EFFORTS

78 6 0
                                    

CHAPTER 18- EFFORTS

A/N: 

Yeeeebaaa! Ang dami ko nang chapters! Anshakiit ng ulo ni Ms. G. Pero okay lang, para naman sayo. :)) Awww, nagkaaway ang magbestfriend na si Allison at Shane. Pano na yun? Ano kayang gagawin nila Shane at Mau para mapatawad sila nung dalawa? At ano kayang mangyayari ngayong back to reality na ulit sila Allison at nandyan na ulit si Klein? May magbabago kaya sa kanila? aba'y malay ko! Isusulat ko palang e, hahaha. Enjoy this story? Vote and comment na! Gusto mo ng dedication? PM mo lang ako :D

ALLISON'S POINT OF VIEW 

Hindi ko parin sukat akalain hanggang ngayon na mapagiisipan ako ng ganun ng bestfriend ko. Hindi ko matanggap na ang dali lang para sa kanyang akusahan ako ng ganun! Para namang ang kapal ng mukha niya. 

It's been a week. Isang linggo ko nang iniiwasan si Shane, pati narin si Mau. Isama mo na si Xian. Bahala sila sa mga buhay nila! Kung ayaw akong kausapin ni Xian, fine! Kung iniiwasan naman ako nung dalawa pa, edi magiwasan kami! Ito pala ang gusto nila ha. Buti nalang nandyan si Klein, kahit papano nababawasan yung nararamdaman kong sakit, pwede kong patawarin si Shane pero hinding hindi ko na yun makakalimutan.  

Hindi rin naman naging matanong si Klein kung bakit ko iniiwasan si Shane. Sinabi ko nalang na nagkaproblema kami, syempre ayokong malaman niya yung mga nangyari sa camp. Baka kasi pagdudahan niya ko, alam ko namang nagseselos na siya kay Xian pero ayaw niya lang ipahalata sakin. Parang nasasaktan tuloy ako para kay Klein, ala ewan. Basta masaya parin akong nandyan siya. 

"Babe, saan mo gustong maglunch ngayon?" tanong sakin ni Klein. Nasa gym kasi kami ngayon, hinintay ko siyang matapos na magtraining dahil sabay kaming maglalunch. Isang linggo narin kaming magkasabay kumain. Hindi ko na sinasabayan si Shane after that incident.  

"Tara nalang sa Army Navy, nagccrave ako sa burger e." sabi ko sa kanya. Nagpupunas siya ng towel sa buhok niya at mukha. Pawis na pawis e. 

"Sige Babe, magpapalit lang ako. Babalikan kita. I love you." namula na naman ako. Bakit ganun, ilang beses na niya kong sinasabihan niyan e natatamaan parin ako? Kumuha lang siya ng pamalit at dumiretso na sa cr ng boys. Alangan namang sa girls diba? Joke lemeng po, sarreh. 

Bigla namang dumaan si Xian na nagpupunas din ng pawis sa buhok. Nakita kong lumapit siya sa coach nila. Aba't talagang sa harapan ko pa talaga sila magchichikahan ng coach niya? Hindi naman totally na sa harapan ko, nasa taas kasi ako ng bleachers. Pero kahit na! Tsaka, ano kasi e. Si Xian, ano siya. Hehehe. >///////< Ano kasi, ganito kasi yun. Si Xian kasi, ano e. Anooo, kasi naman ee. SiXiankasitoplessnanaman! Whoo! Nasabi ko narin sa wakas! Grabeng tinipid kong laway para dun ha!  

Habang nakikipagusap siya sa coach niya ay tinitignan ko yung basa niyang buhok. Nakatirik ang buhok niya dahil nga bagong tuyo lang. Seryoso lang ang mukha niya habang nagsasalita. Napababa naman ang tingin ko, sa..... Ilong niya, huwe! HAHA. Ang tangos, nakakasaksak e. Imberna, napahawak tuloy ako sa ilong ko. Tinago ko yung ilong ko, hahaha. Kahiya te! Tapos, tapos napatingin ako sa. Sa ano, dun sa sahig! Tama, sa sahig. Joke, napatingin ako sa abs niya. Whoo! Nagpaypay ako ng kamay ko sa mukha ko. Ang inet a! Akala ko ba sabi nila presko daw dito sa gym? Parang hindi naman, ang inet kaya! One, two, three... Anim te! Anim! Anim yung ano. Anim yung daliri niya! Alien ba to? Bwahaha. Joke lang.... Anim yung abs niya T_T 

Nakita ko namang naglalakad na papalapit si Klein. *tingin sa kisame ng gym* Whoo! Muntikan na yun ha! Muntikan na kong maging manyak! Manyak na ba yun? Yung pagnasahan yung abs niya? Hindi naman diba? Tell me! Hindi diba? Support naman oooohh. T^T 

"Let's go?" sabi niya sakin. Ang gwapo ng boyfriend ko. *U* Hala! Ang gulo ng utak ko a! Parang kanina lang ee, ano. Wala. Wala nga, haha. Ang gwapo ni Klein, yung brown eyes niya e mas nakakapagpagwapo sa kanya. Pati narin yung tsinito niyang look. Napatitig tuloy ako sa kanya. Ganda ng buhok, ganda ng mata, ganda ng ilong, ganda ng labi, ganda ng baba, ganda ng dibdib, ganda ng---- 

WINNING HIM BACK (SLOW UPDATED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon