ALIPIN

87 4 1
                                    

CHAPTER 14 - ALIPIN 

MULTIMEDIA. Click mo :)

ALLISON'S POINT OF VIEW 

Looooorrrdd!! Ano bang nagawa kong masama!!! Bakit mo ako pinaparusahan ng ganito!! Please naman maawa ka sakin. Huhuhuhu. T_T 

Busangot ang mukha ko ngayon sa cafeteria kasama si best. 

"Best, tama na ang paglamon mo ng fries! Tataba ka niyan!" sigaw sakin ng best. I'm depressed best, wag mo kong pakielaman. 

"Hoy, alipin." tawag sakin nung panget na mokong na diablong gwapo. Luh! Ba't nakasali yun? Psh. Erase! 

"Ano naman po ang kailangan niyo mahal na hari?" tanong ko sa kanya matched with sarcasm. Umupo naman siya sa table namin kaya napausog ako bigla. 

"Hoy ano ba! Wag ka nga dito. Baka makita pa tayo ni Klein pagkamalaman akong nangangaliwa." 

"Bakit, hindi ba?" tapos nginitian niya ko ng nakakaloko. Gusto kong saktan si Klein pero ayoko naman siyang lokohin no! 

"Ang kapal mo a! Umalis ka nga dyan! Ano ba kasing kailangan mo ha?" naiinis kong sabi sa kanya. 

"Oh" inabot niya naman sakin yung maliit na papel. Binasa ko naman. 

ANNOUNCEMENT: 

Who: Officers of BASCO (Business Ad Student Council Organization) 

What: Hiking 

Where: Mt. Makiling 

When: Saturday July _, 20_ 

"Magkakaron ng hiking ang officers ng org. Kaya pumunta ka, hindi pwedeng wala akong alipin don." Grrrrr! Ang kapal talaga neto! If I know ginamit niya lang yung ginawa niya nung Friday para iboto siya! Ngayon, assistant niya ako. Huhuhu. Pero buti nalang natalo ko padin si Eliza. 

"Ok. Alis na." pagtataboy ko sa kanya. 

"Sige, kitakits Ms. Sagigilid." huh? Ano raw?!? 

"Anong sabi mo???" 

"Sagigilid. Aliping Sagigilid." tapos naglakad na siya palayo. Aaaaaah!!! Ang kapal! 

"Best! Inaaway ako ng kuya mo! Buti ka pa talaga nanalo! At least si Mau ang assistant mo, hindi yung ikaw ang alipin. Aaaaggghh! Naiinis talaga ako sa kanya!" nagdabog pa ko sa table namin. 

"Babe? Anong problema?" dumating na si Klein. Oo nga pala, ayos na kami ni Klein. Inexplain ko naman sa kanya yung side ko at naiintindihan naman daw niya. Although alam kong may part sa kanyang ayaw maniwala. Ang mahalaga ayos na kami. 

"Ah wala babe" kumalma muna ako. "Magkakaron nga pala kami ng hiking sa sabado. Kasama ang mga officers. 

"Ah ganun ba? Sige babe, ingat ka dun ha. Shane, pakibantayan nalang ang girlfriend ko ha?" ngumiti naman sa kanya si Shane at tumingin sa likod. Nakita ko umirap siya. Si best talaga. 

"Ahmmm... Ayos lang ba talaga sayo Klein?" tanong ko sa kanya. 

"Oo naman, babe. Sabi ko nga sayo, may tiwala naman ako sayo e. Kaya ok lang sakin^_^" lakas talaga nito makapagtiwala sakin. 

"Psh. Wala ka namang karapatang magduda." narinig ko yung binulong ni best. Sinipa ko naman yung paa niya sa ilalim ng table. Tumingin lang siya sakin ng masama at umirap. 

"Best, papasok na ko sa room. Ikaw?" sabi niya sakin. 

"Ah sige, sabay na tayo. Klein, sasabay ka ba samin?" tanong ko kay Klein. 

"Sige Babe. Baka malate na tayo sa klase natin e. Tara na." at sabay sabay na kaming nagpunta ng classroom. 

Hindi ko parin alam kung paano na ko sa hiking. Syempre ang awkward dahil nandun si Xian and worse, assistant niya pa ako. Nakakainis naman e, baka mamaya ichismis pa ko dito na nagttwotime. hay nako, buhay nga naman parang life.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

WINNING HIM BACK (SLOW UPDATED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon