CHAPTER TEN - LET'S GET IT ON!!! (Part 1)
Ms.G: Thank you po sa pagbabasa, sana po ay magvote tayo sa mga chapters at sana po ay magcomment naman kayo. :(
Hindi ko po kasi alam kung nagugustuhan niyo ba yung story, pero hala sige update lamang ako ng update. Haha. Basta maguupdate lang ako haha. Love naman kita, siguro naman love mo rin ako. Kaya naman comment at vote ka naman oooh.
And please spread this story! Pampainspire ito para sa mga broken, mga gustong gumanti at kung ano ang positive and negative effects ng vengeance. ;)
Dedicated sa nagbigay ng names for the performers! Loveyea guys, thanks! :)
Here's the next chapter for you :*
ALLISON'S POINT OF VIEW
Nabubwiset ako. Nabubwiset ako. Nabubwiset akooooo. Grrrr!!! Nakakabwiset na kalaban ko si Xian dahil alam kong sikat din siya, mapagirls o mapaboys. At mas lalong nabubwiset ako na nagbalik na si Eliza! Ang aga naman niya kasing bumalik no. Nagsisimula pa nga lang ang mga balak ko kay Klein, and now she's ruining all my plans. Nakakainis siya! Pagkatapos ng mga ginawa nila sakin ni Klein does she really think na magpapatalo ako sa kanya? Over my dead and sexy hot body! >:]
It's been a week since nagstart ang campaign. And now, we only have this last week para magcampaign dahil next week na ang botohan. Kanya kanyang strategy ang mga tumatakbo. May nanlilibre (I guess wala talagang sense ang warning ni Ms Riley), may nagbibigay ng kung anuano. May mga sumuko naman agad dahil feeling nila ay wala na silang pagasa. Haay nako, ganito naman talaga samin, sa una lang malalakas ang loob.
"Best!! Kailangan nating makaisip ng magandang pakulo para makuha natin ang atensyon nila! Para naman sure na tayong satin na yung boto nila." nandito kami ngayon si best sa may park at nagmumuni muni.
"Best naman, ano bang tingin mo. Hindi ako nagiisip? Mauutas na nga ang utak ko kakaisip e." nakita ko namang may naglalapitang mga lalaki samin.
"Miss, yung kiss ko a kapag nanalo ka." natatawa naman ako sa mga to. Kumagat nga sa pakulo ko e. Palibhasa mga baliw na baliw kay Shane.
Ngumiti naman si best nang may halong irap sa kanila. Tapos tumingin sakin si best.
"Kahit kailan talaga pahamak ka Allison Greyman."
"Hayaan mo na, mahal naman kita Shane Guzman." tapos natawa kaming dalawa. Haaay, hindi talaga ako makapagisip ng maayos. -3-
"Best! Alam ko na!" woah. woah. Bilis namang magisip nitong si best.
"Ano naman yung naisip mo?" tanong ko sa kanya.
"Why not magset tayo ng concert? Tapos tayong dalawa ang main na performers? Diba matagal na tayong inaaya ng admin na sumali sa org ng performers nila? Malamang papayag sila sa naisip ko."
"Ahmmm, well that's a good idea. Paano naman kung pilitin nila tayong sumali sa org after ng concert?" ayoko kasi talagang sumali sa org na yun e, hindi kasi ako mahilig magshare ng talents ko.
"Edi sumali na tayo. Best, if you want to win in this election, you need to take risks. Sige naaa, hindi mo naman ikamamatay ang magperform sa maraming tao diba?" hay nako, kung hindi ko lang talaga mahal tong bestfriend ko.
"Sige na nga! Sige na, payag na ko." wala e, makulit talaga tong best ko. Di ako nito titigilan.
"Great! Now, all we need to do is maghanap ng performers at magrehearse. Madaliang practice lang to kaya maghahapit tayo." Minsan talaga mas matalino pa tong bestfriend ko sakin e.
BINABASA MO ANG
WINNING HIM BACK (SLOW UPDATED)
RomanceThe Story of Allison Greyman. A story of a broken heart wanting to revenge. Is it right to break someone's heart to heal yours? Well, she is she. And no one can hinder her vengeance.