Uninvited

380 11 1
                                    

Author's POV

"So you're saying na kilala mo ang mga nanghimasok sa Admin? " saad ni Jerome habang nasa loob ng kotse at kausap ang isang babae na di maaninag ang mukha.

"how did you know about this? Wala pa namang nilalabas na footage from cctv ang campus?" pagtataka ng binata.

"I just did. Look I have to go. Bye! " lumabas ng kotse ang isang babae na nakasuot ng black na hoodie at iniwan si Jerome sa loob ng kotse.

_________________________________________

Maris' POV

Hindi pa din ako makapaniwala sa mga narinig namin from Loisa.

Flashbacks..

"teka Loisa di ba sa ibang school ka nagstudy last year, how come na nandito ka nung time na yun? " pagtataka ni Janella.

"remember my Dad and Sofia's were good friends. They were both invited as a school Investors para sa renewal ng contract ng Campus. Nagkataon na kasama ako ni Dad but he left me in the car. Then I saw somebody came out of nowhere. Nakita ko na familar yung guy and di ako nagkamali si Jerome yun. " panimula ng kwento ni Loisa.

"ahm so ano bang  ginawa niya paano naging scandalous?" pagtataka ko dahil wala pa ako sa Campus last year.

"Leakage Maris, that's what made it scandalous. " sagot naman ni Janella.

"pero bago pa yun I also saw someone. Wala naman akong balak na makialam or something kasi nagtransfer ako sa ibang school last year. Nacurious lang ako kasi wala nang students medyo late na yun. I just realized na nakatanaw ako sa window at ayun nawitness ko ang nangyari" napahinto si Loisa.

"eh sino naman yung other person na kasama niya? " tanong ko naman, gaya ni Janella hinihintay namin na magpatuloy si Loisa sa pagkukwento niya.

"it is Sofia right?" saad ni Janella.

"ahmm ay naku tama na nga masyado na ata akong maraming nasabi. Tara na I need to go home nagtext na si Mom. " imbes na sagutin niya ang sumunod na tanong she fished her phone from her pocket and unlocked the door para makalabas na kami.

"ang tagal niyo ata sa washroom." saad ni Ronnie nang makita si Loisa.

"sorry na B, tara na uwe na tayo. " pagyaya nito.

"is that Sofia?" sabi naman ni Inigo at lahat kami napalingon at nagtaka kung saan galing si Sofia kasi bigla na lang siyang nawala sa last subject namin.

"hi guys are you going home na? " bati niya nang makita kami.

"yeah, so tom tuloy tayo sa inyo di ba after class?" pagpapaalala naman ni Joshua.

"ah oo nga pala groupstudy. Sige sige. Ahm I don't know if makakapasok ako tomorrow but feel free to go to our house anytime. " nagtaka naman kami bakit di naman siya papasok bukas.

"absent ka bukas?" tanong ni Yves.

"ahm, Yeah I have to go somewhere pero saglit lang naman yun, confident ako na makakauwi ako before you go there. " ngumiti siya na parang wala lang.

"Okay sige tara na. Let's go home guys." this time si Diego naman ang nagaya na umuwi.

_________________________________________
Playing Runaways by All Time Low🎶

Author's POV

Kinabukasan...

"Elmo, Pre ah sasama ka ba sa amin magreview sa house nina Sofia? " hinarang ni Joshua si Elmo bago pa ito makalabas ng room.

B.A.R. (Best and Rare) FRIENDS > Book1 CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon