RIVALS

169 6 3
                                    

Heyon! Dedicated kay pukaykay! Thanks for the cover! Lovelots! :*

ALLISON'S POINT OF VIEW

"No cheating. No bribing. Be honest enough to know your limits, okay?" Ms. Riley told us as we fix our stuffs for the campaign.

"Yes Maam." we said in unison.

The campaign will go like this.

In our school, walang grupo grupo. Kanya kanyang pagaadvertise sa sarili. Kaya if you don't have enough money, wala kang pag-asa. Self support ang campaign dito. By course ang officers dito at organizations, kaya mas malaki ang pag-asa ko since tinuturing na nila akong Queen Bee. Hihi so love the crowd. :')

This year, tatakbo ako as President ng Org namin. Si Shane naman ay tatakbo as Vice President. Asa pa namang hindi kami manalo no. We have connections, dear. Connections.

"Best, tulong nalang tayo sa pagdidistribute ng fliers? Bibigyan kita ng akin at ipamigay mo. Vice versa." sabi ni best sakin habang papalapit siya nang may dala dalang dalawang box na puro fliers.

"Ako na dyan, Shane." woa. Biglang sumulpot sa harap niya si Mau at kinuha yung box. Si Shane naman e inirapan lang siya since alam niya rin naman na wala siyang magagawa e. HAHA. Ang cute naman nilang dalawa. Nakakainlove silang tignan. <3

"Tatakbo ka rin ba Mau?" tanong ko kay Mau.

"Ah, oo. Vice President sana."

"ANO?!? Ano ka ba Mau! Alam mo namang tatakbo ako as Vice President eh. Kakalabanin mo pa talaga ako. I hate you na talaga!" ang cute naman mairita ni best ^__^

"Yieee, best o. Tatakbo rin siya. Sure naman akong magiging assistant mo yan no, pogs kaya niya. Tsaka kayo lang naman ang dalawang sikat sa mga tatakbo sa posisyon na yan eh. Makakasama ka pala namin sa org eh. Buti nalang.^__^"

"A-anong buti nalang ha, best?" naiiritang sabi ni Shane sakin. Etong si best talaga, uusok na sa galit eh. 

"Syempre, sa kanya lang naman ako may tiwala ano. Mabuti nang may mapagiiwanan ako sayo kapag busy ako. Diba Mau?"

"Oo naman Aly, talagang aalagaan ko nang mabuti tong si Shane." tumingin naman sa kanya ng masama si Shane. Ngumiti lang sa kanya si Mau.

Edi sila na nga ang bagay! Haha, ewan ko ba dito kay best, pakipot e. Ayaw nalang aminin na gusto din naman niya si Mau e halatang halata naman kahit nung dalawang taon na nasa Paris kami wala siyang ineentertain sa school namin. Eto rin naman si Mau, ayaw pang manligaw. Ako naman bahala sa kanila no! Syempre, ako ang dyosa ng mga cupids. *U*

Tumingin ako sa grupo ng mga tao na nasa room na to. Ang dami pala naming tatakbo ngayong election ng officers.

Pumila na kaming lahat at naghintay na makalabas sa meeting room.

"Babe? Gusto mo bang tulungan kita sa pagkalat ng fliers mo?" tanong sakin ni Klein na kanina pa kong inaabangan sa may tapat ng room namin.

"Uhmm, can you? I need some assistance kasi e."

"Sure babe, ako na ang bahala sa pagkakalat ng fliers mo. Yakang yaka ko yun no. Ang kailangan mo nalang gawin ay ihanda ang maganda mong mukha para sa tarpaulin ng mga officers. Alam ko namang mananalo ka e. Ikaw pa, mahal ata kita." Okay, medyo umaanong konek siya ngayon. Haha.

"Okay, thanks Babe. Pasok na tayo sa class natin?" aya ko sa kanya. We don't have time for formal campaigns. Kanya kanya lang, Kanya kanyang bribing din, pero talo ka parin ng sikat so sorry nalang sa kanila. ;)

"That's all for today. Class dismissed." buti naan at tapos na ang klase namin. Now we can give fliers and advertise ourselves na.

"Best! Here, nandito yung mga fliers ko. And oh, nasan ang iyo? Ikakalat ko sa ibang parts ng universities.' sabi sakin ni best habang naglalakad papalapit sakin.

WINNING HIM BACK (SLOW UPDATED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon