Collide Part 1

506 9 1
                                    

Joshua's POV
"Hello,  oh ate okay naman ako may budget pa naman ako tska nakausap na ni Mang Kanor yung caretaker sa Probinsya may nahanap nang bibili ng titulo. " saad ko habang kausap si ate sa phone.

"Mabuti naman at may buyer na,  oh siya sige lagi kang mag-iingat diyan ha,  mag-aral ka ng mabuti. " bilin ni ate.

"Oo naman ate wag ka na mag-alala pa.  Mag-iingat din kayo diyan. " sabi ko Kay ate at saka pinutol ang usapan.

"Oh Josh Tara sabay na tayo pumasok sa room. " si Yves nang makita ako sa gate.

"Sige wait lang. " sabi ko habang nilalagyan ng lock yung bike ko.

"Oh aba mukhang masaya ang gising niyong magpinsan ah." Nakipag-apir ako sa dalawa nang makitang magkasama at nagkukulitan na naman ang mga ito.

"Sana wala ulit tayong Prof mamaya para maaga makauwe. " hiling ni Yves at saka ibinaba ang gamit niya sa upuan.

Maya-maya pa ay dumating si Elmo.

"Oh Pres kamusta? " bati ko Kay Elmo.

"Ayos naman. " pagkaupo niya sa pwesto niya.

"Aba himala ah wala ka atang meeting ngayon. " sabi ni Yves nang lapitan si Elmo.

"Di ako umattend. " medyo bad trip na tono ni Elmo.

"What but why you're their leader. " pagtatakang tanong ni Diego.

"Haay.  Para matuto silang kumilos. " dagdag pa ni Elmo.

"Tssk..  Aga aga mainit ang ulo mo.  Ano ba magandang gawin para lumamig yan? " sabi ko naman na nakangiti baka sakaling mabawasan ang kabad-tripan ni Elmo.

"Oh eh eto na pala yung makakapagpalamig ng ulo mo Pres. " natatawang saad ni Yves pagkapasok ni Janella sa room.

"Huh? " nagtatakang tanong ni Janella.

"Bakit wala ka sa meeting kanina? " tanong ulit ni Janella pero ngayon ay nakatingin na siya Kay Elmo.

"Tinatamad ako. " matipid na sagot ni Elmo.

"What? tama ba yung excuse mo na yan? Kung alam mo lang ang daming naghahanap sa iyo para hintayin yung Plano mo para sa Anniversary ng school,  sasabihin mo tinatamad ka? " nagulat kami na biglang naging seryoso si Janella at pinagsabihan si Elmo na di naman umiimik.

Lumabas muna ako saglit para pumunta sa CR,  sa pinto ay nakasalubong ko ang dalawa.

"Goodmorning pare" bati ni Inigo kasama si Julia.

"Morning din. " sabi ko at dumeretso na palabas ng room.

Hmm.. Medyo weird ata ang umagang ito ah.  Bago pa ako makabalik sa classroom ay binati ako ng dalawang kaklase Kong babae.

"Good morning Joshua. " sabay na bati Nina Loisa at Sofia.

"Oh good morning? " nagtataka ako bakit para atang nagiging close na silang dalawa na dati ay di man lang nagpapansinan.

Oh di ba may kakaiba talaga ngayong araw na ito eh.

"Magandang Umaga. " nagulat ako ng lingunin si Ronnie na bumati din habang nasa likod ko bago pa kami makapasok Nina Loisa at Sofia sa room.

Akalain mo yung taong matagal na walang pakialam sa klase nagMagandang Umaga?..






====================================
Krrrriiiiinnnnnggggg....

Nagsimula na ang klase ngunit parang may kulang na estudyante sa Block 2.

"Good Morning class.  Sorry I'm kinda late today.  I just came from the Hospital to visit a friend.  But anyway how are you,  got a good sleep last night huh? " saad ni Mr.  Matsunaga.

"Excuse me po Sir..pwede po Kay Elmo Magalona?" biglang may dumating na taga-student council.

"Oh yeah,  Elmo"senyas ni Mr.  Matsunaga Kay Elmo na lumabas ng room.

"Ahm Sir,  the council needs me to join them in the meeting today. " pagpapaalam ni Elmo sa Prof.  pagbalik niya sa loob ng room.

"Ah okay go now. " sabi ni Mr.  Matsunaga at hinayaan na lumabas si Elmo para sa meeting.

"So,  before we start I will ask you to group yourselves into 2. So count 1 and 2.."utos ni Mr.  Matsunaga sa mga estudyante niya.

Napabilang sa Group 1 sina Joshua,  Julia  Janella na dapat si Elmo pero dahil lumabas siya ay excluded siya sa grupo at si Yves bilang panghuling member.

Habang sa Group 2 naman ay sina Loisa,  Sofia,  Diego,  Inigo at Ronnie.

"Okay 1 2 3...hmm you're missing one more member.  Is Miss Racal absent today? " nang mapansin ni Mr.  Matsunaga na kulang ang bilang ng Group 1. At nakumpirma na wala nga si Maris.

"Where is she? Does somebody know why she's not here? " pagtataka na tanong ng Prof.

"Di ba siya nagtext sa yo Diegs? " bulong na tanong ni Yves Kay Diego.

"Di siya nagrereply.  I tried to call her pero wala di niya sinasagot. " ganun din si Diego na pabulong na nakikipag-usap Kay Yves.

"What's goin on guys? " tanong ni Mr.  Matsunaga na nahuling nag-uusap ang magpinsan sabay yumuko naman ang dalawa.

"Alright when Mr.  Magalona came back he'll join the Group 1 okay? " sabi ng Prof at kaniya kaniya nang lumipat sa kani-kanilang grupo ang bawat isa.

"Alright,  now pick your leader. " utos ng Prof.

"Janella,  ikaw na ang leader natin. " saad ni Yves at sumang-ayon naman si Joshua habang si Julia ay di maipinta ang mukha dahil napunta sa kabilang group si Inigo.

"Okay so Ms.  Salvador for Group 1 how about you guys? " tanong ni Mr.  Matsunaga habang hinihintay ang desisyon ng Panagalawang Grupo.

"Si Sofia na lang" sabi ni Loisa at wala namang tumutol sa mga ka-grupo kaya siya ang naging leader nila.

"Good so Miss Andres and Miss Salvador,  you two will be the one who will record the points from now on.  So that will be your designated groups.  Whenever there will be an activity,  each groups will earn points until the end of this school year okay? Don't worry you'll get a prize for the Group who has the highest score." nakangiting saad ni Mr.  Matsunaga.

"Ahm Sir how about Maris,  she doesn't have a group yet. " Diego suddenly asked his Prof na very concerned about Maris dahil nga naman wala siyang grupo.

"Well,  if she came back let her pick what group does she like, just don't tell what group you belonged okay. " Prof said sabay kindat.

"Alright let's start for our first group activity.  I want you to think of something that will describe your group and draw it on a paper. After that create a logo and a name for your Group. And we'll discuss it afterwards. " utos ni Mr.  Matsunaga at umupo na sa pwesto niya habang ang mga estudyante ay nakapabilog na pwesto para makapag- brainstorm ang bawat grupo.

Sa Group 1, si Janella halos nag-isip ng konsepto habang si Joshua naman ang napili bilang taga-drawing. At ang dalawa (Yves at Julia)  ay contrast ang binibigay na opinion.

Habang sa Group 2 ay iba't ibang suhestyon galing kina Inigo,  Sofia,  Loisa at si Diego naman ang taga-drawing nila.  Si Ronnie ay sumasang-ayon lang sa ginagawa ng mga ka-grupo.

Naging interesado ang ginawa nilang activity sa class ni Mr.  Matsunaga kaya naman ibinuhos nila ang lahat ng makakaya para maging maganda ang results nito. Sa sobrang seryoso ng mga estudyante ay hinayaan na ni Prof na mag-extend sila sa oras dahil nakita niyang nag-eenjoy ang dalawang grupo sa paggawa kaya minabuti niyang matapos ang oras ng klase niya sa paggawa nila ng activity.



Krrriiiiiinnnnggggg......

"Time's up.  Okay class thanks for being cooperative today.  I know that your works are great.  Tomorrow we'll continue in discussing your works okay.  Take your Lunch now. " pagpapaalam ni Mr.  Matsunaga matapos ang class niya sa Block 2.

====================================
Authors note :
Part 1 pa lang po ng chapter na ito.  May 2nd chapter pa po.  Marahil nagtataka kayo bakit wala si Maris. Hmm bakit nga ba absent siya today sa class ni Mr.  Matsunaga?  Papasok pa kaya siya today? 

Watch out for the next half of this chapter.. 😎😎😎

B.A.R. (Best and Rare) FRIENDS > Book1 CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon