Chapter 2

6.3K 187 5
                                    

Yumi's POV

Napangiwi ako nang tuluyan ko ng maisakbit sa aking likuran ang backpack.Takte!ang bigat!ano kayang laman nito?

Hinawakan ko ang lubid bago ko tiningala ang walang hiyang Prinsipe.Napansin ko ang kakaibang ngisi na nakaguhit sa kanyang labi.

Biglang umiba ang ekspresyon ng kanyang mukha nang matanaw nyang nakatitig ako sa kanya.Saglit na nagtama ang aming mga mata at doon ko inaninag kung ano ang laman ng kanyang utak.

Alam kong kakaiba ako sa lahat.May kakayahan kasi akong basahin ang nilalaman ng isip ng isang tao sa pagkilatis lamang sa kanilang mga mata.

Malakas ang power ng aking instinct na tanging inililihim ko lamang sa aking sarili.Ito ang aking panangga para makaiwas ako sa kapahamakan.

Napakurap si Hermes at sya ang unang bumawi ng paningin.Lihim akong napamura.

Kuha ko na ang ibig sabihin nito.Mag-iingat talaga ako dahil kung hindi mapapahamak ako ngayong araw!

"Maayos na ba ang lahat?pwede na tayong umalis?"tanong ko habang inaayos ang mabigat na backpack sa may likuran ko.

Wala talagang puso ang Prinsipeng ito.Pwede naman na ilagay nya sa kanyang harapan ang bag na ito dahil hindi lingid sa kanyang kaalaman na maglalakad lang ako habang hawak ang lubid ng kabayo hanggang sa makarating kami sa aming destination.

Hindi ko alam kung saan ang punta namin ngayong araw.Pero may iba pa bang alam na lugar na pinupuntahan ang Prinsipe maliban sa sementeryo?

Dalawang taon na syang ganito.Simula nang mamatay si Princess Yanara.

Ang Prinsesa ng buhay nya.Ang nagpabago sa dating masayahin at magiliw na Prinsipe.Ngayon,puno na sya ng galit at poot...kaya nga walang taong nakakatiis sa kanya.

Isa na ako sa mamalasin sa araw na ito..kung bakit kasi ako pa ang napili ng mahal na hari para bumuntot sa masungit nyang anak.

Pinapahalagahan ko pa man din ang buhay ko dahil ako nalang ang tanging pag-asa ng aking mga magulang.

Paano kung hindi ko makayanan ang parusang igagawad sa akin ng Prinsipe?Iba't-ibang uri ng pagpapahirap ang ginagawa nito sa mga dating umalalay dito.Yun ang kadalasang naririnig ko mula sa kanila.

Huminga muna ako ng malalim bago hinila ang lubid.Hudyat para kailangan nang palakarin ang kabayo.

Kaya ko 'to!kailangan kong palakasin ang aking loob.Isipin ko nalang na kakailanganin ko ang pera para makapagpatuloy ako sa aking pag-aaral.

Naging matiwasay naman ang ginawa kong pagsabay sa mahinang paghakbang ng kabayo hanggang sa makalabas kami ng palasyo.

Pero kung kailan na binabaybay na namin ang daan patungo sa sementeryo ay doon na ako napapahingal.

Kailangan ko din kasing tumakbo kapag tumatakbo ang kabayo.Mabuti nalang kung wala akong dalang mabigat na bag.Alam ko naman na sinasadya ito ni Hermes!

Pinaglalaruan nya ako..alam ko iyon!pero hindi ako pwedeng magreklamo...trabaho ko ito,at hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan sa kanya.Ikakamatay ko kapag manalo sya ngayong araw!

Napaigik ako nang biglang matisod ang aking paa dahilan para madapa ako sa damuhan.Napasubsob ako doon at mabuti nalang ay hindi ko nabitawan ang lubid.Malakas ko itong nahila kaya huminto naman sa pagtakbo ang kabayo.

Huminga ako ng malalim at nag-ipon ng lakas para makatayo.Salamat at nagawa ko naman.Nagpatuloy sa paglalakad ang kabayo at iniwasan kong tapunan ng paningin ang gagong Prinsipe.Baka kasi mawala ako sa sarili at mahila ko sya para ihulog sa damuhan.

The Prince and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon