CHAPTER 22- FRIENDS
Ms.G: Pasensya na po kung ngayon ko lang inupdate ang mga chapters na ito. Vote at comment ka naman oh, maghihisterical na ko dito. :( Anw, thanks sa masugid na readers na hanggang dito ay umabot. I know na ang gustong basahin ng mga readers ngayon ay yung mga sikat. Sarreh na hindi sikat e, pero love kita. HAHA. Loveyou, thanks ha! :*
KLEIN'S POINT OF VIEW
"Babe? Kamusta meeting niyo?" tanong ko kay babe nang makita ko siyang lumabas ng meeting room. Sa totoo lang, nakita ko sila ni Xian na naguusap kanina, pero tingin ko naman walang masama sa paguusap. Magkaibigan lang naman sila, sana. Hindi ko nga narinig yung pinaguusapan dahil sound proof yung room. Nakita ko namang nagulat si Allison sa presensya ko. Ang lalim ba? Hugutin mo.
"A-ah.. Klein, kanina ka pa ba dyan?" parang medyo nagaalala yung tono ng boses niya. Haaay, kung alam mo lang Allison. Ayoko namang sabihin sa kanya kasi baka isipin niya na nagdududa ako. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Hindi e, kakarating ko lang. Kakatapos lang ng klase natin, ano. Sabay na tayo kumain ng break?" I tried my best to force a smile. She smiled back. Yang ngiting yan, yang ngiting nakapagpainlove sakin. Yang ngiting pinalitan ko ng lungkot at pagiyak. Ang tanga tanga ko.
"Sige, tara na." yaya niya sakin. Dumiretso na kami sa cafeteria. Pero bago yun, nung dumaan kami sa harapan ng meeting room ay nagkatinginan kami ni Xian. Nakaupo lang siya dun, ang talim ng tingin namin sa isa't isa. Parang may kidlat sa tinginan naming dalawa. Tapos kinalabit ako ni babe at napatingin ako ng diretso, baka makita niya pa yung tingin ko.
Natapos kaming kumain at mabilis ring natapos ang klase. Medyo naiinis na nga ako sa adviser ng org namin e. Lagi nalang pinapatawag sila Allison, syempre partner niya dun si Xian kaya hindi talaga ako komportable. Inagaw ng lalaking yun lahat, tss. Nandito na ko ngayon sa labas ng university at naghihintay kay babe. Nagkaron na naman kasi sila ng meeting, lecheng meeting yan. Umaraw araw na e, magtatayo ba sila ng carnival kaya ganyan nalang kung makapagusap? Psh.
Nakita ko na si Allison na kasabay maglakad si Shane. Nginitian niya ko na talaga namang nakapagpakabog sa dibdib ko. Ang ganda niya lalo na kapag nakangiti. Nabawi naman agad ang ngiti ko nang makita ko si Xian sa likuran nila. Kasabay niyang naglalakad si Maui. pareparehas kaming varsity ng basketball, nagkataon lang talagang inagaw sakin ni Xian ang pagiging MVP. Nilapitan ko na sila.
"Babe, hatid na kita." yaya ko sa kanya. Lalo na ngayon na laging may nakaaligid na mangaagaw sa kanya, hindi ko siya pwedeng hayaan lang. Nakangiti lang ako sa kanya.
"Uhm, babe. May pupuntahan pa kasi kami ni best e. Mauna ka na siguro, magpapahatid nalang ako kay manong." nawala naman yung ngiti ko. Ano ba naman yan, hindi ko na naman siya mahahatid? Ilang araw na siyang umuuwi nang magisa ah.
"Hindi ba pwedeng sumama nalang ako?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pwede." narinig kong sabi ni Xian pero nakatingin siya sa ibang direksyon.
"Anong sabi mo?" nakakapikon 'tong lalaking 'to ah! Ang yabang, sobrang hangin.
"Uhmm, Klein. Lalabas kasi ang mga officers ngayon e. Pasensya ka na kay kuya, bawal kasing sumama ang hindi officer e." pagpapaliwanag ni shane. Tumingin ako kay Xian, nakatingin lang siya sakin ng kaswal. Naiirita talaga ako sa pagmumukhang yan! Kung hindi ko lang mahal si Allison matagal ko nang sinapak tong kaibigan DAW niya. Bumaling naman ako kay Allison,ngumiti ako sa kanya.
"Sige, babe. Sana naman next time maihatid na kita." tapos lumungkot yung ngiti ko.
"Ingat ka dun ha," sabay tingin ko ng masama kay Xian. Tingin ulit kay Allison. "I love you, bye." ewan ko pero parang may ibang ibig sabihin yung bye ko. Ano ba yan, kung anuano na ang naiisip ko. Pumasok na ako sa kotse ko at nagdrive na. Nakita ko pa sila sa side mirror na naglakad na uli. Hindi ko na sila susundan, baka masaktan lang ako sa pwede kong makita. Dumiretso muna ako sa park. Pinark ko ang kotse ko at bumaba. Nang maglalakad na ko ay may batang biglang kumapit sa pantalon ko.
BINABASA MO ANG
WINNING HIM BACK (SLOW UPDATED)
RomantikThe Story of Allison Greyman. A story of a broken heart wanting to revenge. Is it right to break someone's heart to heal yours? Well, she is she. And no one can hinder her vengeance.