ko sila maintindihan. Pero yaan na lang. Baka magbago pa ang isip nila na ipadala ako sa States kapag nakita nila mas gusto ko pa rin kasama si Dars dito sa Pilipinas. Ayoko ngang malayo sa kanya. I'd better in coma na lang than to lose him. I'm so madrama lang? ~.~
I'm so excited to see him again. I miss you Darren.
Nasa tapat ako ng bahay nila. Kinakabahan. Pano naman di pa din maalis sa isip ko yung.. Ugh! Nevermind. Naiinis lang ako. Pero dahil mahal ko si Dars, gora na.
"DARS!!!" Isang malakas na sigaw pero walang,lumalabas. Si mom and dad nasa loob lang ng car.
"DARS!!! ITS JILLIAN!!!" Sigaw ko ulet tapos ayun. Lumabas na siya. Gustong gusto ko syang yakapin. Pero nung nakita ko yung mukha niya, blangko yung mukha niya. Hindi man lang ba siya masaya kasi nandito na ko?
"Umalis ka na." Walang emosyong sabi sakin ni Dars. Ano bang nangyayari sa kanya. Niloloko lang naman niya ko diba? Yung lagi niyang ginagawa sakin para asarin. So.. hindi nakakatawa yung joke niya.
"Dars, kung joke yan, di nakakatawa." I rolled my eyes. Pero wala pa ding emosyon yung mukha niya. Hinihintay ko yung tawa niya pero wala.
"I'm not joking Jillian." What? Jillian? Bakit hindi Jills?
"Don't you remember? May atraso ka pa sakin pero niloloko mo na ko ng ganyan? Ni hindi mo pa nga alam kung pinatawad na kita e." I said.
"Sa tingin mo nagloloko ako?" Lumapit siya sakin. Hinihintay ko yung yakap niya pero di niya ko niyayakap. "Di mo ba talaga magets? Na ayaw.. ko na sayo?" Parang gumuho yung mundo ko. Ayaw na niya sakin? That joke is really G.R.R.R
"Hindi ka nakakatawa Dars." I said holding back my tears. Oh swear to God!
"Kasi hindi ako nagbibiro! Ayaw ko na sayo! Ni hindi nga kita.. Dinalaw sa hospital kasi alam kong mapapagod lang ako kakaalaga sayo! E hindi naman talaga kita MAHAL!! Hindi kita minahal!! Bakit ko pag-aaksayahan ng oras ang tulad mo??" Tumulo na yung luha ko. Hindi niya ko minahal na halos ibigay ko ng lahat ng pagmamahal ko sa kanya? Is it because of what happen a month ago?
"Nagbibiro ka lang Dars e. Mahal po ako diba??" Lumapit ako sa kanya pero di niya ko sinasagot.
"Dahil ba 'to sa nangyari non? Handa kitang patawarin Dars." I said hysterically but still in lower voice. please sabihin mong joke lang ang lahat.
"Magpapakatanga ka sakin? E HINDI. NGA. KITA. MINAHAL." He said in sarcastic tone. I can't hold it back anymore.
"So.. You never loved me huh?" I said in lower voice. Oh god! Totoo ba talaga ang lahat ng 'to?
"Actually. Yung mga promises ko? Lahat ng yon ay pawang KASINUNGALINGAN lang. Kasi narealize ko na mahal ko pa pala si Jamin than you." Walang tigil na pagpatak ng luha ko.
"You liar!!" I said in lower tone but angrily.
"Its just a white lies." White lies??
*PAK*
Sinampal ko siya ng malakas. Pero kulang pa 'yon. Sa lahat ng kasinungalingang pinagsasabi niya sakin. We almost had 'it' buti na lang napigilan ko siya. Ibig sabihin yun lang yung habol niya sakin.
"Ginamit lang naman kita para makalimutan si Jamin. Mapapadali naman yun dahil crush mo ko diba? Isa lang naman habol ko sayo e..." Hindi ko na siya pinatapos dahil alam ko naman na.
"I know." He smiled at me teasingly. "Pero di mo ko hinayaang gawin yon. Sayang." Sabi niya with matching 'sayang face pa' wala na kong maramdaman kundi galit.Pero mahal ko pa din siya. Bwiset na puso 'to!!
"All this time na minahal kita, nagawa mo pa akong lokohin??" I said habang pinapalo palo ang dibdib niya.
"Yes. Masaya ka na? Ipagkakasundo pa tayo ng parents natin? Baka mamaya magsawa lang ako sayo. Kaya umalis ka na. Layas na. Hindi na kita kailangan at HINDI NA KITA MAHAL!!!!" Pinakamasakit na salitang narinig ko mula sa taong mahal ko. Kaya ko pa ba? Parang anytime mahihimatay ako dmsa sobrang sakit. Anong nagawa kong mali? Anong ginawa ko sa kanya?
"Ano ginawa kong mali? Bakit mo ko ginaganyan??" I said hysterically. Lumabas na sina mom and dad sa car dahil nagwawala na talaga ako. Di ko na kayang pigilan. Galit na galit ako sa kanya.
"ANG SLOW MO DIN E 'NOH? AYOKO NA NGA SAYO HINDI NGA KITA MAHAL, ANO PA ANG DAPAT KONG IPALIWANAG SAYO PARA,MATAUHAN KA NA JILLIAN??" Sabi niya ng pasigaw. Natauhan ako sa mga sinabi niya.
"Stop Darren!" Sabi ni Dad in a calm tone.
"Sige. Ganon ba Darren? Sige hindi mo ko mahal, hindi na din kita mahal. Tandaan mo'to Darren, makakamove-on din ako sayo. MAKAKALIMUTAN DIN KITA TULAD NG GINAWA MO SAKIN. SASAKTAN DIN KITA TULAD NG GINAGAWA MO SAKIN. YAN ANG TANDAAN MO!!!.. Let's go." Pumasok na ko sa loob ng kotse. Pero hindi pa din pumapasok sila mom and dad. "I said let's go!!!! Come in!!!" Sabi ko sa kanila. Sinigurado ko talaga na masasaktan din siya sa mga sinabi ko. I hope masaktan din siya.
"GANON BA? SIGE!!" Huling salitang narinig ko mula kay Darren. Darren, mahal kita e. Minahal kita pero bakit mo ko sinaktan ng ganito?? Bakit?
Bakit ba pagnagmamahal kailangan pang masaktan? Lagi na lang may 'sakit' na nararamdaman kapag nagmamahal ka. Bakit hindi na lang laging Happy ever after? Bakit may salitang nakaharang na 'Di na pwede' sa relasyon namin? Bakit kasi minahal ko pa siya? Bakit pa ako nagmahal kahit alam kong pwede akong masaktan? Sana di na lang ako nagising at nacoma habang buhay dahil hindi ko na alam kung paano pa mabuhay sa kabila ng mga nangyaring 'to. Sana.. Sana..
Iyak lang ako ng iyak sa kotse. Kahit sa eroplano umiiyak pa din ako.
Goodbye Darren, Sinusumpa kita.
Darren's
Di ako makapaniwalang nasabi ko ang ng lahat kasinungalingang yun. Mahal ko siya. Hindi totoong ginamit ko lang siya para makalimot. Sobra ko siyang mahal. Hindi mababago yun.
Nandito ako sa bar. With Jamin. Umiinom. Nagluluksa sa pagkawala ni Jillian.
"Isa akong malaking tanga Jamin." Sabi ko. Hindi ko naman gagawin yun kung hindi ako nangako ako sa kanila. Sa tapat ng Diyos nangako ako.
"Mahal *hik* na mahal ko *hik* si Jillian *hik* Jamin eh. Kaso *hik* kaso kailangan kong *hik* gawin yon." Sabi ko habang umiiyak. Buti na lang namdyan si Jamin.
"Shuu. Tama na. Kasalanan ko naman eh." Nagulat na lang ako sa sa ginawa ko dahil bigla ko na lang hinalikan si Jamin.
"Be my girlfriend." Sabi ko. Siya ang gagamitin ko para makalimutan si Jillian. Siguradong kinamumuhian na ako ni Jillian ngayon. Hahaha. Galit na yung taong mahal ko. Hahaha.
"Handa akong magpagamit para makalimutan mo si Jillian. I love you Darren. Nandito lang ako sa tabi mo." Huling narinig ko mula kay Jamin ng bigla na lang akong makatulog.
Sana paggising ko, panaginip lang ang lahat. Sana bangungot lang ang lahat ng ito. Sana.. Sana..
**
Masyadong madrama ang part na itey. Pano naman kase. Nagpakaemo si author xD
Sorry late update. Magiging si Darren at Jillian pa din kaya ang magkakatuluyan sa huli?? :'( Let's find out. Abangan niyo lang yung mga susunod na chapter dahil nalalapit na tayo sa wakas xD Geh bye!! ~ Kamsa. ^___^
Dedicated to 'her' ^___^
BINABASA MO ANG
Love Story With My Ultimate Crush
RomantikNung una crush lang talaga eh. Madaling kalimutan. Pagnakakita ka ng iba, mawawala din yun. Eh bakit yung akin? Bakit ang tagal? Childhood crush ko si Darren. Pero hanggang ngayon 'CRUSH' ko pa din sya. WATDAHEK? Crush pa ba yon? Nainlove ako-- nain...