AKO NALANG

82 5 1
                                    

CHAPTER 16- AKO NALANG   

SHANE'S POINT OF VIEW 

Buti nalang nagkasundo na kami ni Mau. Remember nung isang araw may nirequest ako sa kanya diba? Ganito kasi yun, tungkol yun sa sinabi niya dati sa Starbucks na ipagkakalat niya raw ang nakita niya. Gusto niyo bang malaman ang nakita niya? T_T 

Aaminin ko na nga. Elementary palang ako, gustung gusto ko na si Maui. Lagi pa nga akong naglalagay ng "Maui Palma" sa palad ko. May letterings pa yan ha! Since magkayear si Mau at si kuya, naging magbestfriend yung dalawa. Laging nasa bahay namin si Mau, simula nun sinabi ko sa sarili ko na hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya kasi nga close sila ni kuya. Kapag nga nasa bahay yan at nasa bahay rin si best, lagi akong inaasar ni best dyan kasi nga alam niya yung sikreto ko. Actually gusto ko na ngang sabihin kay Mau e, kaso natatakot ako. Baka kasi masnob lang yung feelings ko, kaya nang pumunta kami ni best sa Paris ay kinalimutan ko na ang past. Lahat lahat pati ang feelings ko sa kanya.  

Yung tungkol sa nakita niya, isang araw kasi naglalaptop ako. Tapos napagawi ako sa fb at nagscan scan ng kung kanikaninong fb. Medyo stalker nga e, tapos bigla kong naisip si Mau. Ewan ko ba pero bigla kong dinowload yung mga pictures niya. Nilagay ko yun sa isang foler na ang pangalan ay "Buhay Ko". Tapos nun, tinignan ko yung mga pictures na nandun. Napatigil ako bigla dun sa picture na galing sa outing nila. Topless kasi siya, hihi V^_^ Binilang ko. Binilang ko, ang a-ano. Yung buhangin! Binilang ko, ahehehe. Tapos bigla nalang niya akong nakita dahil pumunta siya sa likod ko. 

"Bwahahaha! Pinagnanasahan mo nga ako no Shane!" utas na utas siya tapos ginulo ang buhok ko. Namula naman ako at biglang sinara ang laptop ko. 

"Hindi kaya!" tapos tumakbo na ako sa kwarto ko. Patay, alam niyang dinownload ko yung mga pictures niya. Kaya naman kapag binablack mail niya ako tungkol dun, wala akong magawa. Masisira ang image ko kapag nalaman nilang may kinababaliwan si Shane Guzman no! 

Ayun nga, buti nalang at pumayag siyang wag nang ikalat yun. Inamin ko narin na may gusto nga ako sa kanya, yun lang daw kasi ang makakapagpatigil sa kanya e. Wag niyong imisinterpret ha! Walang meron samin! Kaya lang talaga ako umamin para hindi na niya ako mablackmail. 

Nandito kami ngayon sa Mt. Makiling. Mga nagpapahinga na, kanina kasi halos ilang oras namin tong inakyat e. Ang tagal pa nga nila best at kuya, akala ko tuloy kung anong nangyari. Nandito ako sa tent namin at kasalukuyang nagmumuni muni. Kamalasang palad kasi, magkasama kami sa iisang tent ni Mau. Paano ba naman kasi, flirting ata to e hindi hiking. Pinagsama sa iisang tent ang mga magkakapartners. May tiwala naman raw samin si maam. Well, ako walang tiwala sa kumag na 'to. Umupo ako at naginat inat. 

"Makalabas muna." sabi ko at bigla namang humarap sa side ko si Mau. 

"Samahan na kita." seryosong sabi nito pero nakangiti naman siya. 

"Wag na Mau, gusto ko sanag mapagisa eh." pagkatapos kong sabihin yun ay lumabas ako ng tent. Nagpainit ako sa campfire. Nilingon ko yung tent nila best, parang walang tao a. Ginala ko ang mata ko, shoooot. Ayun si best, kasama si kuya. Palihim akong lumapit sa kanila para marinig ang pinaguusapan nila. Humakbang pa ako palapit sa kanila, nasa may dulo kasi sila ng camp at nandun sa may mga puno.  

*hakbang hakbang* 

Maglalakad pa sana ako nang may naramdaman akong humawak sa braso ko. 

"Wa-" sisigaw na sana ako pero tinakpan nito ang bibig ko. Iniharap nito ako sa kanya. Bakulaw lang pala. -.- Natakot ako dun a. 

"Anong ginagawa mo dyan ha?" tapos pinitik niya ang noo ko. Kinurot ko naman ang kamay niya. 

"Ano ba! Wala lang, gusto ko ngang mapagisa diba?" tapos nagcross arms ako. 

WINNING HIM BACK (SLOW UPDATED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon