Chapter 11

4.3K 136 2
                                    

Ngayong araw ay magkakaroon ng malaking pagpupulong sa loob ng kaharian .Maraming matataas na tao na galing sa iba't-ibang kabisera ang dumating.

Mga ambassador,konsehales at mga mahahalagang tao na kumakatawan sa mahal na hari.

Ngayong araw din ang unang pagkakataon na dumalo sa pagpupulong ang mahal na Prinsipe pagkatapos ng dalawang taon.

Hindi maipagkakaila ang kagalakan ng mahal na hari sa nakikitang pagbabago sa buhay ng kanyang anak.

Kaya dahil nasa loob ng meeting's chamber si Hermes,ay heto nagkaroon ako ng pagkakataong maglilibot mag-isa.

"Yumi!"saglit akong huminto at lumingon.

Nalingunan ko si Eny na may hawak ng isang bungkos na bulaklak habang may nakasunod sa kanyang likuran na isang napakagandang babae.Pakiwari ko isa syang Prinsesa.

Kaibigan ko si Eny na syang naninilbihan din dito sa loob ng kaharian.

"Bakit?"tanong ko habang inaantay ang kanyang paglapit.

Inabot nya kaagad sa akin ang hawak na bulaklak bago hinarap yung magandang babae.

"Mahal na Prinsesa,sya po si Yumi ang alipin na umaalalay sa mahal na Prinsipe."

So,isa nga syang prinsesa.

Yumukod ako kaagad at nagbigay-galang sa kanya.

"Maari mo na akong iwan,kakausapin ko lang si Yumi."baling nya kay Eny.

Pagkaalis ni Eny ay kaagad na umagapay sa aking tabi yung prinsesa na kasama ni Eny kanina.

"Ako nga pala si Princess Yoona,ang bunsong anak ng ambassador.Pangatlo sa pinakamayamang angkan ang pamilyang pinanggalingan ko."

Napayukod ako lalo na nang marinig ang kanyang introduction.

Wala naman kasing papantay sa kayamanan na mayroon ang angkan na kinabibilangan ni Prince Hermes.Kaya nga ang mahal na hari ang tinanghalang hari dahil sya ang pinakamayaman sa lahat.

Pangalawa ang angkan na kinabibilangan ng yumaong  prinsesa.Si Princess Yanara.

At kung pangatlo ang angkan na kinabibilangan ni Princess Yoona tulad ng sinabi nya sa akin ngayon.Hindi malayo na mangyari..sya ang babaeng nakatakda para kay Prince Hermes.

"Magandang araw sa'yo,mahal na Prinsesa!"magalang kong bati sa kanya.

"Yumi ang iyong pangalan,diba?"

Napapansin kong magiliw na kausap si Princess Yoona.Hindi ko alam,kung sa akin lang ba sya nagiging ganito?

"Tama po kayo,mahal na Prinsesa!ako nga po si Yumi."

Sinabayan nya ako sa paghakbang.

"Narinig kong ikaw lang ang alipin na tumagal sa pag-alalay sa mahal na Prinsipe.Kaya naisip kong,ikaw din ang makakatulong  para mapalapit sa akin si Prince Hermes!"

Palihim kong sinulyapan si Princess Yoona.Maaliwalas ang kanyang mukha.Nababanaag doon na umiibig sya sa masungit na Prinsipe!

"Dati kasi walang makapagtatangkang lumapit sa kanya..kaya wala akong mapag-utusan na magbibigay sa kanya ng mga bulaklak.Mas maigi na yung ako ang unang magpaparamdam,para mapansin nya ako,sa palagay mo Yumi?tama ba itong ginagawa ko?"

Napalunok ako ng mariin at nagkandahirap pa sa pag-isip ng isasagot sa kanya.

"Wala naman pong masama,kung susubukan nyo,mahal na Prinsesa!"

"Sa palagay mo,magugustuhan nya kaya ako?alam ko naman na hindi ako kasing ganda ng yumaong si Princess Yanara..kaya hindi ako ang kanyang pinili dati..pero sana sa pagkakataong ito,mapapansin na nya ako."

The Prince and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon