Maris POV
"Maris!! Papasok ka na? " tawag ng familiar na boses ng lalaki sa likuran ko."Ahm Mark ikaw pala.. Oo medyo malelate na ako.. " saad ko nang makita si Mark na nakasakay sa motor.
"Eh tamang tama sakay ka na, hatid na kita. " sabi niya sabay tapik sa upuan niya sa likod.
"Ahm o-okay lang sasakay na lang ako.. " naputol na sabi ko.
"Sige na halika na malelate ka na sige ka. " pilit niya at saka naman ako um-oo.
"Okay sige na nga. Salamat ah. " nang makaupo ako sa likod ng motor niya.
"Ahm.. Anong oras uwe mo mamaya? " nagulat ako sa tanong niya.
"Ahm depende.. " di ko talaga alam kung anong oras kasi nga may community service pa ako mamaya.
"Depends? Bakit di sure? "pagtatakang tanong niya na sabay ng pagtawa.
"Ahm ano kasi eh baka may may practice pa."palusot ko dahil nahihiya akong i-bring up yung about sa community service.
"Wow buti at nagagawa mo pa din ang hilig mo kahit na NASA ibang school ka na. " saad niya na nakangiti kahit di ko nakikita.
"Masaya ka naman ba? " saad niya ulit at nakita Kong nakatingin siya sa akin mula sa side mirror ng motor niya.
"Oo naman. So far masaya naman ako. " habang nakangiti ako at tumatango.
"Ahm sige Mark dito na lang ako. " sabi ko nang makarating kami sa gate ng Multi National High.
"Wala yun. So panu.. Ahm text na lang.. " saad niya nang makababa ako sa motor niya.
"Okay.. Si-sige pasok na ako. Bye.. "Pagpapaalam ko sa kanya.
"Sige Bye.. " saad niya at biglang hinalikan ang kamay ko na talagang ikinagulat ko.
"Anong ginagawa mo? " saad ko na luminga linga na baka may nakakita.
Humingi naman siya ng pasensya dahil di niya din sinasadya na gawin yun. Medyo matagal tagal na nga din na di kami nagkita at nagkasama. Kahit ako namimiss ko na din siya pero Ewan ko ba parang sa ngayon ayoko na muna isipin ang mga ganitong bagay lalo na sa sitwatsyon ng Pamilya ko ngayon. Kaya minabuti ko na lang na panatilihin ang magandang relasyon namin bilang magkaibigan.
Pagpasok ko sa gate ng school nakita ko si Diego sa harap ng sasakyan niya na nakaparada sa parking lot.
Habang naglalakad ako napansin Kong may kakaiba sa kanya. Di ko alam kung nakita niya din ba ako o Hindi kasi bigla siyang tumalikod nang mapatingin ako sa direksyon niya. Kakawayan ko Sana kaso di na siya tumingin buhat ng tumalikod siya.
"Hi Maris!!! " tawag ng familiar na boses ng babae sa may gilid.
"Oh hi Loisa! " sabay niyakap niya ako at bineso.
"Tara sabay na tayo pumasok sa room. " yaya niya at agad ko naman tiningnan si Diego pero nakatalikod pa din.
"Okay sige tara na. " at tuluyan na kami pumasok sa room.
"Good morning Maris. " bati ni Inigo pagkaupo ko sa pwesto sa tabi niya.
"Morning din. " sagot ko at bigla naman akong napatingin Kay Yves.
"Maris nakita mo ba si Diego sa labas? " tanong niya sa akin.
"Parang ikaw ata ang hinihintay niya kanina pa. " dagdag niya pa na siya namang ipinagtaka ko.
"Why does he have to wait for Maris? " sabat ni Inigo.
"Oh Diegs muntik ka na naman malate pare! " malakas na saad na boses ni Josh sa unahan at nakipag-high five Kay Diego.
BINABASA MO ANG
B.A.R. (Best and Rare) FRIENDS > Book1 Complete
FanfictionIto ay kwento ng isang barkada na punung puno ng pangarap at gagawin ang lahat para lang maabot ang minimithi. Kahit anong pagsubok ay kakayanin nila basta sama sama yan ang pangako nila sa isa't isa "walang iwanan" ika nga nila. Lahat gagawin nila...