Before First Day Ends

695 10 1
                                    

Nagmamadaling lumabas ang mga estudyante sa Multi National High sakay ng mga magagarang sasakyan na humahirapas pa ang iba ng takbo na para bang mauunahan sa gate.  Habang ang iba ay naglalakad palabas ng eskwelahan meron din naman na sa gym nagtungo para sa 1st meeting.

"Gosh nakakahiya 1st meeting wala akong ipepresent na mga sasali sa Glee club isa dalawa tatlo?  Tatlong Tao lang ang NASA list KO". Malungkot na sabi ni Janella.

"Plus ikaw Edi apat na" sabi naman ni Elmo na pinapatawa si Janella.

"Hmmm.. Alam KO na pati ikaw sasama KO na din para 5 na" biglang naisip ni Janella

"Hala bakit ako di ako pwede sa mga ganyan pang amateur tssk.. "Pagyayabang ni Elmo

"Wow huh.. Ikaw na talaga.. "Nakangusong sabi ni Janella.

"Hehe joke lang ikaw naman bilis magtampo eh.  Di ako pwede sumali sa mga club ngayon remember? " paalala ni Elmo.

"Oo nga pala.. Haay sayang magaling ka pa naman na Rapper" panghihinayang ni Janella.

"Hmm ok lang yan 1st day pa lang naman eh marami ka pang mahahanap this week for sure". Pag chi cheer ni Elmo. "Tsaka si Maris mukhang magaling yun alas mo na agad siya kasi marunong sa mga instruments. "Dagdag pa ni Elmo.

"Tama pero Sana talaga umattend siya sa Audition mukhang napilitan lang siya magsigned up kanina eh" sabi naman ni Janella na di pa din nawawala ang pag-aalala.

"Alam mo wag mo na muna yan isipin ok.  Don't stress yourself 1st day pa lang relax ok. " pagpapalakas ng loob ni Elmo.

"Oh andito na pala ang ating President with his First Lady eh haha" sabi ng isang lalaki na kasama sa student council siya namang nilingon ng mga iba pang kasama sa student organization at nakipagsabayan sa pang aasar sa dalawa.

"Wooohoo uy in fairness ha bagay kayo" sabi ng isang babae sa gilid ng stage.

"Oy oy kayo talaga puro kalokohan Tara na magstart na tayo sa Agenda natin. " utos ni Elmo bilang Pres ng Org.

Sinimulan na nila ang first meeting . Ang Agenda nila for the first Month is about student interaction.  Plan nila na magsagawa ng activities kung saan involve ang pakikipag interact sa iba pang estudyante . Naisip ni Elmo na habang maaga pa lang ay mahalaga nang ma-build ang Pakikipag kaibigan kahit di magkaklase.  Ang Layunin nila ay para maboost din ang confidence at madagdagan ang kaalaman kung paano ba ang tamang paraan ng pakikipag Socialize sa iba para pagdating ng Kolehiyo ay di na mahirapan ang mga estudyante na mag-Adjust.

"That's it so guys one thing lang ang hiling ko,  and that is your full cooperation and to think na di lang natin gagawin para sa school kundi para sa at in din ok? " request ni Elmo sa kapulungan.

Nagpalakpakan naman ang mga estudyante ng Org at kaniya kaniya ng ligpitan ng gamit para umuwe.

"Congrats!  Bagay talaga sa yo yung role mo eh noh. I'm just so happy for you"masayang bati ni Janella Kay Elmo.

"Ahm salamat. Ah akin na yang bitbit mo hatid na kita sa gate. " sabay kuha ng ibang gamit ni Janella.

"Bakit di ka pa uuwe?  Hmm Edi ba NASA likod ng gym yung kotse mo? " takang sabi ni Janella .

"Hmm ok sige sakay ka muna sa car KO para maihatid kita sa gate baka wala pa yung sundo mo eh" bigla namang naisip ni Elmo.

"Ok sige pwede din"ngiting sabi ni Janella.

Habang naglalakad ay may napansin si Janella sa dulo ng GYm isang  familiar na babae na kayakap ang isang lalaki na di niya nakita ang itsura dahil nakatalikod ito . Agad namang kumalas sa pagkakayakap ang babae at nagmamadaling hinila ang lalaki na pumasok sa loob ng magarang kotse tska umalis.

B.A.R. (Best and Rare) FRIENDS > Book1 CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon