Kinabukasan...
Joshua's POV
Halos mag-aalasais na ng umaga ako nagising pero medyo madilim pa sa labas. Napagpasyahan kong mag-ayos ng sarili para makapunta ako sa bayan. Laking gulat ko nang makita ko si Julia na nasa terrace at tila busy sa kakahanap ng signal.
"oh gising ka na pala, naku walang signal dito pasensya ka na ah kung di ka maka connect. " saad ko nang makalabas ako ng pinto.
"haays." buntong hininga niya. Mukhang stressed na siya hehe.
"gusto mo sama ka na lang sa kin? " di ko alam bakit bigla ko siyang niyaya.
" huh at saan ka naman pupunta? " mataray na tanong niya.
" wala ano sa bayan may kakausapin lang akong buyer nitong bahay. " paliwanag ko sa kaniya habang sinusuot ko ang sapatos ko.
" huh you're going to sell this? " nakataas kilay niyang tanong.
" oo, e wala naman na ding titira dito eh so useless lang. " dagdag ko pa.
" ano tara samahan mo ko dun panigurado may signal. " sabay ngiti ko at taas baba ng kilay.
"ayoko." ang aga aga sungit nitong babae na ito haay naku.
"oy pero wait lang i'll just get my bag. " paalis na sana ako ng pigilan niya ako.
So ayun na nga naghintay ako ng mahigit kalahating oras sa kanya. Gaano ba kabigat ang bag niya para abutin ng ganito. Tinubuan na ako ng ugat kakahintay oh.
" buti naman at nakalabas ka pa. " sabi ko nang pagkakita ko sa kaniya.
" what's so funny? " pagtataka niya paano ba naman kasi ako di matatawa eh ang get up niya medyo OA. Okay na sana yung sando and pants kaso bagpack may shades pang suot at ang pinakanakakatawa eh nakasuot siya ng boots take note high heels. Di naman siguro fashion show ang pupuntahan namin.
" let's go. " asar na utos niya. Di pa din ako makapagpigil sa pagngisi pero in fairness bagay sa kanya ang porma niya. Model na model ang dating haist ewan ko na lang mamaya kung makarampa ito ng maayos.
Sumunod na nagising sina Maris at Janella, himala namang bumangon din agad si Loisa habang si Sofia ay medyo napahimbing ata ang tulog. Napagpasiyahan nilang tatlo na bumaba na para sana maglakad lakad sa beach dahil last day na nila sa Batangas.
Nang makababa sila naabutan nila si Inigo na tila kakatapos lang maghilamos.
"Good morning" bati ng binata sa tatlo ngunit tila namagnet ata ang mga mata kay Maris.
"hay sus aga aga ah. " pang-aasar ni Loisa sa dalawa (Inigo at Maris).
"tara na muna sa cr hilamos muna tayo Maris." sinegundahan naman nang pangaasar ni Janella at hinila si Maris na sumunod kay Loisa sa cr.
"oh where are you going? " tanong ni Inigo nang makita na nakapag-ayos na ang tatlong girls na may bibit na phones at mono pad.
"sa labas magtetake ng pictures. Si Elmo ba gising na?" ani ni Janella.
"puntahan ko sa kwarto nila para gisingin ko si Ronnie. " sabi naman ni Loisa at dali daling nagtungo sa room ng boys.
"oh Elmo gising ka na pala kanina ka pa hinihintay ni Janella sa baba." pagkapasok ni Loisa agad namang napatayo si Elmo at siya namang nagmamadaling bumaba.
"Good morning. " bati ni Elmo nang makita si Janella na di naman mapigil ang kilig.
Sa kabilang banda...
"ano yun?" si Ronnie na tinatamad pang bumangon.
"lets go B sa beach. " bulong ni Loisa sa tainga ni Ronnie.
"maya 5 mins." humingi pa ng tawad si Ronnie na halatang inaantok pa.
"bangon ka na uy.. Uy.. Uy.. " walang tigil na niyugyog ni Loisa ang kasintahan. Wala naman itong nagawa kaya napilitan na lang na tumayo at sumunod kay Loisa.
Ilang minuto pa ang nakalipas....
" ang inet inet magsuswimming ka? " tanong ni Ronnie na nakabugnot ang noo.
" e ano naman wala namang masama dun ah. Ang arte mo naman. "angil ni Loisa.
" di naman ako maarte, concern lang ako sa balat mo. " dagdag pa ni Ronnie.
"uy nag-aaway ba kayo? " saway ni Janella sa dalawa habang naglalakad lakad sila.
"hindi ah!" sabay na sambit nina Loisa at Ronnie.
"buti naman, ang aga aga ang ingay niyo hehe. " sabat naman ni Elmo.
" di niyo gayahin yung dalawa tingnan niyo. " nakangiting saad ni Janella at sabay sabay nilang nilingon sina Maris at Inigo na medyo nahuhuling maglakad.
"ay grabe oh nagmomoment sila." kinilig naman si Loisa nang makita ang dalawa na tila may sariling mundo at sinusulit at oras na sila ay magkasama.
"yes? " napahinto bigla si Maris ganun din si Inigo nang maramdaman nila na nakatingin sa kanila ang mga kaibigan.
" bagalan niyo pa, tuloy niyo lang yan. " nakakalokang saad ni Loisa at nagpatuloy na sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa isang kubo na malapit sa dalampasigan.
" Oh game dali picturan ko kayo. " kinuha ni Loisa ang phone at monopad sabay kuha ng pic sa magkasintahan na sina Elmo at Janella.
"perfect! Oh kami naman dun sa kubo.. Tara B!" hinila ni Loisa si Ronnie at tumayo sa gilid ng kubo para kuhanan sila ng pic.
"ayan thanks Elmo. " pagpapasalamat ni Loisa matapos sila kunan ng litrato.
Bigla namang nabaling ang tingin ni Elmo kina Maris at Inigo na mukhang may sarili pa ding mundo at nagsolo na naupo sa may kubo habang nag-uusap. Dahil sa ganda ng background nila naisipan ni Elmo na kunan ng stolen shots ang dalawa.
Matapos mag picture taking ay naisipan nila na tumambay saglit sa kubo.
Makalipas ang ilang oras ay nagkasundo sila na bumalik na sa bahay ni Joshua.
"oh saan kayo galing bakit di kayo nag-aya ang daya niyo ah. " saad ni Yves na parang batang nagtatampo.
" naglalakad lakad lang kami sa labas. " sagot ni Janella.
" maaga kasi kaming bumangon. " pang-aasar naman ni Ronnie.
" wow nagsalita ang aayaw ayaw pa bumangon kanina." segunda naman ni Loisa kay Ronnie at nagtawanan sila.
"kamusta naman pakiramdam mo Diegs okay ka na ba? " nabaling naman ang atensyon nila nang magsalita si Maris kausap si Diego.
" okay na okay na. Salamat kahapon. " matipid na sagot ni Diego at saka ngumiti.
"oh aba tanghali na kayo bumangon?" saad Joshua nang dumating kasama si Julia.
"ahem! "malakas na umubo si Yves.
"ah ano kanina pa kami gising eh kayo saan kayo galing?" dagdag ni Yves at tumaas baba pa ang kilay.
"may inasikaso lang ako about dito sa lupa. ". Ani ni Joshua at ngumiti kay Julia na umirap naman at dumeretso sa kusina.
"aysus talaga nga naman oo." pang-aasar pa ulit ni Yves.
"so paano ahm i guess we have to pack na. " sabi ni Janella na malungkot ang boses.
" ah yeah since 3pm tayo aalis so let's eat lunch first. " payo ni Elmo.
Sumang-ayon naman ang barkada at sinunod ang itinakda nilang sched ng pagbalik sa Manila.
-to be continued...
BINABASA MO ANG
B.A.R. (Best and Rare) FRIENDS > Book1 Complete
FanfictionIto ay kwento ng isang barkada na punung puno ng pangarap at gagawin ang lahat para lang maabot ang minimithi. Kahit anong pagsubok ay kakayanin nila basta sama sama yan ang pangako nila sa isa't isa "walang iwanan" ika nga nila. Lahat gagawin nila...