Kinabukasan...
"Woah grabe ang galing talaga ni Inigo feeling KO crush KO na siya. " sabi ng kinikilig na estudyante.
"Ay naku iba talaga ang lakas ng dating niya. Gwapo, magaling sumayaw tapos maganda pa ang boses haaaay... " saad pa ng isang estudyante.
"Okay din kaya si Diego, I mean yung looks niya pang- matinee idol, tisoy tapos gwapo din at saka magaling kumanta haaay nakakatunaw! " pabebeng saad ng isang beki.
"Uy in fairness huh yung mga guys sa Block 2 andun talaga yung mga sikat eh. Syempre Hindi mawawala ang cutie pie Kong si Elmo! " dagdag pa ng isang babae.
"Anong kaguluhan yan?! " tanong ng matabang lalaki.
"Aren't you heard about Campus Website? Duh! " maarteng saad ng isang beki.
"Haay naku tigilan niyo na nga yan eh mas gwapo pa kami sa mga yan eh. " saad naman ng isang siga na dumaan kasama ang mga tropa nito.
"Speaking of Block 2 taga dun pala yung crush mo pare si Sofia. " sabat ng payat na katropa ng siga.
"Ah oo nakita KO na siya dun kasama yung babe KO na si Julia. " sabi pa ng isa.
"Tumigil nga kayo, wala namang tatalo dun sa crush ng bayan noh.! " saad ng isang bagong dating.
"Sino ba yang tinutukoy mo ha? " tanong ng siga.
"Walang iba kundi si Maris, napakasimple pero ang lakas ng dating! "pagyayabang ng bagong dating.
Blah.. Blah... Blah..
Ito ang nadatnan ni Ronnie nang dumating siya sa Campus at tila napaaga ang kanyang pagpasok. Kaya minabuti niya munang lumabas. Habang naghihintay Kay Loisa sa may gate ay napansin niya muli si Sofia na tila balisa at wala sa sarili.
"Sofia? " tawag niya rito ngunit Hindi ata siya napansin dahil sa pagmamadali ni Sofia.
"Ronnie! " tawag ni Loisa nang makita si Ronnie na hahabulin Sana si Sofia.
"Saan ka pupunta? " tanong ni Loisa dito hawak ang kanyang kamay.
"Ah si Sofia, parang may problema siya. " paliwanag ni Ronnie Kay Loisa.
"Ganun ba, hmm ako na bahala kakausapin KO siya. Tara na?." saad ni Loisa at inaya si Ronnie na pumasok na sa Campus.
Di naman nakaligtas sa mga Mata ni Loisa ang pinagkakaguluhan ng madla sa gilid ng cafeteria.
"Haaay naku wala na ba talagang ibang pwedeng gawin ang mga Tao dito kundi pagpiyestahan tayo? " pabirong saad ni Loisa at napatingin naman si Ronnie sa mga estudyanteng nakatingin din sa kanila.
"Bilisan na lang natin. " at hinila ni Ronnie si Loisa papasok sa room nila.
"Oh kamusta? Ano ready na ba ang mga gamit ninyo para mamaya? " tanong ni Joshua nang makita ang dalawa na humahangos papasok sa room nila.
"Oo naman Yes! " masigla sagot ni Loisa habang si Ronnie ay napatango na lamang.
"Good morning guys! " masiglang bati ni Yves as usual.
"Yeah good morning" saad naman ni Diego at nakipag-high five sa mga boys.
"Yay! Last day na wooh excited na KO para mamaya! " saad ni Elmo na ngayon lang ata nila nakitang ganun ka-excited.
"Syempre we have to make sure na lahat ay ready na for tonight. " masayang saad ni Janella.
"Oh hi Maris ready ka na para mamaya? " tanong Loisa nang dumating si Maris.
BINABASA MO ANG
B.A.R. (Best and Rare) FRIENDS > Book1 Complete
FanfictionIto ay kwento ng isang barkada na punung puno ng pangarap at gagawin ang lahat para lang maabot ang minimithi. Kahit anong pagsubok ay kakayanin nila basta sama sama yan ang pangako nila sa isa't isa "walang iwanan" ika nga nila. Lahat gagawin nila...