SWEET MELODY

87 4 1
                                    

CHAPTER 12 - SWEET MELODY 

Dedicated sa maganda nilalang na iyan. :*

ALLISON'S POINT OF VIEW 

"Are you ready guys? This is it. The program will start at 5 pm. It's already 4 pm so you better get ready. Everyone! Gather!" sigaw ni Shane dun sa mga performers. Nagpuntahan naman kaming lahat sa kanya. 

"Okay, so the event will go like this. First to perform is the group of Hailey and Dylan. Next will be Quincy, followed by Cassy. After that, magpepeform ako. Pagkatapos ko ay susunod naman sila Sam and Rick. And the last to perform will be Allison. Understood?" tumango naman kami. " Okay, get dressed and maglast hour practice kayo." nagsialisan na sila at nagpunta na sa backstage.  

Wala namang problema sa time dahil 5 pm ay tapos na ang klase sa Milden U. kaya panigurado maraming manonood samin. 

"Best, kalma kalma karin pag may time. Masyado ka namang pressured e. Everything will be fine, I'm sure kasi ikaw ang nagorganize." tapos nginitian ko siya. 

"Syempre best, I want this event to be successful. Isa pa, nakasalalay dito ang boto para satin. If this will fail, patay tayo." hay nako. Kinakabahan talaga ang bestfriend ko. 

"Alam mo best, you need to believe. Pagkatiwalaan mo sila, kami. Pagkatiwalaan mo ang sarili mo. We can do this, alright?" tumango naman siya at huminga ng malalim. 

Nagpunta na kami sa backstage para magayos. Nakared dress lang ako. Ang kakantahin ko kasi ay . I find it really attractive kasi. And feeling ko mas nakakapagpaganda sa isang tao ang kantang to. Nakita ko naman si Klein na pumasok din sa dressing room. 

"Babe, kamusta? Ayos na ba lahat? Yung dress mo nandyan na ba? Nakapagractice ka na ba? Ready ka na? Nandito lang ako para sayo a." nararamdaman kong ninenerbyos din siya para sakin. Gusto niya ring maging huge success tong concert namin. 

"Yea babe. Thanks, you don't need to worry. Everything's in place." 

"Goodluck babe. I love you." at kiniss niya ko sa cheeks. Nararamdaman ko ang sincerity niya. I know that he cares a lot for me. Habang patagal ng patagal, mas nakokonsensya ako. All I can do is to be sorry for him. Tumango naman ako at nagsabing magbibihis na ko. He left the dressing room.  

I can feel the tense. Nakakanerbyos pala talaga no? Gosh, kinikilabutan ako na ewan. Kinakabahan, indeed. 

"Welcome students of Milden University. This afternoon we will be entertained by selected students from Business Administration Department. Candidates for President and Vice President, let's all welcome Allison Greyman and Shane Guzman!" I hear the crowd's applauses. Lumabas kami ni best and gave them our most angelic smiles. 

"Ano pa bang hinihintay natin best? Let's get this party started!" sabi ni best sakin over the microphone. 

"Just watch, relax, and enjoy the show!" sabi ko at umalis na kami ni best sa stage. 

Nagperform na ang grupo nila Dylan and Hailey. Nagsayaw sila ng Scream by Usher. Kung gusto niyong paringgan, just search it on youtube. ;) Wooo, ang sarap nilang panuorin kahit nasa backstage lang kami. They look like proffesional dancers! Ang gagaling nila especially yung dalawa! 

Pagkatapos ng sayaw nila ay biglang nawala ang mga ilaw. There was a spotlight, and Quincy was there. And literally, and kinanta niya ay Spotlight - Glee Version. (Search niyo ulit :D) 

After her ay nagperform na si Cassy at ang kinanta niya naman ay Killing Me Softly. Grabee! Kaboses niya si KZ Tandingan! Ang ganda ganda niya pa ngayon! She really looks stunning! 

Habang nakanta si Cassy ay napatingin ako kay Klein mula sa ibaba ng hagdan. He was there, together with the other audience. Nakita ko rin na punung puno na ngayon gym namin. At medyo dumidilim na ngayon, that's what we want. This will be really exciting! 

Pagkatapos nun ay bigla ulit dumilim ang ilaw. At mula sa mga audience ay nandun si Shane. Wow, that's all I can say. She's really sexy. She's wearing a black sexy suit na parang kay cat woman. Maiksi nga lang yun at nakastocking lang siya ng butas butas. Nagsasayaw siya habang nakanta at papunta ng stage. The boys are going crazy! They want to touch her and they want her literally. After magperform ni best, I gave her a seductive look na nangaasar pa. Tinulak ko ulit siya papuntang stage, at nakita niya dun si Maui, may hawak na mic at kumakanta nang "Closer you and I". Yiiiee! Ang crowd ay tili ng tili! Sorry friend, pero kailangan ko tong gawin. Kasi, gusto ko. Bwahaha. 

Nagperform naman sila Sam at Rick. Nakakatawa nga e, kasi may part na sexy dance tapos naghubad sila ng shirt. Soooobrang ingay!!! Ang mga girls halos mabaliw na sa mga abs nila! Hahaha lalo na nung ihagis nila ang shirt nila, naganda punit punit na ang damit nitong dalawang to e. XD 

This is it. Ako na ang magpeperform, at gabi na. Dumilim ulit ang ilaw and I immediately went to the stage. Eto na, bumukas ang spotlight sakin. Hingang malalim. 

It's been the longest winter without you 

I didn't know where to turn to 

See somehow I can't forget you 

After all that we've been through 

Hindi ko alam kung bakit pero napatingin ako kay Klein. He was smiling at me, pero parang malungkot parin siya. Lately hindi ko siya nakikitang ngumiti ng totoo. And I'm guilty because of that. 

Thought I couldn't live without you 

It's gonna hurt when it heals too 

It'll all get better in time 

And even though I really love you 

I'm gonna smile cause I deserve to 

It'll all get better in time 

(If you want to hear Allison's version of Better in time, search niyo ang version ni IU ng Better in Time sa youtube ^_^) 

Hindi ko rin alam kung bakit ito ang napili kong kantahin. I know he's hurt by the lyrics, pero hindi ko rin alam sa sarili ko eh. Natapos akong kumanta nang nakangiti siya sakin. Ng malungkot. 

Paalis na sana ako ng bigla akong may narinig na boses from the audience. Rinig na rinig yon dahil nakamic siya. 

Magkalayong agwat gagawin ang lahat 

Mapasayo lang ang pagibig na alay sayo 

Ang awit na to ay awit ko sayo 

Sana ay madama magkabila man ang ating mundo 

My jaw dropped. Bakit? Bakit siya nakanta? At paano siya naisingit sa schedule? Nako, nako. Patay. Lumapit siya sakin, sumisigaw na ngayon ang crowd. I know, Allison Greyman and Jorelle Xian Guzman in one stage, sobrang ingay kahit na nakanta siya. Pero bakit ganun? naririnig ko parin ang mga sinasabi niya. Parang kaming dalawa lang dito, parang walang ibang tao. Natauhan ako at agad na tumingin kay Klein. He wasn't there anymore. Sorry Klein, I didn't plan this. I hope he'll believe. Pero hindi ko naman talaga to pinlano, I part of me wants this though. 

Dito ay umaga at dyan ay gabi 

Ang oras natin ay magkasalungat 

Nakatingin parin siya sa mga mata ko, he's now holding my face. Eye to eye kami. At siya lang ang naririnig ko. 

Ngunit kahit na anong mangyari 

Balang araw ay makakapiling ka. 

Then he kissed me..... 

On the cheeks.

WINNING HIM BACK (SLOW UPDATED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon