CLOSE

48 2 0
                                    

CHAPTER 21- CLOSE 

ALLISON'S POINT OF VIEW 

Papasok na ako ng room nang makasabay ko si best. Nakatulala, aba makakabangga pa ata ako ng hindi niya napapansin. Nang mababangga na nga ako e hinawakan ko siya sa magkabilang braso. 

"Best! Uy! Anlema mo?" tapos inalog alog ko siya. Mukha naman siyang nagising nung inalog ko siya. 

"A-ah ah? Wala! Gutom lang hindi kasi ako nakapagagahan nagmadali ako e. Tara na." tapos straight lang yung face niya at pumasok na ng room. Yung totoo? Maka-tara na to iiwan naman pala ko dito sa labas. Pumasok na rin ako ng room. Mga nangangalahati palang ata kami ng discussion e inexcuse na agad kami. Shoot, hindi nga pala kami nakapagusap ng maayos kagabi. Si halimaw naman kasi e. 

Pagpasok namin ng meeting room.. 

"So, how was the discussion? Guzman? Greyman? Palma?" wow, medyo OP dun si Mau ha. Parehas may man kanya lang wala. Haha corny ko. Self proclaimed na. 

"Uh, maam pumili nalang po kami ng mga sa tingin namin e magugustuhan ng mga estudyante tapos magbobotohan nalang po para fair dun sa ibang officers.' sabi ni Shane. Great idea. Ayaw nalang niyang aminin na wala talaga kaming napagusapan ng matino. Hahaha. -.- 

"Ganun ba? Oh sige let's start ." tapos nagpavote na sila ng kung anuanong nakalista. 

Good News and Bad News. Good news, kasali na yung marriage booth! Yipyip! :D 

Bad news, kasali rin yung amazing race nila. At ibang araw daw ang ilalaan dun parang main event daw. Psh, paimportante. Pero may napansin ako a, kaninang kanina pa tong si Mau at Shane na hindi nagpapansinan. Normal kasi na laging kinukulit ni Mau si Shane pero parang ngayon ata e hindi na. Ang gulo nila, truelabels. 

Paalis na kami ng meeting room nang matanggap ko ang pinakakasuklam suklam na balita mula sa aming adviser. Hindi naman yung balita ang nakakasuklam. Kami raw kasing presidents ang maglilinis ngayon ng meeting room. How nice! Kaming dalawa ni Xian halimaw tikbalang Guzman! Isn't it amazing? AMAZING! Isn't it surprising? SURPRISING! Isn't it exciting? EXCITING! Isn't it? It isn't. 

So ngayon ay iwan na naman kami ng lalaking to sa room namin at panigurado ako na ako lang ang maglilinis dito. At nakikinita ko na yun dahil umupo lang siya sa gilid at naglagay ng headphones habang nagkakalikot ng phone niya. Great, just great. 

"Sana nandito nalang si Klein para may katulong ako." sabi ko dahil hindi niya naman ako naririnig dahil nga nakaheadphones siya. Pero nagulat nalang ako nang tanggalin niya yung headphone tapos naglakad papunta sakin. Inagaw niya yung walis tapos nagsimulang magwalis dun sa may likod na part. 

"Hinahanap mo pa yung Klein na yun e nandito naman ako." sabi niya. Ano raw? Teka, diko narinig e. 

"Anong sabi mo?" tapos naglakad ako papunta sa kanya. Tinitignan ko lang siyang maglinis, wow. Medyo masipag pala siya? 

"Sabi ko, mas magaling akong magwalis kesa sa BOYFRIEND mo! Tsk, SG talaga." aray naman sa tenga. Talagang diniinan rin niya yung BOYFRIEND. Grabe naman tong dalawang to.  

"Xian, sorry nga pala kagabi." sabi ko sa kanya, nakokonsensya kasi ako sa ginawa ni Klein e. 

"Wala yun, tama naman siya e. Girlfriend ka niya kaya dapat siya ang naghahatid sayo." bakit parang hindi naman sumasangayon yung tono ng boses niya? 

"Ah, oo nga naman. Xian, bakit ang lakas ng trip mo?" tanong ko habang umuupo dun sa may table. 

"Ikaw, bakit ang kulit mo?" tanong niya sakin pabalik. Hala sige, tanungan portion? Q&Q? Walang answer? 

