Taisha's
Kakatapos lang namin sa alam niyo na ng biglang tumawag si Darren. Grrrrrrr. Moment namin 'yon oh??!! May pa 'I need your help' pa. Nakooo... kung hindi lang-- oo nga pala! Nangako kami kay Jillian na aayusin namin silang dalawa ni Darren. Ano kayang magandang gawin?
Pinapunta kami ni Darren sa bahay nila. Bakit ba kasi kami pa ang dapat na magpunta sa bahay nila? Bakit hindi na lang siya? ~.~
"Napakatagal niyo!" Bungad agad samin ni Darren pagpasok na pagpasok pa lang namin ni Drake sa pinto.
"Ang traffic kayaaaa!" Sigaw ko naman ulit sa kanya. Di ba niya alam ang salitang TRAFFIC??
"Tch. Lagi na lang traffic pagnalelate kayo!" Inis na sabi niya. Hindi lang ikaw ang naiinis Darren, AKO din!!!!
"Bro, chill ka lang pwede? Bakit mo ba kasi kami pinapunta dito?" Sabi ni Drake tsaka kami naupo sa sofa nila.
"Wait, pwedeng bigyan mo muna kami ng maiinom? Juice please. Pakidagdag nalang ng isang sandwich. Chocolates, and whatever basta pagkain." Masayang Sabi ko sa kanila. Nagugutom na kaya kami ni baby! T^T Baka mangayayat kami. Ayoko ng ganon. T^T
"Tss. Manang bigyan niyo na nga yan ng sandamakmak na pagkain. Matakaw ba talaga tsaka moody ang mga buntis?" Inis na sabi ni Darren sakin. Whatevaaaah! ~.~ "Kawawa ka naman bro!" Dagdag niya tapos natawa silang pareho.
"Sinabi mo pa!" Sinamaan ko ng tingin si Drake at bigla niya akong niyakap. Bakit di ako makaangal kapag yakap yakap na niya ako? Nakakainis. T^T
"Ewan ko sa inyo! Ikaw Darren! Pagnabuntis mo na si Jillian, ganito din siya! Mga walang hiya kayo!" Magwawalk out na ako ng bigla akong hilahin ni Drake kaya napaupo ako sa lap niya. Hahaha. Look at Darren's face, inggit na inggit! XD
"Ayan na yung foods oh? Mooshi. Wag ka ng magalit?" Nagliwanag naman yung mata ko nung nakita ko yung pagkain. Kaso ayaw akong pakawalan ni Drake. Nagugutom na kami ni baby!!!
"Mooshi naman eh! Nagugutom na kami ni baby!" Sinusubukan ko talagang makawala kaso.. malakas siya eh.
"Kiss mo muna ako?" Binigyan ko siya ng kiss sa lips tapos pinakawalan na niya ako. Wiiiiiih! Chalapchalap ng pagkain koooo! :'> *nom nom*
"Tss. Takaw talaga." -Darren
"Whatevaaaah! *nom nom nom*" - Meeeeeeeeee. :))))))))) XD
"Oh bakit mo ba kami pinapunta dito ha?" Tanong ni Drake. Mamaya na ako makikielam. Kakain muna kami ni baby. Para makapag-isip na din ako ng maayos. ^_________^
"Nagkasagutan nanaman kami ni Jillian kagabi. Nagpadala ako sa galit at selos ko. Kaya ayon. Ayaw na ni Jillian. Please. Kailangan ko ang tulong niyo!!!" Pagmamakaawa ni Darren samin. Sabi na eh. Pwede bang kumain muna?? T__T Dejoke lang. Sige lang pag-usapan natin. :D
"Eh ano naman ang magagawa natin?" Palingon lingon na sabi ni Drake. Ano nga ba ang pwede naming gawin? Hmmmmmmm...
Sorpresahin si Jillian with matching mga petals na nakakalat sa sahig, kaso.. parang dagdag polusyon lang naman yon.
O proposal sa airport, parang dun sa 'It takes a man and a woman' pero parang popular na popular na. Dapat yung maiiba naman. Pero di naman mahalaga kung popular at nagawa na ng iba. Ang kailangan, magkaayos sila at magbalikan na sila. Yun ang importante.
"Ano sa tingin mo Taisha? Balak ko na din kasing magpropose kay Jills eh." Malungkot na pagkakasabi naman ni Darren. Napangiti ako. Oo nga noh!
BINABASA MO ANG
Love Story With My Ultimate Crush
RomanceNung una crush lang talaga eh. Madaling kalimutan. Pagnakakita ka ng iba, mawawala din yun. Eh bakit yung akin? Bakit ang tagal? Childhood crush ko si Darren. Pero hanggang ngayon 'CRUSH' ko pa din sya. WATDAHEK? Crush pa ba yon? Nainlove ako-- nain...