Perfect Strangers Part 3

446 18 3
                                    

Joshua's POV
Natapos na kaming maglinis sa Gym.  Medyo nakakapagod pero masaya kasi kasama ko sila.  Masasabi Kong barkada ko,  mga kaibigan ko.  Nakakatuwa nga isipin eh hehe lalo na kapag nakikita ko sina Ronnie at Julia na palaging outcast dati sa class pero ngayon eto na sumasama na din sa amin.

"Oh Josh,  anyare sa yo? Parang nangingiti ka diyan mag-isa ah.  Okay ka lang pare? " tanong ni Yves nang madatnan akong nagliligpit ng mga materials na ginamit namin sa paglilinis.

"Ah.. Hehe oo naman. Okay na okay ako. " sabi ko sa kanya at sabay na lumakad palabas ng Gym.  Nauna na yung iba sa paglalakad habang kami ni Yves ay nagkakwentuhan pa.

"Buti sumama si Julia sa paglilinis eh noh. " bulong niya. Napansin din pala ni Yves yun.

"Oo nga eh hehe.  Akalain mo yun. " tumawa kami bigla at napalingon naman si Julia sa amin sabay umirap na naman.

"Ay naku nagsusungit na naman siya.  Sinabi nang mas maganda pag naka-smile lang eh. " napalakas na saad ko at pinatutukuyan si Julia.

"Sshhh.. Josh ang ingay mo" bulong na naman ni Yves. At napalingon ulit si Julia sa amin,  this time nakangiti pero may pagkasarkastika.

"Ayan tuloy tumingin ulit dito. " sabi ni Yves nang makita ang reaksyon ni Julia habang ako ay napapailing lang.

Ewan ko ba bakit ang sungit niya pa din.  Kaya ang sarap tuloy lalong asarin eh.

"Inigo can I go with you?  Wala kasi yung driver ko eh. " narinig ko na sabi ni Julia habang kausap si Inigo.

"Ah sure sige,  no problem." mabilis na sagot ni Inigo.

"Aw.. Thanks Inigo! " ang laki ng smile ni Julia sabay humawak sa braso ni Inigo.

"Ahm Maris,  you can go with us too. I'll ride you home,  it's kinda late na. " offer naman ni Inigo Kay Maris nang lapitan niya ito. 

"Ahm. No it's okay I mean may uber naman. " nahihiyang saad ni Maris.  Sa di kalayuan napansin ko na sumimangot si Julia nang lumapit si Inigo Kay Maris.

"Ah pare I can go with her,  tutal same way lang naman kami ni Maris.  We can both ride an Uber. " sabi ni Yves at tumango naman si Maris.

"Ah okay. " tanging saad ni Inigo na dismayado ang mukha.  Habang si Julia ayun nakatanaw sa kanila na nakakibit balikat.

"Josh we'll go ahead. " tinapik ni Elmo ang balikat ko habang kasabay si Janella.

"Bye guys! " pagpapaalam ni Janella pagkasakay sa kotse ni Elmo.

"Sige ingats kayo kitakits bukas. " si Yves na nagpaalam na din umuwi dahil nandiyan na yung Uber at sinabay na nga si Maris.

"Salamat ulit sa inyo.  Bye! " kumaway si Maris bilang pagpapaalam.

"So panu guys Una na kami. " si Loisa naman ang sumunod na nagpaalam kasabay si Ronnie at sumakay sa motor niya. 

Nakakatuwa din itong dalawa (Loisa&Ronnie)  mukhang nagkakamabutihan na sila.

At naiwan kaming tatlo Nina Inigo at Julia.

"Inigs let's go home na. " pagyaya ni Julia Kay Inigo na di pa nakilos at nakatanaw sa direksyon Nina Maris at Yves na kakapasok lang sa loob ng kotse.

"Ah okay.  Pare you wanna go with us? " tanong ni Inigo sa akin.

"Ah Hindi na may dala akong bike.  Salamat. " saad ko.

"You can put it at the back muna. " offer ni Inigo na ilagay ko sa likod  yung bike since pick up naman yung dala niyang kotse.

"Come on Pare,  hatid ko na kayo.  Let's go. " ayun nagpumilit si Inigo at wala akong nagawa kaya sumabay na ako sa kanila pauwi.

B.A.R. (Best and Rare) FRIENDS > Book1 CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon