Chapter 20

3.7K 106 4
                                    

Nawala na ng tuluyan ang aking konsentrasyon sa pakikipaghalikan kay Hermes.Binalot na ako ng matinding nerbiyos dahil iba na ang lumalaro sa aking utak.

Yung ahas-

Napapikit ako ng mariin pero para ko parin nai-imagine ang hitsura ng totoong ahas!

Kung may pagkakataon lang siguro akong makawala mula sa kanyang pagkakayapos ngayon?baka nagtitili na naman ako at nagpagulong-gulong sa sahig!

Biglang may nagtulak ng pintuan.Kaya napadilat ako..naramdaman ko kasi nakasandal ako sa likod ng pintuan.

Dahil sa malakas ang pwersa ng pagkakatulak ng pintuan ay biglang nawalan ng balanse ang mga paa ni Hermes kaya bigla nalang syang natumba at marahang napahiga sa sahig na kasama ako.

Biglang naghiwalay ang aming mga labi at magkasabay na napatingin sa bungad ng pintuan.

Si Aro at gulat na gulat sa nasaksihan.Sino ba naman ang hindi magugulat kung ganitong posisyon ang mabubungaran nya?

"Aro!gusto mo bang ilibing ng buhay!?"kaagad na singhal ni Hermes.Para syang tigre dahil sa inis.

Agad namang yumukod ang kawawang si Aro bago nagsalita.

"Ipagpaumanhin po ninyo ang aking kawalang-galang,mahal na Prinsipe!pero kailangan nyo na pong umayos dahil parating dito ang mahal na reyna!"taranta nitong saad na syang kinabalikwas ko ng tayo.

"Darating ang mahal na reyna?itago mo ako,Hermes!hindi nya ako pwedeng makita dito dahil ang pagkakaalam nya ay nasa loob ako ng princess chamber sa mga oras na ito!"tinakbo ko ang bintana para sana magkubli sa makapal na kurtina.

Pero muli akong lumabas..paano kapag tumayo sya sa may tapat ng bintana mamaya para tumanaw sa labas?

Naisip ko yung magarang banyo!pero nababahala ako na baka silipin nya ang loob ng comfort room ni Hermes!

Muling lumabas si Aro at pumwesto sa lagi nyang kinatatayuan sa labas ng silid.

"Hwag ka ng magtago...alipin kita kaya natural na nandito ka,kasama ako.."

Bwesit!hindi ba nya naintindihan ang sinabi ko kanina?

"Mahal na Prinsipe!naririto ang mahal na reyna at gusto kayong makita..pwede na ba syang pumasok?"boses iyon ni Aro mula sa labas ng pintuan.

Waaaah!nasa tapat na ng pintuan ang mahal na reyna!

Mabilis kong tinungo ang kanyang malapad na higaan at sumiksik sa silong ng kama.Nakahinga ako ng maluwag dahil maayos na akong nakakubli bago pa papasukin ni Hermes ang kanyang mahal na ina.

"Magandang araw,Mama!bakit pa kayo nagpapagod na sumugod dito sa prince chamber?sana pinatawag nyo nalang ako at ako na ang dumalaw sa inyo sa may queen chamber..."narinig kong bungad nya sa kanyang mahal na ina.

"Nasasabik lang akong makita ang aking pinakamamahal na anak!masaya ako dahil hindi ko buong akalain na dumating ang araw ng kaarawan mo na  maayos kana at hindi na nababalutan ng kalungkutan at pagluluksa."madamdaming sagot ng mahal na reyna.

"Salamat sa inyong dalawa ni Papa.Dahil binigyan nyo ako ng isang alipin na magpapalimot sa aking nakaraan.Tumulong sa akin para bumalik ako sa dati."

Napaawang ang aking bibig dahil sa narinig.Sinadya ba talaga nyang sabihin iyon para iparinig sa akin?

"Sinabi ko na sa'yo na mabait na bata si Yumi.Mabuti naman at natitiis parin nya ang temperament mo anak!"segunda ng mahal na reyna.

The Prince and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon