Chapter 32

3.8K 115 3
                                    

Ngayong araw ay walang kawala ang masungit na Prinsipe  dahil maglilibot sa buong kaharian ang mahal na hari at ang mahal na reyna kaya kailangang sumama si Prince Hermes at syempre hindi naman pwedeng iwanan ang mahal na Prinsesa!

Dahil ganoon nga ang nangyari kaya naman ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama ang aking mga kaibigan.

"Anong nangyari sa loob ng silid-aklatan,Yumi?ang swerte mo naman at nakasama  mo ng buong magdamag si Aro,sana ako nalang..."nakalabi pa si Eny habang kinakausap ako.

Pinitik ko ang kanyang noo kaya napatuwid sya ng upo at sinimangutan ako.

"Ayaw nya ng mga girly na babae!kaya kung gusto mong pansinin ka nya kumilos ka na parang lalake!katulad ko..."

Napanguso sya bago ako tinitigan ng mariin.

"Kaya ba Yumi,napapalapit sa'yo ang mahal na Prinsipe at si Aro?at natanaw ko minsan na kausap mo yung guapong kapatid ng mahal na Prinsesa.Itatanong ko sana sa'yo kaya lang nakalimutan ko at saka  ang ilap mong hagilapin."

Nagkibit lang ako ng balikat.

"Siguro..."tanging sagot ko.

"Anong nagawa mong kasalanan kung bakit galit na galit sa'yo ang mahal na Prinsipe noong nakaraang araw?ano na naman bang parusa ang natamo mo sa kanya?"

Umiwas ako ng tingin at pinakiramdaman ang sarili.Hindi na masyadong mahapdi ang pagitan ng aking hita.Nakakapaglakad na din ako ng maayos ngayon.

"Alam mo naman kung gaano ka-heartless ang masungit na Prinsipeng iyon!"kunwari inis kong sagot.Napahagikhik tuloy ng tawa si Eny.

"Swerte mo pa din kasi nakakasama mo ang mga makikisig na lalake dito sa loob ng kaharian!tingnan mo oh,bagay na bagay nga sila ni Princess Yoona..ano kaya ang magiging hitsura ng anak nila?siguro mukhang mga anghel din.."

Napaangat ako ng mukha at sinundan ng paningin ang syang tinitingnan ni Eny.

Ang mahal na hari at mahal na reyna nagsisimula na palang maglibot.tss.

Napakurap ako nang biglang magtama ang paningin namin ni Hermes.Ewan ko kung sinadya ba ng pagkakataon..pero ilang metro pa ang layo ng kinauupuan namin ni Eny pero bakit pakiramdam ko ay sa akin sya nakatingin?

Kaagad akong yumuko para makaiwas ng tingin.Bigla kasing sumikip ang aking dibdib nang matanaw kong nakakapit sa kanyang braso ang mahal na Prinsesa.

Lagi ko namang pinaalalahanan ang aking sarili.Na masasaktan lang ako sa walang kwentang pagmamahal na ito.Pero hindi ko mawari na ganito pala talaga kasakit kapag nakikita ko syang kasama ang ibang babae.

Tahimik parin akong nakayuko at pati si Eny ay nawalan din ng sasabihin.Inantay kong lumagpas sila mula sa pwesto namin bago ako nag-angat ng paningin at tumayo.

Pero sa pag-angat ng aking mukha ay sakto naman ang makisig na mukha ni Hermes ang bumungad sa akin.

Saglit kaming nagkatitigan then he mouthed 'i miss you!'

Namilog ang aking mga mata at marahang tumalikod.Bwesit na Prinsipe!paano nalang kung may nakahalata sa ginawa nya?

Si Princess Yoona ang kanyang kasama pero ako naman ang iniisip nya!

Napapailing nalang ako nang wala sa oras at ni hindi ko na nagawang magpaalam kay Eny dahil sa pagkataranta ko kanina.

Marahan akong naglakad-lakad hanggang sa dinala ako ng aking mga paa sa may field.Mukhang walang katao-tao dito sa field ah!siguro abala ang lahat dahil alam nilang maglilibot ang mga Kamahalan.

The Prince and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon