Chapter 45: The Mooshi Wedding♥ --> [Additional Chapter] (Part1)

36 2 0
                                    

Taisha's

After a month...

Oh my gosh! Its my wedding today!! At shempre! Bonggang bongga ang wedding dress ko. At sinigurado talaga namin na ako ang pinakabongga ang damit. Haler? Bride here. Ahaha. >:)

Nandito ako ngayon together with Jillian. Shempre nandito ang bestfriend ko. Hinding hindi ako iiwan! And at the same time, KINAKABAHAN ako. I don't know why! Pero halo halo yung emosyon ko! Masaya na kinakabahan na excited na ewan! Shempre sinong di sasaya kapag ikinasal ka sa isang Drake Alcantara? Sigurado akong inggit na inggit na ngayon ang mga adoring fans nun. Ahahaha. xD

"Ano ba girl! Nakakahilo ka! Tumahimik ka na nga lang!" Sabi ni Jillian sakin. Pano ba naman kasi lakad dito, lakad don, uupo, tatayo. Eh sa kinakabahan akoo!

"Shempre girl! Kinakabahan ako! Ikaw kaya ang ikasal!" Mataray kong sabi sa kanya. Nako nako.. lumungkot nanaman ang mukha ng babaita!

"Oy babaita! Wag ka ngang malungkot jan! Dapat nga masaya ka dahil kasal ng bestfriend mo oy!" Sabi ko sa kanya pero huminga lang siya ng malalim.

"May naalala lang ako.. nung masayang masaya pa kami ni--" Napatigil siya. Okay. Lam na. :3

"Darren?" Ngumiti ako sa kanya. Tsaka ko siya tinabihan sa kinauupuan niya. "Alam mo.. darating ka din jan. Siguro may nakatakdang karapatdapat sayo, pero alam mo. Sa tingin ko mahal ka pa ni Darren." Tumingin siya sakin tsaka ako niyakap.

"Girl di ko kayang magsinungaling sayo eh." Sabi niya na may tumutulo na ang luha. Nakooo! Masasayang ang make-up.

"Nako babae, masasayang ang make-up oh! wag ka ng umiyak! Ano ba yon ha?" Pinunasan ko yung luha niya. Napakaiyakin talaga ng bruha!

"Waterproof yan!" Ay sa wakas ngumiti na din. "Ano ba yon ha?" Tanong ko.

"Nung magkasama kami ni Darren sa kwarto, nagkalimawan na kami. Napatunayan namin na mahal pa namin ang isa't isa. Binigay ko na yung ano ko eh.. " Good news naman pala! Pero bakit ang cold ng pakikitungo ni Darren nung masa resort pa kami?

"Yun naman pala eh! Pero bakit ganon na lang ang pakikitungo niya sayo?"

"Nahuli niya kasi na hinalikan ako ni Ken. He was drunk. Kaya di niya alam ang ginagawa niya! Pero itong Darren na 'to ni ayaw man lang makinig sakin. Amg tanga ko naman kasi ehh. Sana di ko na lang yun hinayaan." Umiiyak pa din siya. Sabi na eh. May problemang dinadala yan nung nasa resort pa kami. Hindi na namin makausap ng maayos. Hindi na halos kumakain! Laging tahimik.

"Wag ka ng umiyak girl! Hayaan mo, pagkatapos agad ng kasal namin, aayusin namin kayo! Uunahin muna namin kayo bago kami maghoneymoon. Promise yan! Kaya wag ka ng umiyak! Special day ko 'to, dapat special din 'to sayo. Okay? Stop crying na!" Habang pinupunaspunasan ko pa ang luha niya. Niyakap naman niya ako ng mahigpit pa.

"Sorry sa drama ha? Pero thank you girl ha? Lagi kang nandyan sa tabi ko!"

"Shempre. Bestfriends forever diba?" Sa wakas napangiti din. Sinabihan ko na din siya na magre-touch. Namamaga mata ih. Hihihi. Hanggang sa marinig naming bumukas yung pinto.

"Ma'am, tara na po." Sabi ng organizer ng wedding.

"Okay. Wait for a minute." Dahil ireretouch ko pa ang beautiful face ng babaeng 'to. =____=

"Girl, okay na 'to. Let's go?" Sabi sakin ni Jillian na nakalahad na ang kamay.

"Let's go!" At nagtawanan kami.

Love Story With My Ultimate CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon