DENIAL

46 2 0
                                    

CHAPTER 20- DENIAL 

(Bonus chapter for Shane and Mau ;D) 

SHANE'S POINT OF VIEW 

"Thank you nga pala sa pagtulong ha." sabi ko kay Mau habang nakatayo kami sa may gate ng bahay namin. Kakatapos lang kasi namin dun sa cake na ginawa ko e. Actually, ipapauwi ko sa kanya yung cake. Sweet ba? Akala niyo lang. Pinilit niya lang ako. -___- 

"Sure, okay lang yun." tapos inilagay na niya yung cake sa sasakyan niya. Pagbalik niya.. 

"Shane?"  

"Oh bakit?" tapos tumingin siya sakin. Woa, kahit madilim ang gwapo niya. Lord bakit ganitech? Nakatitig siya sa mata ko e. Ang awkward eyy! 

"Pwede ko bang malaman ang totoong dahilan kung bakit mo'ko binusted two years ago?" nakatitig parin siya sakin. Nandito kasi kami malapit sa poste so medyo may ilaw sa mukha niya. Bale kalahati ng mukha niya ang may ilaw. Anong sasabihin ko? Ano ba! Hindi ko alam ang sasabihin ko. Bigla kong naramdaman yung sobrang lakas na kabog ng dibdib ko. Grabe, hindi ko alam kung pano ko siya sasagutin. Medyo mahirap kasi talaga ang sitwasyon nun e. Tsaka hindi ko parin alam kung ready na ba akong makipagusap sa kanya ng masinsinan. 

"Mau naman e, diba napagusapan na natin to dati." pagtatapos ko ng usapan. Umiiwas kasi akong sagutin siya e. 

"Shane naman e, since dumating ka sinuyo na kita. Don't you see the effort? Inaalagaan kita, pinroktektahan kita. Sana naman malaman ko man lang kung bakit." tapos hinawakan niya yung mga kamay ko.  

"Mau, hindi ba sinabi ko na sayo dati ang dahilan?" tapos naramdaman kong nagtremble yung mga kamay niyang nakahawak sa kamay ko. 

"Hindi Shane e, hindi ako naniniwalang may mahal kang iba nun!" tapos humigpit ang hawak niya sa kamay ko. 

"Shane naman e, naramdaman ko! Naramdaman kong mahal mo rin ako! Kilala na kita, Shane mahal mo parin ako e. Please naman oh, sagutin mo naman yung tanong ko." mas nanginginig na ngayon ang mga kamay niya. Kinakabahan ako. Hindi ko talaga alam. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. 

"Oo na, Mau. Minahal kita." sabi ko as a sign ng pagsuko. Wala na e, napaamin na ko. 

"Hindi lang kasi talaga ako ready nun para sa isang relationship e. If ever na sagutin kita, first boyfriend kita. Hindi ko alam kung paano ako aasta, kung paano ako kikilos. Natakot ako." nakayuko na ako ngayon. Hindi ko talaga alam kung paano siya harapin sa mga gantong usapan. Nagbabadya na ang luha ko e. Ang init ng kamay niya. 

"Okay lang Shane, handa naman akong maghintay e. Hanggang maging ready ka na." tapos parang natutunugan kong nababasag ang boses niya na parang umiiyak siya kaya napatunghay ako. 

"Ikaw lang Shane ang minahal ko e. Since high school ikaw na ang mahal ko, sana naman bigyan mo ako ng chance. Sige na naman oh." tapos nakita kong nangingilid yung luha niya sa left eye niya. Syempre yun lang kasi ang kita sa ilaw ng poste. 

"Mau..." yun lang ang nasabi ko dahil itong ito rin ang nakita ko sa kanya nung binusted ko siya two years ago. 

"Shane, I love you. Handa akong patunayan yun, kahit habambuhay pa." sabi niya pero nangingilid parin ang luha niya. Hinalikan niya yung isa kong kamay. Tinanggal ko yung mga kamay ko sa pagkakahawak niya. 

"Mau, I'm sorry pero after two years hindi ko sigurado kung mahal parin kita. At hindi rin ako sigurado na the time na maging ready na ako ay ikaw ang mahal ko. Sorry Mau." tapos tumalikod ako sa kanya at dumiretso sa pintuan ng bahay namin nang umiiyak. Grabe, bakit ko sinabi yun sa kanya? Alam ko naman at alam mo rin na mahal ko si Maui, ayoko lang talagang aminin sa sarili ko na sobrang mahal ko siya na umabot ito ng ilang taon. Kahit na umalis kami ay mahal ko parin siya. Tumalikod ako at tinignan si Mau, nakikita ko siya dahil sa ilaw pero hindi niya ako nakikita dahil wala nang ilaw dito. Nakita ko siyang tumalikod at pumunta na sa kotse niya. Walang luha. Walang luha. 

MAUI'S POINT OF VIEW 

Akala ko ito na yung gabing hinihintay ko. Ito na yung hinihintay ko na aaminin na niyang mahal parin niya ako. Pero hindi e, sinabi niya pa yung pinakakinakakabahan kong sabihin niya. Yung hindi niya ko mahal. Hindi niya nakita pero umiyak ako. Oo, umiyak ako pero sa kanang mata lang tumulo. Nangingilid lang yung sa kaliwa pero pinigilan ko dahil ayokong makita niyang nasasaktan ako, dahil baka sisihin niya ang sarili niya. Ganitong ganito rin ang nangyari sakin two years ago nung tanungin ko siya kung pwede ko na siyang ligawan. 

*flashback* 

Lumuhod ako at inilahad ang kamay ko na may hawak na singsing na pinili pa namin mismo ng nanay ko. Syempre naman, gusto kong gawin espesyal lahat ng estado namin ni Shane. Kahit liligawan ko palang siya e gusto kong special na agad. Ngumiti ako sa kanya. 

"Shane Guzman, babe ng buhay ko. Pwede ka na bang ligawan ng isang Maui Palma?" tanong ko sa kanya nang abot hanggang tenga pa ang ngiti ko ha! Feeling ko kasi ito na talaga yun e. Feeling ko malapit na kami sa goal na maging first boyfriend niya. 

"Uhmmmm, Mau.." sabi niya tapos yumuko siya. Tumayo ako, baka kasi may problema siya kaya hinawakan ko ang likod niya. Ang liit nga niya e, medyo nahirapan akong yumuko. -___- Nagpatuloy siyang magsalita. 

"May mahal na kong iba e." BOOM. Sumabog ang puso ko. OA ba? Alam yan ng mga broken, literal na parang nababasag ang puso kapag naririnig mo sa mahal mo na may mahal siyang iba o kaya naman hindi ka niya mahal. Diba? Diba? Alam mo yan. Ngumiti lang ako sa kanya pero ang sht lang ng luha ko. Kasabay ng pagngiti ko ang pagtulo ng luha ko. 

"A-ayos l-lang. M-mahal parin k-kita. Maghihintay ako Shane, maghihintay ako hanggang sa ako na ang mahalin mo." shet, lecheng pagibig to. Ano ba to? Parang pinagpipilitan ko ang sarili ko sa kanya e. Sht lang. 

"Hindi mo naiintindihan Mau. Mahal na mahal ko na siya, please tigilan mo na 'to." tapos ay kumawala siya sa hawak ko at tumakbo palayo sakin. Naiwan ako ditong magisa, umiiyak. Akala ko ito na e, akala ko ito na. T*anginang akala yan. Sinong umimbento niyan? Gigilitan ko na. Sht sht sht, ang sakit. Ang sakit sakit. Isa kong malaking tanga. 

*End of flashback*

WINNING HIM BACK (SLOW UPDATED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon