Yves POV
"Nak naayos mo na ba ang mga gamit mo para bukas? " tanong ni Mama nang madatnan akong naglalaro ng Dota."maya na Ma madali lang yun." di pa din maalis ang atensyon ko sa paglalaro.
"anong mamaya na tigilan mo na muna yan at ayusin mo ang gamit mo nang hindi ka naghahanap ng kung ano ano bukas, i-ready mo na lahat. "medyo mataas na tono ng boses ni Mama, pag mga ganito medyo nanginginig na ako eh, ayun napakamot na lang ako sa ulo at tinigilan na ang pagdo-Dota.
Haay eto na naman tayo lunes na naman bukas. Pasukan na ulit medyo nabitin ako sa bakasyon, nakakatamad pa bumalik sa eskwela. Inaayos ko na ang laman ng bag ko at binuklat ang mga notebook para siguruhin na may mga pahina pa na masusulatan. Napangiti ako nang makita ko ng di sinasadya ang notebook ko sa Algebra, quiz na may nakalagay na checked by Maris. Naalala ko tuloy yung mga pangyayari nung time na yun na muntik n kong lamunin sa kaba dahil kay Ms. Munoz.
"Oo nga pala putek muntik ko na makalimutan dapat maaga ako pumasok bukas. "bulong ko sa sarili.
Nang matapos ako mag-ayos ng gamit ay bumaba ako saglit.
"Hi Ma, ahm kailangan ko pala bumili ng vase para bukas." paglalambing ko kay Mama.
"aanhin mo naman ang vase? " singhal ni Mama.
"ahm ano pangproject Ma, mura lang naman yun tsaka sasaglit lang ako sa labas promise." pagpapaalam ko sa kanya.
"naku bata ka siguraduhin mong project yan ha at di kalokohan. " dagdag niya pa.
"oo nga Ma promise tsaka tapos na ko mag-ayos ng gamit buti naalala ko yung sa project."
"oh eto ibalik mo ang sukli ah umuwi ka kaagad. " sabay abot niya ng 500 pesos.
"yes Ma, salamat I love you." hehe buti at nakalusot. Sorry wag niyo ko gagayahin ah di naman talaga pamproject yung vase at lalong hindi pangkalokohan, basta.
Kinabukasan....
Dagsa na ang mga estudyante para sa pagbabalik eskwela ng matapos ang 2 weeks na sem break.
"Ronnie ang aga mo ah kamusta? " bati ni Joshua.
"okay naman, di nagbago ang sched ko ikaw ba?" tanong ni Ronnie kay Joshua na hinahanap ang pangalan sa white board.
"parehas lang din nung nakaraan."
"guys nakita niyo na ba si Maris? " humahangos na tanong ni Elmo kasunod si Janella.
"di pa bakit anong nangyayari?" pagtataka ni Joshua.
At iniabot ni Janella ang bondpaper na may printed photo ni Maris na nilagyan ng malaking X at may nakalagay na 'MURDERER BEWARE'."anong kalokohan ito? " bulalas ni Joshua nang makita nila ang litrato.
"Good morning guys" nang dumating si Inigo na halatang masaya sa back to school. Kumunot ang noo nito nang mapansin ang mga kaibigan na tila seryoso.
"who did this?" umiiling ang mga kaibigan senyales na di nila alam kung sino ang may pakana nito.
Napunta ang atensyon nila sa corridor nang marinig ang sabay sabay na bigkas ng mga estudyante "MURDERER BEWARE!"
"Loisa." bulong ni Ronnie.
"si Maris" ani ni Janella.Sinundan nila ang mga kaibigan nang makitang naglalakad sa corridor kung saan pinagigitnaan ng ibang estudyante.
Sa Kabilang Banda...
Magkasabay na pumasok sina Loisa at Maris na kasalukuyang napadaan sa corridor. Parehas silang nagtaka ng bigla silang pinagtinginan ng mga estudyante.
At ikinagulat nila ng magsalita ang mga ito "MURDERER BEWARE!".
Napatigil sa paglalakad si Maris kasunod si Loisa at nagulat siya nang may bigla humigit sa kamay niya at inilayo siya ng isang lalaki mula sa crowd.
Sa classroom...
"sakto wala pang tao. " napakalaki ng ngiti ni Yves nang madatnang siya pa lang ang tao sa room.Inilagay niya ang isang napakacute na vase na may artificial na rose sa ibabaw ng desk ng Prof.
'wooh buti na lang di nagbago ang schedule at room natin.' sa isip isip niya at saka dali daling lumabas ng room sa takot na may makakita sa ginawa niya.
Nang makalabas siya ay naabutan niya ang mga kaibigan na nakaupo sa sahig sa may corridor.
"oh bakit kayo nakatambay wala pa ba tayong klase? " pagtataka niya.
"the profs are still in a meeting." sagot ni Elmo.
"malamang dahil siguro sa sched natin. " dagdag ni Joshua.
"bakit nga ba hindi nagbago ang sched natin?" sunod na tanong ni Loisa.
"may new sched na tayo, it's just.. the campus website was down so not everybody get their schedules. " paliwanag ni Janella, napatungo naman si Sofia nang maalala ang ginawa nila ni Diego.
"hmm.. asan pala si Maris?" tanong ulit ni Yves na nagtatakang kulang ang girls.
"kasama ng pinsan mo di ba? " biglang singit ni Ronnie.
"buti na lang dumating si Diego, kung hindi baka na-stuck na kami kanina don." dagdag pa ni Loisa ngunit wala alam si Yves sa mga nangyayari kaya tila naguguluhan siya.
Tahimik lang sina Inigo at Sofia na nakikinig sa kanila.
"guys! " nagulat naman sila sa reaction ni Elmo nang makita ang post sa phone niya.
Nilaksan niya ang volume ng video para marinig nilang lahat.
"that's why these photos are all around the area." bulong ni Inigo nang matapos nila mapanood ang video na nakuha ni Elmo mula sa Students Council.
"we need to stop this. " dagdag pa ni Inigo na nag-aalala na para kay Maris.
"yeah, I dont even think if this video is legit." ani ni Elmo.
Nag-isip sila ng paraan paano ititigil ang pagkalat ng videos and photos ni Maris.
Napukaw ang pansin nila nang dumaan si Julia na animoy sumasabay sa song from her phone at nag-iwan ng katagang "Stars are falling down."
Hinayaan lang nila si Julia hanggang sa makalayo ito ngunit di naman napigilan ni Sofia ang sarili at sinundan si Julia.
-to be continued...
Author's POV
Kapit lang po sa next Chapter.... Thanks for reading guys and keep on voting 🌟
BINABASA MO ANG
B.A.R. (Best and Rare) FRIENDS > Book1 Complete
FanfictionIto ay kwento ng isang barkada na punung puno ng pangarap at gagawin ang lahat para lang maabot ang minimithi. Kahit anong pagsubok ay kakayanin nila basta sama sama yan ang pangako nila sa isa't isa "walang iwanan" ika nga nila. Lahat gagawin nila...