CHAPTER 15- OTHER SIDE
Ms. G:
Pasensya na po kung ngayon lang nakapgUD. May bago nga pala akong storyang ginagawa. Suspense thriller na medyo SPG. Ipapublish ko ito kapag nag1k reads na ang storyang to. Thanks for supporting. ;)
ALLISON'S POINT OF VIEW
Kasalukuyan akong nagaayos ng gamit para sa hiking namen. Paano ba naman kasi, hindi pwedeng hindi umattend ang mga assistant dahil wala raw magaassist sa mga official chuchu nila. Psh, ibig sabihin kailangan kong bantayan si Xian. Yung bwiset na yun, naiimbyerna parin ako sa ginawa niya sakin last friday.
Inayos ko na ang pink kong maleta. Tumawag muna ako saglit kina mommy and daddy para magpaalam na aalis kami ngayon. Syempre, pumayag naman dahil school activity naman 'to e.
Pagbaba ko ng hagdan ay nakita kong nagaabang na si Klein. Siya raw kasi ang maghahatid sakin papunta sa school, mamimiss niya daw kasi ako. Two days lang naman kaming mawawala e. Kumbaga hiking na medyo camping ampeg namin. Ngumiti lang ako kay Klein at lumabas na kami ng bahay. Pinapasok ko na ang sasakyan niya sa loob ng gate namin dahil medyo mabigat ang maleta ko.
"Klein?" sabi ko sa kanya habang nagdadrive siya.
"Hmmmm?" malambing niyang tugon sakin. Nahihiya parin ako.
"Salamat nga pala dahil naintindihan mo ako." tapos saglit siyang napatingin sakin tapos ngumiti at tumingin na ulit sa daan.
"Wala yun Babe. Alam mo namang hanggang kaya kitang intindihin, gagawin ko. Hindi ko naman kayang iwan ka e, tsaka mahal na mahal kita kaya may tiwala ako sayo." tinamaan ako sa sinabi niya. Parang ngayon palang sumusuko na ko. Oo nga't iniwan niya ako noon, pero nakikita ko ang sinseridad sa salita niya at sa mga ginagawa niya sakin. Nagtataka nga ako dahil ibang iba ang Klein na nakilala ko noon. I mean, oo malambing din siya dati pero nung araw na nasa park kami. Yung pagsasalita niya, ang lamig. Sobrang lamig na nagyeyelo ang puso ko sa mga sinabi niya sakin.
Natahimik nalang ako sa buong byahe. Pagdating namin sa school, nakita kong ang dami nang estudyanteng nandun. Yung iba, may klase. Ganun din si Klein, late na nga siya e pero pinagpilitan niya parin na ihatid ako.
Binaba niya ang maleta ko at hinalikan niya ako sa noo. Kinilig ako, oo na. Kinilig ako sa halik niya, para kasing ang sweet kapag hinahalikan ka g boyfriend mo sa noo.
"Allison, asahan mong magiging good boy ako dito. Hinding hindi ako gagawa ng anumang kalokohan." sabi niya sakin. Actually, parang hindi naman ako nagdududa sa kanya.
"A-ah. Magiingat ka dito ha Babe." pagkatapos nun ay nginitian niya ako at hinatid na sa meeting area ng mga officers.
"Dito nalang ako, Klein. Ingat ka, bye. I love you." nakita kong biglang lumiwanag ang mukha niya. As in yung sobrang liwanag. Sincere ako sa sinabi kong mahal ko siya, hindi ko lang sigurado kung hindi ko siya sasaktan.
Hinalikan niya ang kamay ko at naglakad na palayo. Sinundan ko siya ng tingin hanggang umakyat na siya sa itaas ng floor. Pumasok na naman ako sa room.
"Nandyan na pala ang alipin ko." inirapan ko nalang si Xian. Agang aga nambubwiset. Pinapunta naman ako ni maam para magregister sa attendance.
"Alright guys, complete na tayo. Let's now go to our coaster." Oo, nakacoaster kami. Yung parang maliit na bus? Ganun yung sasakyan namin papunta sa Mt. Makiling.
Nilagay na namin ang mga bagahe namin sa compartment ng coaster at pumila na para pumasok. Hinanap ko naman si Shane, parang hindi niya kasi ako binati kanina sa room e.
BINABASA MO ANG
WINNING HIM BACK (SLOW UPDATED)
DragosteThe Story of Allison Greyman. A story of a broken heart wanting to revenge. Is it right to break someone's heart to heal yours? Well, she is she. And no one can hinder her vengeance.