"Naman e! Sagutin mo muna. Bakit ang lakas ng trip mo pagdating saken? Pinaiyak mo na ko, pinatawa, naging concerned ka na rin sakin." sabi ko. Curious lang po mga kababayan. Napatigil siya. 

"Ewan, wala lang. Trip ko lang." tapos nagtuluy tuloy na siya sa pagwawalis. Hinintay ko muna siyang matapos magwalis, tapos tinabi niya yung walis at naupo naman sa upuan na katapat nung table. Ang awkward naman neto, magkatapat kami. Medyo malayo naman pero, ewan. Bigla siyang tumingin sakin, aw! Kumidlat ata, bigla akong natamaan ng kuryente. 

"Magkwento ka naman tungkol sayo.' sabi ko sa kanya dahil kanina pang ang tahimik e. Nakakaawkward na. 

"Ba't mo pa yan itatanong e bestfriend mo ang kapatid ko."  

"Pero yung part lang ni shane ang alam ko. Hindi pa kita masyadong kilala." sabi ko sa kanya. 

"Well, medyo tama ka ng pagkakakilala sakin. Isa akong boring na tao. I just love to read, a lot. Mahilig din akong makinig ng music. I can say that music is my passion. Alam mo naman na I'm the vocalist of our university's band. I'm also a painter, well not that much. Nagsisimula palang ako. In terms of academics, alam mo na naman na I'm the top notcher in our year. Ewan ko nga ba kung bakit hindi namana ni Shane ang talino ng mga magulang namin, but it's evident that she's a really good student as well. In terms of love, ayoko sa mga babaeng sobrang arte. Gusto ko yung simple lang, katulad mo." napatingin ako sa kanya. Namula naman siya at syempre pati ang lola niyo! "A-ah, katulad mo, katulad ni Shane. Yung mga babaeng magaling pumorma pero simple lang, yung tama lang ang arte. Ganun lang, tinatamad na kong magkwento. Ikaw naman." tapos tumingin siya sakin. 

"A-ah. Hehe. Ano bang ikukwento ko sayo?" 

"Kahit ano. Tungkol sayo." at yun nga. Nagkaron na po kami ng gettoknoweachother portion. Nagtatanong siya, sasagutin ko. Tapos mamaya ako naman ang magtatanong tapos siya naman ang sasagot. I can tell na hindi naman pala boring kausap si Xian. He's actually interesting. Ang dami niya kasing alam na hindi ko pa alam. Dahil nga he's one year ahead of me, at parehas lang naman kami ng course ay napagtanungan ko siya ng kung anuano tungkol sa course namin syempre. 

"Allison.." tawag niya sakin. Tinawag niya ko sa pangalan? Grabe, hindi SG o Aliping Sagigilid ang tawag niya sakin. As in yung pangalan ko talaga. Bigla akong nakaramdam ng kaba, parang ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang kinakabahan na ewan na parang biglang nawala lahat ng bagay sa paligid namin, parang kaming dalawa lang. 

"Bakit?" tanong ko na pinipigilan ang pagkakautal. Syempre naman nakakahiya kung mauutal ako sa harapan niya. 

"Baka naghihintay na sayo si Klein sa labas. Ang alam ko kasi break na namin, baka magselos pa sakin yun." tapos nagawi ako sa reyalidad nung marinig ko ang pangalan ni Klein. Nako! Baka nga hinihintay na ako nun! Baka rin magselos pa siya kay Xian. Dali dali akong tumayo at nagayos ng uniform. 

"Ok lang ba ang itsura ko? Hindi ba gusot ang uniform ko o ano?" tanong ko sa kanya. Bahagya naman siyang nagtaka tapos bigla siyang ngumiti. Awww, nakakatunaw yung ngiti niya! Ang gwapo! TUNAY! :"D 

"Bakit ka naman curious sa itsura mo? syempre ayos ka, hindi naman kita nirape o ano." tapos bigla akong namula sa sinabi niya. Oo nga naman, ang OA ko naman ata. 

"Hehe, wala lang. Sige na halim-este Xian pala, aalis na ko ha. Baka kasi naghihintay na si Klein sakin e. Salamat sa time mo." tapos dali dali akong lumabas nang may maalala ako na nakakahiya talaga. 

Hindi man lang ako naglinis. -___-

WINNING HIM BACK (SLOW UPDATED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon