Haunted

509 10 0
                                    

Maris POV
When I came home I did not expect someone will be visiting our house today.

"Oh Maris buti nandito ka na" sabi ni ate na nakaabang sa pinto.

"Oh bakit anak kanino yung nakaparadang motor sa labas? " tanong ni Dad pagbaba namin ng van.

"May bisita po sa loob Pa, "sabi naman ni Mica.

"Anong ginagawa mo dito? " galit na tinig ni Papa pagpasok namin sa loob nang makita ang isang lalaki na nakaupo sa sala.

"Maris.. "Sambit ng lalaki.

"Paanong? " bulong ko na sobrang nagulat kung paano niya natunton ang bago naming tirahan.

"Sir,  magpapaliwanag po ako,  pa-pasensya na po.. " saad ng lalaki ng lapitan ni Papa hawak ang kwelyo ng suot niyang polo shirt at aambang susuntukin ni Papa.

"Pa! tama na"awat ni ate Kay Papa.

"Pinapunta mo ba yan dito Maris? " tanong sa akin ni ate.

"Hi-hindi hindi ko siya pinapunta dito. " saad ko na nagtataka paano siya nakarating dito.

"Ako lang po ang nagpunta dito,  nasundan ko po kayo nung pagluwas niyo dito sa Manila. " paliwanag ng lalaki.

"Mark,  gusto na namin ng tahimik na buhay kaya Sana umuwi ka na sa Davao. " sabi ko sa kanya at dire-diretso na Kong naglakad  papunta Sana sa kwarto ko.

"Anak, mag-usap muna kayo. " pagpigil sa akin ni Mama.

"Bakit ka nandito,  anong kailangan mo? " nanginginig sa galit na tono ni Papa.

"Di po ako naniniwalang may kasalanan ang anak niyo,  alam ko po na di dapat siya ang napatay nang gabing iyon.  Set up lang po ang lahat. " tuloy tuloy na sabi ni Mark na kinuwento ang nangyari sa kuya ko. 

"Meron pong witness Sir,  Hindi po si Kuya Randy ang pumatay sa kuya ko.  Di niya po yun magagawa. " napayuko siya at napapaluha.

"Umuwi ka na wala nang mababago sa mga nangyari.  Sigurado hinahanap ka na sa inyo baka matunton pa kung saan kami nakatira. " na-iiyak na sabi ni Mama.

"huwag po kayo mag-alala hinding Hindi ko po ipapaalam na nakita ko kayo.  Ayaw ko po na pati kayo ay mapahamak, pangako po iyan. " saad ni Mark na nakatingin ng taimtim sa akin.

"Umalis ka na kung wala ka nang kailangan pa. " utos ni Papa sa kaniya.

"Pwede ko po ba makausap si Maris kahit kahit saglit lang po. " pagmamakaawa niya Kay Papa.

"ano pang pag-uusapan ninyo,  di pa ba malinaw na wala na kayo ha? " masungit na tanong ni ate Kay Mark.

"mahal ko pa rin po ang anak ninyo. " saad ni Mark na napatingin ulit sa akin.  Habang ako ay di mapigilan sa pag-luha habang bumabalik ang masakit na ala-ala na dapat Sana ay matagal nang nabaon sa limot.

"umalis ka na baka Hindi ako makapagpigil sa iyo. " nanggigigil pa din si Papa sa galit.

"Maris please.. " pagmamakaawa niya habang ako ay tuluyan nang umakyat sa kwarto ko.

"Iho sige na pabayaan mo na kami na lumagay sa tahimik.  Umalis ka na. " narinig Kong saad ni Mama na pinapakiusapan si Mark na umuwi na.

Hanggang sa nakita ko siya sa bintana na paalis sakay ng kanyang motor.

Flashback....
"Mark saan mo ba ako dadalhin at may pasurprise surprise ka pang nalalaman? " tanong ko habang nakapiring ang Mata at inaalalayan niyang maglakad sa kung saan.

"sshhh..  Basta,  secret. " saad niya na halatang nakangisi kahit di ko nakikita.

"Ayan andito na tayo oh. " masayang sabi niya nang makarating kami sa lugar kung saan ice-celebrate namin ang 1st year anniversary namin bilang magkasintahan.

B.A.R. (Best and Rare) FRIENDS > Book1 CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon