Chapter 17

3.7K 135 5
                                    

Palihim kong sinulyapan si Princess Yoona habang tahimik na nakatitig sa kawalan.Ang lalim yata ng kanyang iniisip.Kasama nya ako ngayon dito sa loob ng princess chamber.

"Yumi,mukhang mahihirapan ako na makuha ang kalooban ng mahal na Prinsipe!"nilingon nya ako at malungkot na nagsalita.

Yumukod ako pero hindi naman nagsalita.Ano nga ba ang dapat kong sabihin sa kanya?aaminin ang totoo?na hwag syang umasa dahil nakatuon sa akin ang atensyon ng mahal na Prinsipe?

Hayyyysss..huminga ako ng malalim.Ang hirap yata nitong nasuungan kong sitwasyon.

"Papalapit na ang kanyang kaarawan pero hindi parin nya ako nararamdaman.Anong gagawin ko,Yumi?anong klaseng babae kaya ang gusto nya?ayaw nya sa childish..tingin mo ba sa akin ay isa din akong childish,Yumi?"

"Ipagpaumanhin po ninyo,mahal na Prinsesa!pero hindi po kayo ganoon.Nasabi lang nya siguro iyon dahil sa puno sya ng tensyon!alam nyo naman po na kapag tensyonado ang isang tao ay kung anu-ano nalang ang lumalabas mula sa bunganga.Pero ang totoo po nyan,hindi nila sinasadyang sabihin iyon!"mahaba kong paliwanag.

Biglang napatayo mula sa gintong silya si Princess Yoona.

"Oh right!mayroon akong naisip na magandang paraan para malaman kung anong klaseng babae ang magugustuhan ng mahal na Prinsipe!Ipaalam kita sa mahal na reyna,Yumi...samahan mo akong pumunta sa manghuhula!"

Manghuhula?muntik na akong tumambling dahil sa narinig.Hindi nga sya childish..isip-bata lang,tss.

*

*

*

"Sino ang magpapahula sa inyong dalawa?"tanong ng isang matandang manghuhula na nasa harapan namin ngayon.

"Sya po.."tinuro ko sa matanda si Princess Yoona.

"Anong pangalan mo,hijah?"baling nya sa mahal na Prinsesa.

"Yoona po.."maikli namang tugon ni Princess Yoona.

Hinawakan ng matanda ang magkabilang kamay ng mahal na Prinsesa habang pinakatitigan nito ang kanyang mukha.Mukhang binabasa nito kung ano ang laman ng isip ng mahal na Prinsesa.

"Ang pakay mo dito ay para alamin kung anong  uri ng babae ang magugustuhan ng lalaking iyong napupusuan..."

Nagkatinginan kami ni Princess Yoona.Akalain nyo yun?

"Tama po kayo..."sagot naman ng mahal na Prinsesa.

Saglit na napapikit ang matanda habang hindi parin nya binibitawan ang kamay ni Princess Yoona.

"Ang pangalan ng babaeng kanyang nagugustuhan ay magkatugma sa iyong pangalan."sabi nito habang nakapikit.

Napansin kong biglang napangiti ang mahal na Prinsesa.Saglit akong napaisip.Magkatugma sa pangalan ni Yoona?

Yoona-Yumi...

Napailing ako..ano ba itong pumapasok sa isip ko?

"Maganda at simpleng babae.."mas lalong umaliwalas ang mukha ng mahal na Prinsesa.

"Matapang.."

Napakunot ang noo ni Princess Yoona.Alam ko na ang ibig nyang sabihin.Isa syang mahinhin.Kaya wala sa kanya ang ugaling matapang.

"Isang ordinaryong babae na nakabalot sa lumang damit!"

Biglang nagmulat ng kanyang mga mata ang matanda at dumeretso sa akin ang paningin.

Kaagad akong umiwas ng paningin at binundol ng matinding kaba.Ayoko mang aminin sa aking sarili..pero parang ako ang tinutukoy nya sa hula.

Oh god!sana hindi iyon napansin ni Princess Yoona!

The Prince and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon