Chapter 1

9.1K 204 3
                                    

Yumi's POV

"Yumi,anak...bumangon kana at mag-ayos para makakain kana ng agahan kaagad..sige na."

Nagtalukbong pa ako ng kumot sa halip na sundin ang inuutos ng aking ina sa akin.

Alam kong napakaaga pa ngayon..baka nakalimutan nilang huminto na ako sa pag-aaral dahil nawalan na sila ng perang pangtustos para sa aking pag-aaral.At anong dahilan para magising ako ng maaga,aber?

"Yumi...."

Naramdaman ko na ang pagyugyog nya sa aking balikat.Pero mas lalo kong hinigpitan ang paghawak ng kumot na nakabalot sa aking katawan.

"Anak,nakiusap sa amin ng iyong ama ang mahal na hari...gusto nyang ikaw ang gawing tagabantay sa mahal na Prinsipe.Sasamahan mo daw sya sa lahat ng kanyang lakad.Naniniwala ang hari na ikaw ang makakatulong sa Prinsipe para bumalik sya sa dati.Malaki daw kasi ang pagbabago na nababanaag sa nag-iisa nilang anak simula nang ikaw ang napiling pumasok sa kanyang silid para maglinis.Wala naman kasing nakakaatim na magtatagal sa loob ng kwarto ng Prinsipe,ikaw lang Yumi.."

Napadilat ako nang wala sa oras.At wala sa loob na bumalikwas ng bangon.

"Ano,'Nay?pinapapabalik ako sa loob ng kaharian at gawing tagabantay ng masungit na Prinsipe na iyon?ayoko!"

Isinumpa ko na ang palasyo matapos ang nakakahiyang naganap sa buhay ko sa loob ng silid ng Prinsipe noong nakaraang araw!

Kung alam lang nila ang pinagdaanan ko nang araw na iyon..aba,ewan lang kung papayag ang aking mga magulang na sundin ang utos ng hari!

"Yumi,malaki ang sasahurin mo sa loob ng palasyo...siguradong makakapag-ipon ka din para maipagpatuloy mo ang iyong pag-aaral.At isa pa..anak,sino ba tayo para humindi sa utos ng isang hari?baka nakalimutan mong isa tayong alipin?"

Napakuyom ako sa aking kamao.Ano ba kasi ang meron sa isang hari?at ano din ang meron sa isang alipin?

Kailan pa magiging pantay-pantay ang tao dito sa mundo?

Bakit kapag mayaman ang isang tao ay kailangan syang tingalain ng lahat?

This life is so unfair!

"Gusto mo bang makikita akong luluhod sa harapan ng hari para bawiin lamang ang aking pagsang-ayon kahapon?"

Tahimik akong napamura..kaya kong akuin ang pagiging alipin.Pero ang makikitang lumuluhod ang aking mga magulang sa harapan ng hari?the hell i can allow them!

Kaya nga nagtatyaga ako sa aking pag-aaral.Alam ng lahat na isa akong matalino,kaya lang...pera lang talaga ang nagiging hadlang para huminto ako sa aking pag-aaral.

Marami akong pangarap sa buhay.Isa akong matapang na babae.Hindi ako yung tipong tao na nananahimik lamang kahit nasa katarungan naman.Wala akong kinatatakutan.Sumasagot ako at never akong nagpapa-alipusta.

Utusan nalang nila ako na kahit ano!hwag lang nilang alipustahin ang aking pagkatao.Naniniwala ako na darating din ang panahon na magbabago ang  takbo ng buhay ko!

Maiaahon ko din sa hirap ang aking mga magulang.

"Sige 'Nay...maliligo na ako at para makapag-ayos na din..."

Biglang lumiwanag ang mukha ni Inay nang marinig ang final kong sagot.

☆☆☆

Hermes's POV

"Isa syang matalinong bata...nagustuhan ko ang nakalap na impormasyon mula sa kanyang propesor.Sya ang kailangan mo Hermes."

Nailapag ko ang hawak na gintong kubyertos sa nangingislap na dining table..bago napatitig sa mukha ng aking ama.

The Prince and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon