Chapter 14

4K 125 2
                                    

Yumi's POV

Inikot ko ang aking paningin sa malawak na hardin.Whoa!ang ganda!

Gusto ko sanang mag-iikot muna habang inaantay ang paglabas ni Hermes,kaya lang kabilin-bilinan nya sa akin na hwag aalis mula sa pwesto na pinang-iwanan nya sa akin kanina.

Kainis!pagkakataon ko na nga na makapunta sa ibang lugar...useless rin dahil kailangan na nakadikit lang ang aking pang-upo dito sa may wooden bench ng hardin.

Kung bakit kasi hindi nya isinama si Aro.Kung nandito sana si Aro ay mayroon pa akong makakausap.

Itinukod ko ang magkabilang siko sa ibabaw ng aking hita habang nakapangalumbaba.Nakatuon sa damuhan ang aking paningin habang lumalakbay ang aking isip.

Nagkita na kaya sila ni Princess Yoona?Nagkausap kaya sila ng maayos?

Humanga kaya sya sa gandang taglay ng mahal na Prinsesa?ano,oo na kaagad?may sparks din kaya syang nararamdaman para sa mahal na Prinsesa?

Kasalan na ba talaga ang kasunod nito?tapos magkakaroon na sila ng anak?isa-dalawa hanggang tatlo?

Haist!kailan pa ako nagkaroon ng pagkakataon na isipin ang buhay ng isang tao?

Huminga ako ng malalim at napapikit ng mariin.Ano nga ba ang karapatan ng isang alipin para makaramdam ng sakit sa katotohanang may magmamay-ari na sa mahal na Prinsipe?

Sino nga ba ako sa buhay nya para masaktan ng ganito?isang alipin?isang alalay?pwedeng sigaw-sigawan!utus-utusan?at kahit yung sariling buhay ay maaring ibuwis hwag lang syang mapahamak!

Nakakatawa!nakakahiya!kung mayroong isang tao na makakabasa nitong nilalaman ng aking isip.

Marahan kong idinilat ang aking mga mata at ganoon na lamang ang aking pagtataka nang dumeretso sa makintab na sapatos ang aking paningin.

May taong nakatayo sa aking harapan?marahan kong inangat ang aking mukha habang  nasa ganoong posisyon parin ako.

Muntik ko na syang masinghalan..ang akala ko kasi si Hermes ang taong nasa harapan ko dahil nakasuot din sya ng Prince gown.Pero tuluyan na akong napaayos ng upo nang masilayan ang kanyang mukha.

Another handsome man from other planet ang nasa harapan ko!

He's a huge man too..at parang magkasing-edad lang sila ni Hermes.Saglit na nagtama ang aming mga mata bago ako yumukod pero hindi naman nagsalita.Sa palagay ko,isa syang Prinsipe.

"Ako si Prince Gavana,the eldest son of ambassador Yu!"basag nya sa katahimikan.

Eldest son of ambassador Yu?ibig sabihin magkapatid sila ni Princess Yoona.

"Magandang araw,mahal na Prinsipe!ipagpaumanhin nyo nalang po kung naupo ako dito na walang pahintulot."nakayukod kong sambit.

"Walang problema iyon,kasama ka ng aming panauhin kaya welcome ka rin dito sa loob ng aming palasyo.Bakit hindi ka muna mag-iikot dito sa loob ng aming palasyo habang pinapalipas mo ang oras sa paghihintay ng mahal na Prinsipe,Yumi?"

Gulat akong napaangat ng mukha at napatingin sa kanya ng deretso.Hindi nakaligtas sa akin ang pagkilatis nya sa aking mukha habang walang kurap na nakatitig sa akin.

Nabanaag ko sa sulok ng kanyang mga mata ang matinding kuryusidad.

"Ipagpaumanhin po ninyo,mahal na Prinsipe..pero paano po ninyo nalaman na ako si Yumi samantalang ngayon lang tayo nagkaharap?"

"You know,I'm dying to meet you!"

Ano daw?at bakit naman?

"Naging usap-usapan na bumalik sa normal ang takbo ng buhay ni Prince Hermes.At nag-iisang alipin lamang ang nakatagal sa kanya.I wonder why..napuno ako ng katanungan.Kung bakit may isang alipin na tuminag sa kanyang masamang ugali!kung bakit may isang alipin na hinayaan nya sa kanyang tabi.Ngayon alam ko na ang kasagutan.Dahil nakaharap na kita."sumilay ang magandang ngiti sa kanyang labi na syang ikinaawang ng aking bibig.

The Prince and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon