Chapter 23

3.6K 119 4
                                    

Nakatayo ako sa gitna ng daan sa harapan ng malawak na palasyo at parang tanga na pinaglipat-lipat ang paningin sa direksyon ng dinadaanan ko.

Hindi ko alam kung aling chamber ang unang pupuntahan ko.Ang sabi ng mahal na reyna,simula sa araw na ito ay kailangan ko na ring pagsilbihan ang mahal na Prinsesa.

Dito na kasi sa loob ng kaharian mananatili ang mahal na Prinsesa hanggang sa dumating ang takdang araw ng kasal.

Dahil hindi biro ang pagiging queen for the future kaya marami pa syang dapat pag-aralan.Ganoon ang kanilang tradisyon.Maraming ritwal na gagawin na kailangan ang gabay ng mahal na reyna.

Pikit-mata kong binaybay ang daan patungo sa princess chamber.Pinili kong sya ang una kong pupuntahan..sa pamamagitan nito ay magkaroon na rin ng espasyo sa pagitan namin ni Hermes.

Ikakasal na sya sa mahal na Prinsesa sa ayaw man at sa gusto nya!kaya ngayon palang ay dapat magiging faithful na sya sa kanyang mapapangasawa.At hindi  mangyayari iyon kung hindi ako ang unang iiwas.

"Mahal na Prinsesa,nandito na po si Yumi!maaari naba syang pumasok?"pagbibigay-alam ng isang babaeng alipin na nakabantay sa labas ng pintuan.

Walang sagot na narinig pero pareho kaming nagulat nang biglang bumukas ang pintuan at malapad na ngiti mula sa mahal na Prinsesa ang bumungad sa akin.

Kaagad nya akong hinawakan sa aking braso at hinila papasok.Pagkasara ng pintuan ay walang babala nya akong niyakap at kitang-kita sa kanyang magandang aura ang hindi maikubling kaligayahan.

"Yumi,sa wakas ay magiging akin na sya!"napatingala pa sya habang nangangarap sa kawalan.

Yumukod ako bago nagsalita.

"Ikinagagalak kong marinig ang iyong magandang balita,mahal na Prinsesa!"

Pero ang tooo?pinagsasampal na ako ng aking konsensya!

"Isinayaw nya ako...at nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan sya sa kanyang mukha!Yumi,hindi ko alam na ganoon pala talaga sya kakisig!"

Hayyy...huminga ako ng malalim...sya?nagawa kayang titigan ng mahal na Prinsipe?

Ang sabi nya sa akin na ako ang nakikita nya habang kasayaw nito ang mahal na Prinsesa.Nakakalungkot isipin!

"Ah,Yumi...gusto kong makilala ang babaeng tumugtog ng piano noong gabi ng okasyon!gusto kong magpaturo sa kanya...mukha kasing nagustuhan ng mahal na Prinsipe ang kanyang performance!kailangan kong matutong magpiano para mas lalong maghuhumaling sa akin ang mahal na Prinsipe!"

Muntik na akong matumba mula sa kinatatayuan buhat sa narinig.

"Ipagpaumanhin po ninyo,mahal na Prinsesa!pero hindi ko po alam kung saan hahanapin ang babaeng iyon!"kinakabahan kong sagot.

Nagpacing back and forth sya sa aking harapan.Ayokong basahin kung ano ang lumalaro sa kanyang isipan!Natatakot akong maaninag na may nararamdaman sya na kakaiba!

"Kung ikaw ay walang alam!marahil si Aro,mayroon!amm...Yumi, tanungin mo si Aro kung kilala nya ang babaeng iyon.Marahil sya ang napag-utusan na maghanap ng mahusay sa pagpapatugtog ng piano!"

Muli akong yumukod kahit na hindi naman ako nag-angat ng mukha mula pa kanina.Nababahala akong baka mahalata nya na nagsisinungaling ako sa kanya.

"Masusunod  po,mahal na Prinsesa!"tanging sagot ko.

"Mahal na Prinsesa,naririto po ang alipin ng mahal na Prinsipe at mayroon syang importanteng sasabihin!"

Kapwa kaming napatingin sa may pintuan nang biglang magsalita ang alipin na nakabantay sa labas.

The Prince and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon