Special chapter

6.5K 185 17
                                    

Hermes's POV

*Reminiscing the past*

"Aro,ano na ang balita sa kanya?"

Tanong ko kay Aro habang nakaharap ako sa flower vase na syang huling inayos ni Yumi bago nya ako iniwan.

Hindi ko alam,pero ito lang yata ang bagay na nagpapagaan sa aking kalooban kapag nakatitig ako sa flower vase na ito.

Pakiramdam ko naiwan dito ang presensya ni Yumi.Kaya kahit wala man sya sa aking tabi sa loob ng  mahabang panahon.

Hindi ko man sya nakikita at nakakasama sa bawat araw na dumadaan..ang flower vase na ito ang naging simbolo para kailangan kong maging matatag.

Nandito si Yumi..araw-araw kasama ko sya.Yun ang laging nakatatak sa aking utak.

"Nasa maayos naman ang kanyang kalagayan,mahal na Prinsipe!sya ang laging nangunguna sa loob ng kanilang klase.Papalapit na din ang araw ng kanilang pagtatapos..sa palagay ko,anumang oras ay makakaharap mo na si Yumi."

Parang gumaan ang aking pakiramdam nang marinig ko ang magandang balita ni Aro.

"Umaaligid parin ba sa kanya ang tarantadong Prinsipeng iyon?"i referring to Prince Gavana.

"Ipagpaumanhin po ninyo,mahal na Prinsipe!pero palagi po nyang dinadalaw si Yumi sa paaralang pinapasukan nito at minsan ay pumupunta din sya sa accommodation na tinitirahan ni Yumi." 

Mahigpit kong naikuyom ang aking kamao.Kung may magagawa lang sana ako..kung hindi sana ako nagkukunwari na hindi ko na sya naaalala...baka pinasibad ko na ng takbo ang aking paboritong kabayo para puntahan si Yumi sa kabilang kabisera bago piliting pauwiin dito sa kaharian!

"Pero wala naman kayong dapat na ipag-aalala,mahal na Prinsipe!dahil tanging kaibigan  lamang ang turing ni Yumi sa kanya.Nasisiguro ko po na sa inyo nakatali ang puso ni Yumi."

Nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig ang sumunod na salaysay ni Aro sa akin.

Pinapasabi nga pala nya sa akin na mahal nya ako noong panahon na sya ay lumisan.How does it feel kung mismong sa kanyang mga bibig lumabas ang tatlong magic words na yun?

Napangiti  nalang ako bago napapailing.I miss her so damn much!

Nang lumabas si Aro matapos magpaalam sa akin ay nanatili parin akong nakatayo sa harapan ng kinalalagyan ng flower vase.

Huminga ako ng malalim bago ipinikit ng mariin ang aking mga mata.Muli kong naalala ang masasayang moment na pinagsamahan namin ni Yumi.

Naalala ko ang huling beses na pagniniig naming dalawa.Her last hugged..last kissed and even her last words...

God!when will i see that beautiful face again?

Sa kanyang pagbabalik..sinisiguro kong hindi na sya makakawala muli.Pangako ko yan  sa aking sarili.

Bigla akong natigilan nang maramdaman kong may malambot na braso na pumalibot sa aking baywang mula sa likuran ko.

"Yumi..."wala sa  sariling sambit ko sa kanyang pangalan.

Pero gayon na lamang ang aking pagkagulat nang ibang boses ang narinig kong sumagot.

"Do you still remember her?hindi ba umepekto sa'yo ang gamot na pinapainom sa'yo ng mahal na Reyna?"puno ng hinanakit ang boses ni Princess Yoona.

"Wala akong maalala...it's just,laging laman ng aking panaginip ang magandang babae na nangangalang Yumi.I wonder kung bakit lagi ko syang naiisip..maybe because,naging bahagi sya ng aking buhay?"pagkakaila ko sa kanya.

The Prince and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon