Ronnie's POV
Krrrriinnnnggggg... (Alarm clocks)Bangon na R2 may basketball kayo ngayon. -Loisa
"Oo nga pala haays inaantok pa ako. " bulong ko sa sarili ko nang mabasa ang text ni Loisa.
"Oh tol aalis ka San lakad mo? " tanong ni kuya Luke paglabas ko ng kwarto.
"Ah diyan lang magbabasketball. " sagot ko naman sabay kuha ng isang bote ng tubig sa ref na siyang nauubos ko bago pa ako tuluyang umalis.
"Ayos yan. Mag-ingat ka. " sabi ni kuya Luke paglabas ko ng pinto.
Habang NASA biyahe ako naalala ko yung kagabi nang tawagin ako ni Loisa na R2, yun yung palayaw ko noon tawag sa akin ng mga kaBrad ko dati.
Maya Maya pa ay nakarating na ko sa court na paglalaruan Sana namin ng basketball kaso..
"Oh eto na pala si Ronnie" saad ni Yves.
"Pare mukhang di tayo makakapaglaro ngayon. " sabi ni Joshua sabay tingin sa court na may ibang taong nakaabang.
"Oh what happened guys? " si Inigo na nagmamadali lumabas ng kotse niya.
"Nauna tayong nagpareserve dito sa venue di ko alam bakit andito yang mga yan. " inis na saad ni Yves.
"Hayaan na muna natin, siguro palipas muna tayo sa ibang lugar. " kalmadong saad ni Joshua.
Ring... Ring.. Ring..
"Hello o Loisa? " sinagot ko ang phone ko at kausap si Loisa sa kabilang linya.
"Nagstart na kayo maglaro? "Tanong niya.
"Ah di pa may ibang naglalaro sa court. " sagot ko sa kanya at napatitig sa ibang player sa court.
"Ah ganun ba okay sige ipeprepare ko lang yung food niyo. " excited na sabi niya.
"Okay sige. " binaba ko na ang tawag nang maaninagan na papalapit ang dalawang lalaking familiar sa akin.
"Aba tingnan mo nga naman oh, buhay ka pa pala Alonte! " bulalas ng matabang lalaki.
"Ano Boss banatan na ba natin? " bulong ng matangkad na lalaking kasama niya.
"Ahm maglalaro ba kayo kasi nauna kami magpareserved dito eh baka naman pwedeng.. " singit ni Yves pero natigil siya nang lapitan siya ng matabang lalaki.
"Maglalaro ba kamo? Ano sa tingin mo? " paninindak ng matabang lalaki.
"Ah mga brad sige ano ganito na lang, laro tayo 1 round lang. Sino ang matalo aalis dito sa court. Ganun na lang. " pag-awat ni Joshua.
"HINAHAMON NIYO BA KAMI? " sigaw ng isa pang lalaki sa bandang likuran.
"Let's do this! " saad ni Inigo na mukhang nagiinit na..
Pumasok na kami lahat sa loob ng court at sinimulan ang laro kahit na apat lang kami at sila ay sobra sa bilang. Kinakabahan ako dahil mga basag-ulo ang mga kalaban namin.
Maya maya pa.. Nakakalamang na kami sa score at biglang..
"AH!!... " napasigaw si Yves sa sakit nang bumagsak siya sa sahig.
"Hey! That's foul! " sumugod si Inigo sa kinaroroonan ni Yves at nilapitan ang nakabangga Kay Yves.
"Anong foul, eh siraulo pala ito eh! " mayabang na sambit ng matangkad na lalaki at itinulak si Inigo.
"Oy oy oy, ta-tama na, relax Inigo" nang lapitan ko sila at inawat si Inigo na gaganti Sana sa pagkakatulak sa kaniya.
"Ano kaya mo ba Yves, itigil na natin ito. " saad ni Joshua nang malapitan si Yves at inalalayang tumayo.
BINABASA MO ANG
B.A.R. (Best and Rare) FRIENDS > Book1 Complete
FanfictionIto ay kwento ng isang barkada na punung puno ng pangarap at gagawin ang lahat para lang maabot ang minimithi. Kahit anong pagsubok ay kakayanin nila basta sama sama yan ang pangako nila sa isa't isa "walang iwanan" ika nga nila. Lahat gagawin nila...