MALING AKALA

78 3 0
                                    

CHAPTER 17- MALING AKALA

ALLISON'S POINT OF VIEW

*blink blink* 

-_____~ 

~____- 

~____o 

o____~ 

-____- 

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga ko. Napatingin naman ako sa hinihigaan ni Xian. Wala na siya, malamang bumangon na. 

Umupo muna ako at nagunat unat. Napatulala naman ako saglit. Ano nga kaya? Panaginip lang ba yung nangyari kagabi? Totoo bang sinabi yun ni Xian sakin? Paano? Tsaka bakit? May gusto siya sakin? Paano naman siya nagkagusto sakin e ni hindi nga kami nagkasama last two years ago. Ala ewan ko sa kanya, basta ang alam ko lang, nakonsensya ako kagabi. Hinayaan kong sabihan ako ng ganun ng isang lalaki samantalang meron akong boyfriend na naghihintay sa pagbalik ko. Pero bakit nga ba ako makokonsensya? Wala naman akong sinabing kahit ano na dapat kong ikakonsensya... Tsaka isa pa, binawi niya rin naman agad e. 

*flashback* 

"Bakit kasi hindi nalang ako?" pagkarinig ko ng mga salitang yun, literal na napatitig ako sa kanya. Kinusot ko pa nga ang mga mata ko kung totoo nga bang si Xian ang nasa harap ko. 

"A-anong s-sabi mo Xian? Para kasing nagkamali ako ng rinig e." tinitignan ko lang naman kung tama nga ba ang narinig ko. Malay mo naman asyumera lang talaga ako at hindi naman pala totoo yung mga narinig ko. 

"A-ah! I-ibig kong sabihin, b-bakit hindi ka nalang tumulad s-sakin? Tignan mo ako, walang girlfriend, edi nakakapagenjoy ako ng buhay!" pagkasabi niya nun, tumingin siya sa ibang direksyon. Nakita ko pa ngang namula yung pisngi niya e, o baka naman nagkamali lang ako? Ang isang Xian Guzman ay hindi nagbablush, yun ang pagkakaalam ko. 

"A-ah! Hehehe, nagkamali nga siguro ako ng rinig. A-alam mo, ang lamig na e. Matutulog na ko, ikaw, sasabay ka ba?" tanong ko sa kanya. Baka kasi magiba na naman ang atmosphere e. Pinunasan ko ang mga luha ko. 

"Hindi na muna, sige na. Mauna ka na." tapos ay pumunta na ako sa tent at natulog na. 

*end of flashback* 

"Allison! Huy!" nagulat naman ako nang may tumawag sa pangalan ko. Si Amber pala, yung secretary namin. 

"A-ah! Bakit? Pasensya na ha, medyo bangag pa sa tulog e." tapos nagkusot ako ng mata, nagalis narin ng mga muta. Aba, wag kang maarte aminin mong walang umagang wala kang muta. Batukan kita dyan e. 

"Pack up na tayo, aalis na tayo e. Bangon na dyan." pagkasabi niya nun ay iniwan niya na 'ko sa tent namin. Inayos ko naman ang mga ginamit ko sa pagtulog at lumabas na. 

Busy na nga ang mga tao, mga nagaayos na ng tent. Anong oras na kaya? Feeling ko mga 5am something palang e, bawal kasi ang cellphone dito e. Nakita ko kasi yung sunrise kaya malamang madaling araw palang. Inikot ko ang paningin ko, hinahanap ko kasi si Xian. Parang hindi ko pa siya nakikita ah. Ayun, nakita ko na. Nagkakape sa isang gilid. Bigla naman siyang napalingon dito. Pagkalingon niya ay biglang nagiwasan kami ng tingin, shet. Agang aga ang inet na naman ng mukha ko, anet ba itey! Napatingin ako kila Mau at best, nginitian ko naman si best pero umiwas siya ng tingin sakin. Ba't naman ako iniiwasan ni best? Luh, anong ginawa ko dyan? Napatingin ulit ako sa side ni Xian habang hinahawakan ko ang tent namin para ayusin. Nahila ko naman agad yung tent kasi pagkalingon ko ay nasa harapan ko na siya. 

"Ayyyy!!" tapos napaatras ako dahil baka mabagsakan ang paa ko. 

"Aly! Anong nangyari?" sabi ni Ms. Riley. 

WINNING HIM BACK (SLOW UPDATED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon