Chapter 10

4.5K 149 6
                                    

"Ihanda nyo ang inyong sarili sa papalapit na pagsusulit.Magbibigay ako ng isang katanungan lamang..kung sino ang makakakuha ng tamang sagot ay sya yung mananatili bilang iskolar at mabibigyan ng magandang trabaho  sa loob ng kaharian."

Ngayon ay nasa harapan kami ng mga scholar habang nagsasalita si Hermes.

Nagulat ako kanina nang bigla nya akong yayain para dalawin ang mga scholar.Puro mga kalalakihan ang nakapasok sa scholar.

Sayang..kung naging lalaki sana ako,baka ako pa ang mangunguna sa kanilang lahat.Syempre,isa akong matalino!

Kung bakit kasi..hindi binigyan ng karapatan ang mga kababaehan para pumasok sa scholar.

Kapag ako ang mabibigyan ng pagkakataon para paglingkuran ang kaharian?babaguhin ko lahat ang bulok na sistemang iyan.

Lihim akong napangiti sa sarili.Maaari ba naman na makapag-isip ng ganoon ang isang aliping katulad ko?

Matapos ang maikling talumpati ng mahal na Prinsipe ay inanyayahan na nya akong maglakad-lakad sa paligid.

Wala pa yata syang balak umuwi kaya kung saan-saan na kami nagsusuot.

Napunta pa kami sa mga pamilihan na halos magsiksikan na dahil sa dami ng tao.

Hindi ko alam kung bakit nagustuhan nya ang crowded sa kasalukuyan.Marahil,maganda lang talaga ang kanyang mood sa araw na ito.

Napadaan kami sa mga nagtitinda ng mga gown na syang sinusuot ng mga prinsesa.

Ano kaya ang pakiramdam ng isang prinsesa?

Too bad!ipinanganak ako na isang alipin...

Nagtaka pa ako nang biglang huminto si Hermes at napatingin sa mga nakahilerang gown.

"Stay here!"sabi nya sa akin bago pumasok sa loob.

Naiwan ako sa labas at tinatanaw na kausap nya ang ginang na may-ari siguro ng paninda.Ilang minuto din ang lumipas bago sya lumabas.

"Let's go!"baling nya sa akin bago nauna sa paghakbang.Tahimik naman akong nakasunod sa kanyang likuran.

Nang makatanaw sya ng wooden bench ay marahan syang naupo doon.Siguro nakaramdam na sya ng pagod dahil mula pa kanina ang ginagawa naming paglalakad.

Hindi namin kasama si Aro ngayong araw dahil inutusan sya ng mahal na hari na magtuturo ng martial arts sa mga kawal na bagong pasok sa loob ng kaharian.

"Sit down!"tiningala nya ako at inginuso ang blangkong upuan na katabi nya.

"Magpahinga kana!okay lang ako...at saka baka may makakilala sa'yo dito.Paglabag sa batas ang magtabi sa pagkakaupo ang Kamahalan at ang alipin."paalala ko sa kanya.

He gritted his teeth bago nya ako hinila paupo sa kanyang tabi.

"Bakit ba lagi nalang sila ang iniisip mo?"angil nya sa akin.

Umusog ako ng upo palayo sa kanya bago sumagot.

"Dahil..inaalagaan ko lang ang inyong reputasyon,mahal na Prinsipe!"

Saglit syang natahimik at napaisip.

"Bakit ang tyagang mag-aral ng mga mahihirap?"maya-maya ay tanong nya.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Dahil yun lang ang maipapamana nila sa kanilang sarili.Hindi sila mayaman..walang ari-arian!tanging pag-aaral lamang ang hindi maagaw sa kanila."

Nagkalingunan kami at saglit na nagtama ang aming paningin.Una akong bumaba ng tingin..natatakot kasi ako na baka mababanaag nya kung ano ang kinukubli ko sa kasulok-sulukan ng aking puso.

The Prince and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon