Into Deep

393 9 5
                                    

Maaga pumasok sina Janella kasama ang Glee Club members para sa rehearsal nila.

"Thanks guys for coming early today.  So we only have 3 days left before the anniversary. I'm so excited! " hyper na saad ni Janella.

"Yeah,  medyo nakakakaba. " sabi naman ni Gina na kasama niya sa Club.

"Yakang yaka yan. " mayabang na bulalas ni Buboy.

"Okay sige so memorized niyo na ang lines niyo di ba?  So let's start. " saad naman ni Elmo na todo ang support sa club.

Fast forward...
"Alright,  last scene na so Maris and Jon galingan niyo. " pagchi-cheer ni Janella.

Last scene ay duet Nina Maris at Jon,  sa play sila ang magpartner bilang mag-best friend. Ngunit magkakalayo after makagraduate.  At lumipas ang ilang taon sila'y nagkita ulit at siyang naging dahilan para makasama ulit ang barkada sa bandang huli.

"Nice one.  Magaling guys.  So talagang ready na kayo para sa play this Saturday." Papuri ni Janella sa mga kasama.

Sa labas ng Gym...

"Oh pare andito ka na pala,  ang aga mo ah. " pagbati ni Joshua nang makita si Inigo na nakatanaw sa loob ng gym kung saan nagre-rehearse and Glee Club.

"Ahm no,  I just got here. " palusot niya at umiwas ng tingin sa gym ngunit di naman napigilan na tumingin ni Josh sa loob.

"Aba sina Elmo yun ah.. Tara na andito na pala sila eh. " pagyaya ni Joshua nang masilayan sina Janella,  Elmo at Maris na naiwan na sa loob habang ang ibang kasama sa club ay naglabasan na.

"Hi guys,  good morning! " bati ni Janella sa dalawa.

"Morning Pare! " nakipag high five naman si Elmo sa kanila.

"Morning Maris. " maginoong saad ni Inigo.

"Morning din sa inyo. " tugon naman ni Maris at ngumiti ng bahagya.

"Woah..  Good morning,  good morning sa inyo. " maingay na pagbati ni Yves nang dumating kasama si Diego na mukhang masaya ang aura unlike nitong mga nakaraang araw.

"Magandang umaga. " pagbati ni Diego sa kanila na nakangiti ngunit nakatingin lang sa direksyon ni Maris.

"Ahm.. Magstart na ko sa pagpaint ng walls Janella. " biglang saad ni Maris nang mailang siya sa titig ni Diego at agad na kinuha ang brush at paint sa gilid.

"Yeah,  I'll help you Maris. " biglang singit naman ni Inigo at tumungo agad sa direksyon ni Maris para tulungan ito.

"Oh Diego dapat magpaint ka din since magaling ka sa Arts. " pagbibida naman ni Yves nang makita si Diego na parang batang inagawan ng candy sa lungkot ng itsura niyo nang makita si Inigo na sumunod Kay Maris.

"Labas muna ako. " tumalikod si Diego at Dali daling lumabas habang sina Janella,  Elmo at Joshua ay nagkatinginan na parang iniisip na may something.

"Oh Diego hi good morning. " si Loisa na masayang masaya ang umaga kasama si Ronnie at kasunod si Sofia na dumating sa gym para ayusin ang stage.

"Okay ka lang? Bakit nandito ka sa labas? " tanong ni Sofia nang madatnan si Diego na nag-iisa sa labas.

"Nagpapahangin lang. " sagot naman ni Diego.

"Tara na sa loob para makapagstart na tayo. " pilit na niyaya ni Sofia si Diego at hinila ang kamay nito papasok sa loob ng gym.

"Ahem.. " naagaw naman ang atensyon ng lahat matapos umarte ni Loisa na nauubo kunyari nang makita sina Diego at Sofia na magkawak na naman ang mga kamay,  ngunit agad namang bumitaw si Sofia at kumuha na ng gamit para makatulong na sa pagdedesign.  Habang si Diego ay natulala saglit nang lingunin siya Nina Inigo at Maris.

Ilang oras pa ang nakalipas nang i-announce ni Elmo na excuse na sila sa klase since naka-aasign ang Block nila sa pag-aayos ng stage.

"Oh Julia,  hi kamusta? " masayang saad ni Joshua nang makita si Julia na kadarating lang at parang walang balak na tumulong sa kanila.

"Ahm,  you can join us Julia. " nakangiting saad ni Janella habang ang ilan sa kanila ay nakatingin lang at nagaabang ng gagawin ni Julia.

"Ahm here,  you can try it. " nagulat naman ang lahat nang bumaba ng stage si Maris at iniabot ang paint brush Kay Julia.

"I- I don't need that. " nakakunot ang noo ni Julia sabay talikod sa kanila at dire-diretsong lumabas ng Gym.

"Yaan na natin siya.  Kaya naman natin to eh. " sabi ni Yves at nagpatuloy sila sa ginagawa nila habang si Inigo ay sinundan si Maris sa baba ng stage at kinausap ito.

"Okay lang yan,  let's go. " naka-smile na saad ni Inigo at nakumbinsi si Maris na bumalik sa pagpe-paint habang si Diego ay panandaliang nahinto sa ginagawa habang tinatanaw ang dalawa.



"Tara guys break muna tayo. " sa wakas at nagkaroon sila ng signal na magpahinga at napagpasayahan ni Elmo na kumain muna ng tanghalian.

"Aba ayos ah may free lunch tayo. " masayang saad ni Joshua.

"Salamat President,  idol ka talaga. " pagbibiro naman ni Yves.

"Hindi,  it's from school's funds. " pang-aasar ni Sofia.

"Seryoso? " gulat na gulat na tanong ni Loisa habang si Ronnie ay nagtaka din kung totoo ang sinabi ni Sofia.

"Hindi,  naniwala ka naman agad haha. " paliwanag ni Elmo at nagtawanan silang lahat.

Matapos ang lunch ay unti unti nang nabubuo ang design ng stage.  Kulang na lang ay ang lights and sound system na gagamitin para sa event.

"Sa wakas natapos din. " tuwang tuwa na saad ni Ronnie na siya namang ikinagulat ng lahat dahil first time nilang makita si Ronnie na nakangiti,  as in masayang parang bata.

"Ahm pasensya na. " bumalik sa pagiging seryoso si Ronnie nang makitang sa kaniya nakatingin ang mga kasama.

"Ano ka ba,  wag ka ngang ganyan,  masaya dapat tayo dahil ang galing natin. " bulalas ni Yves at inakbayan si Ronnie,  naghiyawan naman sina Elmo at Joshua at sabay sabay na inilahad ang kanilang mga kamay sa hangin at pinagpatong patong ito sa pangunguna ni Inigo bilang tanda ng kanilang tagumpay dahil sa pagtutulungan ng bawat isa.









Mapapansin na malalim na ang pinagsamahan ng dating magkakaklase lang pero ngayon ay magkakaibigan na.  Dahil sa tiyaga at pagtutulungan nila ay nabuo ang kanilang samahan.  Kasabay naman nito ang paglalim nang pagtingin ni Inigo para Kay Maris na ngayon ay sigurado na sa kaniyang nararamdaman para dito.







Authors note:
Kamusta naman ang puso ko???
Kapit lang po mga besh.. Excited na for next chapter..

B.A.R. (Best and Rare) FRIENDS > Book1 CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon