WOUNDS

93 4 2
                                    

CHAPTER 13 - WOUNDS 

Click the multimedia para mas feel. :)

KLEIN'S POINT OF VIEW 

Nakita ko. Nakita ko lahat. Ang sakit, lalo na kapag naiisip ko ang mga isinakripisyo ko para sa kanya. Ang sakit lang, shet. 

Bakit ba kailangang lagi akong nasasaktan? Palagi nalang, hindi ako ganun kasamang tao para bigyan ng ganitong klaseng problema. Nahihiwa ang puso ko, literal. Kanina, sa stage. Bagay na bagay sila, tinitigan ko sila. Tumingin ako kay Allison but she doesn't seem to care. Ayos na siguro to, ang sakit na e. I left the scene and went to the park. 

Bakit Allison? Wala ba kong naitulong sayo dati? Ganun ba kasama ang tingin mo sakin para gantihan ako ng ganito? Gustung gusto ko nang sabihin sayo. Gusto kong ipamukha sayo ang pagkakamali mo, pero sobrang mahal kita para gawin yun. 

Naglalakad lang ako papuntang park nang may mabangga ako, kasabay nito ang pagbagsak ng luha ko. Hindi ko lang ito tinignan at nakayukong umalis. Pagdating ko sa may park ay umupo ako sa swing na lagi naming meeting place ni Aly. 

"Bakit Allison? Bakit? Ang sakit sakit lang kasi. Sana alam mo ang nararamdaman ko ngayon. Sana alam mo kung gaano ako naghihirap. Sana alam mo.." naiyak lang ako sa may swing. Hindi ko naman inexpect ang pangyayaring to. Hindi ko akalain na si Jorelle na naman ang makakaagaw sa babaeng mahal ko. 

"Klein." narinig kong sabi niya. Alam kong siya ang nabangga ko kanina, pero I didn't care. Tahimik parin ako. 

"Alam kong nasasaktan ka. I'm sorry, kaya nga bumalik ako para itama lahat. Why don't you just come back to me?" tinignan ko siya sa mga mata. Hinawakan niya ang braso ko. 

"Please, stop Eliza. Marami nang nasaktan, at hinding hindi ako susuko kay Allison." sabi ko sa kanya at inalis ang kamay niya sa braso ko. 

"Pero Klein! Sinasaktan ka niya! Hindi ka pa ba nagigising sa katotohanan? Ako! Hinding hindi na kita iiwan! Hinding hindi na kita sasaktan. Please Klein." naluluha na siya ngayon. Eto talaga ang kahinaan ko e. Hindi ko kayang may nakikitang naiyak. 

"Eliza, tama na. Parang awa mo na, sinaktan mo na ko noon nang iwan mo ko. Ginawa ko lahat para sayo, pinaglaruan ko si Allison para sayo. Pero sinaktan mo lang ako, at ngayon mahal na mahal ko na si Allison." umiiyak na siya ngayon. Niyakap ko siya. at hinagod ang likod. 

"Makakakita ka rin ng para sayo Eliza, I'm sorry." at naglakad na ko palayo. 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ 

A/N: Maikli ba? Hayae niyo na! HAHA, hahabaan ko nalang ang ibang chapters for you. :*

WINNING HIM BACK (SLOW UPDATED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon