Maris POV
"pare yeah we're here at the rooftop. " narinig ko si Diego na may kausap sa phone niya habang ako ay nakaupo sa isang bench.
"okay ka lang ba, eto inom ka muna. " inabot sa akin ni Diego ang isang bottled water mula sa bag niya.
"hmm.. Maris." sambit niya nagulat ako nang may tinanggal siya sa likod ko.
"wag mo itapon!" ibabato niya sana ang ginusot na papel na nakadikit kanina sa likod ko.
Kinuha ko mula sa kamay niya ang papel at tiningnan kung ano ang nakasulat dito. Picture ko na may malaking X na kulay pula.
"don't mind it Maris. " kinuha niya muli ang papel at pinunit punit ito.
Natulala ako sa ginawa niya at di ko inaasahang may luhang kumawala sa mga mata ko.
"hey, It'll be okay." saad ni Diego at pinunasan niya ang luha ko.
Napayakap ako sa kanya, I can't help it and suddenly cry in his arms.
"Maris we're here for you. " nagulat naman ako na nasa likod na pala namin sina Janella at Elmo kasunod ang Barkada.
"Okay lang yan Maris wag mo na sila pansinin." niyakap ako nina Loisa at Janella.
"Nandito kami para sa iyo. " tinapik naman ako ni Joshua.
"group hug!" sigaw ni Yves at di ko inaasahan na gagawin nga nila yun pati ang boys nakiyakap na din maliban kay Inigo na nakatayo lang sa gilid at nakangiti.
"aaah ang sikip hindi ako makahinga. " reklamo ni Loisa, imbes na bumitaw ang boys ay lalo pang hinigpitan ang group hug.
Maya maya ay inakbayan ni Diego si Inigo at isinali na din sa group hug.
"grabe ang bigat niyo ah.." dagdag ni Janella at finally ay kumalas na din kami sa group hug.
Nagpahinga muna kami saglit sa rooftop kung saan tahimik ang paligid at malamig ang simoy ng hangin.
"guys ano sa tingin niyo may klase pa ba tayo? " tanong ni Yves na napahiga sa sahig habang nagrerelax.
"feeling ko wala namang matinong sched ang mga prof ngayon." dagdag ni Loisa.
"well, sa totoo lang parang nakakatamad na bumaba, maybe we can stay here for a while. " di inaasahan na manggaling kay Janella ang pahayag na yan.
"woah ikaw ba yan Janella?" pang-aasar ni Joshua at nagtawanan kami.
"she has a point, minsan lang tong ganito sulitin na natin. " segunda ni Elmo.
"aba nga naman talaga oh yan ang true love, suportado. Apir tayo diyan Pres!" saad ni Yves at nakipag-high five kay Elmo.
"masaya tumambay dito kaso parang nakakagutom, di B may food ka diyan sa bag? " inabot naman ni Loisa kay Ronnie ang Lunchbox niya.
"the best ka talaga Loisa, di tayo magugutom pag kasama ka." dagdag naman ni Joshua.
Masaya ang naging pagtambay namin sa rooftop buti na lang talaga at may pantawid gutom na dala si Loisa.
"medyo matagal pa ang uwian tulog muna tayo." saad ni Ronnie sabay nahiga sa lap ni Loisa.
"what are you doing? "narinig kong tanong ni Inigo kay Janella na may sinusulat sa notebook niya.
"ahm trying to make a name for our Barkada." nakangiting saad ni Janella.
"hmm para saan? " sunod na tanong ni Diego.
"wala lang para maging solid yung friendship natin." dagdag pa ni Janella.
"di pa ba sapat yung Block2? " ani ni Ronnie.
"ayos yan hmm eh kung initials ng name natin pwede kaya? " suggestion ni Joshua.
"or pwede ding GoBarks, ang Barkadang laging Go. " seryosong saad ni Yves.
"parang ang bantot naman nun pre hehe, iba na lang ahm TroPaz na lang para sa Tropang Aztig. " pabirong sambit ni Ronnie at nagtawanan ang boys habang kaming girls nagtinginan lang.
"KKB as in KaKaibang Barkada" natahimik sila nang sumunod na nagbigay ng name si Elmo. Habang kaming tatlong girls ay Kroo kroo pa din..
Maya maya pa..
"alam ko na may naisip na ko!" sabik na saad ni Janella.
'B. A. R. friends' pinakita niyang naisulat sa notebook."BAR? Bakit BAR? " kumunot ang noo ni Diego at pati kami ay napaisip sa meaning ng sinulat ni Janella.
"Best And Rare, like aztig at kakaiba, di madaling mahanap para sa tunay na Barkada." paliwanag ni Janella.
"in fairness, maganda Best and Rare. " napahanga ako sa suggestion niya ganun din sila na tila natuwa sa bagong name ng Barkada.
Sa Kabilang Banda...
"Julia please tell me na wala kang ginagawang kalokohan." kinompronta ni Sofia si Julia habang nagpapahinga ito sa canteen."Excuse me! What are you saying? "
nakataas kilay na tanong ni Julia, inilapag ni Sofia ang papel na napulot niya sa corridor."oh wow, nice edit." saad ni Julia nang makita ang picture.
"please stop this mess. Hindi nakakatuwa, alam mo bang pwedeng kasuhan ang gumagawa ng cyber bullying? "pananakot ni Sofia.
"oh really? So pwede ding kasuhan ang campus website crashers." napa-crossed arm si Julia at lumapit kay Sofia na tila naging statwa nang marinig ang sinabi nito.
"Do you have a proof na ako ang gumawa niyan? Kasi ako I have proof kung sino ang nag-crash ng website. Goodluck na lang pagnalaman ito ng buong Admin. See yah later Sistah! " bulong ni Julia kay Sofia at lumakad palayo dito.
Napasigaw si Sofia sa inis at di makapaniwala sa sinabi ni Julia kung paano niya nalaman ang tungkol sa pag shut down ng Campus Website.
Krrrnnggg.....
Natapos ang isang araw ng klase nang walang klase dahil abala ang admin at mga prof sa pag-aayos ng schedule para sa lahat ng estudyante.Sinigurado naman ng Barkada na wala na gaanong estudyante bago pa sila makapagpasiya na bumaba sa rooftop para makauwe na din.
"paano ba yan dito na kami. " pagpapaalam ni Elmo kasabay si Janella.
"sasabay na ko kay Ronnie bye guys." sumunod naman na nagpaalam sina Loisa at Ronnie.
"ah sige ako din mauuna na ingat kayo." kinuha ni Joshua ang bike niya at saka umalis.
"sige pare, sabay ka na namin Maris."yaya naman ni Diego at tumango naman si Maris.
"yeah I guess I'll go ahead na din. " saad naman ni Inigo ngunit bago pa ito tumalikod ay sumulyap muna kay Maris at ngumiti.
Author's note
That's it! Nabuo na din sa wakas ang name ng barkada. B. A. R. Friends (Best And Rare). May 10 Chapters left pa po after nun I'm planning to publish the 2nd Part ng B. A. R. Friends. More twist and kilig soon.. Thanks po. Let's support our very own Maris 🌟 on MOR and Myx as well as Inigo.
BINABASA MO ANG
B.A.R. (Best and Rare) FRIENDS > Book1 Complete
FanfictionIto ay kwento ng isang barkada na punung puno ng pangarap at gagawin ang lahat para lang maabot ang minimithi. Kahit anong pagsubok ay kakayanin nila basta sama sama yan ang pangako nila sa isa't isa "walang iwanan" ika nga nila. Lahat gagawin nila...