Darren's
Iyak lang ako ng iyak. Parang pasan ko na ang mundo sa sakit. Yung babaeng mahal ko, nag-aagaw buhay. Kasalanan ko 'to eh. Ang tanga tanga ko kasi. Kung hindi ako nagpadala sa Jamin na yan, wala dito sa ospital si Jillian. Ang tanga tanga tanga tanga ko!!!! Kasalanan ko to!!!! Ang stupid ko!! Wala akong kwentang boyfriend!!! Nangako ako na iingatan ko siya, mamahalin. Pero napako yun. Ang tanga tanga ko shit! Ang sarap magpakasagasa din! Sana ako na lang po yung nasagasaan. Sana ako na lang yung nag-aagaw buhay. Sana ako na lang yung nakahiga dyan. Sana.. Kung mababalik ko lang.
May narinig akong mga footsteps. Si Taisha. Umiiyak. Shet! Kasalanan ko 'to! Nakakakonsensya!
"Yung bestfriend ko?" Nanggagalaiti sa galit na sabi ni Taisha. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan.
"YUNG BESTFRIEND KO SABEEEE???" Hysterical na sabi ni Taisha! Gosh! Umiiyak siya ng walang tigil. Napatingin lang ako sa kanya. Tumingin lang din siya sakin. Nanlilisik ang mata niya.
"Anong ginawa mo sa bestfriend ko?" Sabi sakin ni Taisha. Kaibigan ko naman sila. Maiintindihan nila ako pagsinabi ko.
"Kase.. Nakita niya kami ni Jamin na.. Naghahalikan!" Sabi ko. Nahihiya ako. Ako yung dahilan kung bakit nandun si Jillian.
Sinugod ako ni Taisha at pinagsasampal. Hindi na ko umiiwas. Dapat lang sakin 'to. Ang tanga ko eh.
"Masakit ba ha? Kulang pa yan sa mga sakit na binigay mo kay Jillian! Dapat ikaw yung nandon! Dapat ikaw yung nag-aagaw buhay!!! Hindi yung bestfriend ko! Ikaw dapat yung naghihirap!!!" Hysterical na sabi ni Taisha habang pinagsasampal pa din ako. Inaawat na ni Drake si Taisha pero ayaw niya magpaawat.
"Ano ba??" Sigaw nito kay Drake.
"Masarap ba makipaghalikan kay Jamin ha? Hindi ba yon maibigay ni Jillian kaya naghanap ka ng iba? O ngayon iiyak iyak ka? Plastic mo! Dun ka na lang sa Jamin mo!!!" Hindi na ko nakapagtimpi.
"HINDI KO GUSTO YUNG NANGYARI!! NILASING AKO NI JAMIN! HINDI KO NA SIYA MAPIGILAN SA GUSTO NIYANG MANGYARI!! Nagsisisi ako! Iniisip ko na sana ako na lang yung nando'n! Na sana hindi siya nag-aagaw buhay ngayon! Kung pwede ko lang maibalik Taisha! Gagawin ko!! Pero hindi na pwede eh!" Umiyak nanaman ako. Oo parang bakla ako sa kakaiyak pero masama bang iyakan ang taong mahal mo? Walang tigil yung luha ko.
Hysterical na umiiyak si Taisha at maiyak iyak na din si Drake.
"Nasan ang anak ko??" Rinig kong sigaw. Lumingon ako para makita ko kung sino. Si tito Dennis.
"Anong nangyari sa anak ko?" Maiyak iyak na sabi ni Tita Cammille.
"N-nasagasaan po siya ng t-truck tita." Sabi ko habang umiiyak din. Niyakap ako ni Tita at tinapiktapik ni tito yung likod ko.
"Bakit hindi mo sabihin kung bakit siya nasagasaan? Kung ano yung dahilan?" Sabi ni Taisha. Katapusan ko na. Sorry talaga.
"D-darren?" -Tito Dennis & Tita Cammille.
"K-kasi po..."
"Kasi nahuli ni Jillian si Darren at Jamin na naghahalikan!!" Sabat ni Taisha. Maisip ko lang yun parang guguho na ang mundo ko.
Nakatanggap ako ng isang malakas na suntok mula kay Tito Dennis. Tanggap ko naman eh. Kasalanan ko naman talaga.
"Umalis ka dito!" Maiyak iyak na sabi ni Tito Dennis.
"Pero.."
"UMALIS KA NA! AT WAG NA WAG KA NG BABALIK PA!" wala na akong nagawa kundi ang sumunod.
Dennis'
Ang prinsesa ko. Nandon siya. Naghihirap. Kasalanan 'to ni Darren eh! Kung hindi siya nagpadala sa kalandian ng Jamin na yun, hindi ito mangyayari!!
Lumabas ang doctor mula sa loob ng room ni Jillian. Tumayo agad kami at sinalubong siya.
"Kayo po ba ang mga magulang niya?" Sabi nito samin.
"Opo. Kamusta na po siya?"
"Tatapatin ko na po kayo, pero nagkaroon ng konting damage ang utak niya. Kaya po coma siya. Hindi po natin alam kung kailan siya magigising. Ang tanging magagawa lang po natin ay ang ipagdasal siya." Parang nabingi ako. Coma? Kailan siya magigising? Jillian, lumaban ka naman! Para sa amin. Nandito kaming lahat na nagmamahal sayo. Gumising ka lang.
"Parang kailan lang ako nakabawi sa kanya. Tapos ito pa ang mangyayari." I said.
"Don't worry. Matapang ang anak natin. Makakaya niya yun." Pilit pa ding ngumiti ang asawa ko kahit mahirap. Tama, hindi ako dapat mawalan ng pag-asa.
"Dad? Anong nangyari kay Jillian?" Sabi ni Jerome na nagpunta pa dito para lang makamusta si Jillian.
"She is in coma. Pero wag tayong mawalan ng pag-asa, makakaya niya yan." I said while smiling. Mahirap pero kailangan. Magagalit si Jillian kapag hindi kami ngumiti.
"Wag po tayong masyadong malungkot, malulungkot din po si Jillian sige kayo!" Ngiting sabi ni Taisha. "I miss you best!" Sabi niya na naiiyak nanaman. Ang kailangan lang naman naming gawin ay ang magdasal.
Please, pagalingin niyo po si Jillian. Napakabuti niyang anak at mapakatalino pa. Wag niyo po siyang pahirapan. Parang awa niyo na.
--
let's pray for Jillian. :'( K. Short update muna. Nakakatamad iiihh. Hahaha.
BINABASA MO ANG
Love Story With My Ultimate Crush
RomansaNung una crush lang talaga eh. Madaling kalimutan. Pagnakakita ka ng iba, mawawala din yun. Eh bakit yung akin? Bakit ang tagal? Childhood crush ko si Darren. Pero hanggang ngayon 'CRUSH' ko pa din sya. WATDAHEK? Crush pa ba yon? Nainlove ako-- nain...