Chapter 41

5.1K 140 8
                                    

"Yumi..Yumi..."

Waaaah!'Nay..ngayon lang ako nagkaroon ng mahaba at mapanatag na tulog,parang awa nyo na hwag nyo naman akong gisingin sa ganito kaaga!

"Yumi,gumising ka...pinapasundo tayo ng Kamahalan!"

Marahas akong napamulat ng aking mata dahil sa narinig.Mas lalo akong binundol ng kaba nang mamulatan ko ang aking mahal na ina na nakasuot ng magarang damit!

Teka...kailan pa nagkaroon ng magarang damit ang mahal kong mga magulang?dalawang taon lang akong nawala...ganito na kalaki ang pagbabago sa kanilang buhay?

"Kanina pa naghihintay sa labas ang kawal na susundo sa atin.."

Namilog ang aking mata.Ano 'to?set-up?nagmagandang loob lang ba ang mahal na hari nang kausapin nya ako kahapon?Tapos ano?ipapahuli nya ako kasama ang aking pamilya dahil paglabag sa batas ang ginawa ko?

Anong mangyayari kapag nakulong kami?papatawan ng kamatayan?

Waaaah!ako nalang!!hwag nilang idamay ang mahal kong mga magulang..hindi ko kakayanin na pagdusahan nila ang kasalanan na ako naman ang naging sanhi!

Ganoon naba kasama ang pag-uugali ng mahal na hari?Pero bakit parang ang bait-bait nya kahapon habang kausap ako?

'Ang akala ko isa na akong pinaka-makapangyarihang hari sa buong kaharian.Napapasunod ko ang lahat sa isang pitik lamang ng aking daliri.

Ang hindi ko inaasahan,kung paano ako nakaramdam ng panliliit sa aking sarili.Salita ko ang batas..sa akin yumuyukod ang lahat.

Pero ni hindi ko mapasunod sa aking gusto ang nag-iisa kong anak!Nakapag-isip ako...may mga gabi na hindi ako dinadalaw ng antok.Mahina na ako,Yumi..hindi ko alam kung kailan ko lilisanin ang mundo.Ang mahirap?ni hindi ko pa naisasaayos ang buhay ng mahal na Prinsipe!

Sya ang tatanghaling hari sa susunod na henerasyon...pero sa palagay ko mas lalong hindi tumitino ang kanyang utak kapag pinipilit ko syang pinapasunod sa aking gusto.

Yumi,kailangan ka ng mahal na Prinsipe!Sa inyong dalawa nakasalalay ang kinabukasan ng buong kaharian.

Ipangako mo sa akin na hindi mo sya pababayaan.Dahil sa nakikita ko..ikaw ang susi sa kanyang katinuan!Tulungan mo sya,Yumi.Ituwid mo sya sa tamang landas.'

Naipilig ko ang aking ulo nang bumalik sa aking alaala ang naging pag-uusap namin ng mahal na hari.

Pagkatapos kong mag-ayos ay mabilis na akong lumabas ng bahay.Binundol na naman ako ng matinding kaba sa aking dibdib nang matanaw kong sakay na ng kalesa ang mahal kong mga magulang.

"Yumi!sa akin ka sasabay!"

Napalingon ako sa taong nagsalita.Kaagad kong tinakbo ang kanyang kinatatayuan at napayakap ako sa kanya ng mahigpit.Hindi ko narin napigilan ang aking sarili na hindi mapaiyak habang nakasubsob sa kanyang matitipunong dibdib.

"Yumi..."puno ng pag-aalala ang kanyang boses.

Kusa akong humiwalay ng yakap mula sa kanyang katawan bago ko tiningala ang kanyang mukha.

"Aro,iligtas mo ang mga magulang ko!parang awa mo na...bilang tapat na kaibigan.Ayokong maparusahan sila!ayoko!"

Napakunot ng noo si Aro bago sinenyasan ang lalaking nagmamaniobra sa kabayo na humihila sa sinasakyan nilang kalesa.

Bigla akong nataranta nang mapansin kong umusad na ang kalesa.Kumawala ako mula sa pagkakapit ko sa braso ni Aro at balak na habulin yung kalesa pero kaagad nya akong napigilan.

The Prince and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon