Chapter 7

5.1K 178 3
                                    

Hermes's POV

"Pwede na po kayong kumain,mahal na Prinsipe!at ako'y aalis na.."

Nakakunot ang aking noo habang tinitingala si Yumi na nakatayo sa harapan ng hapagkainan.

Aba!kailangan pala na lagi syang nabubusog nang sa ganoon ay magkaroon sya ng respeto sa akin?nakayukod pa kasi si Yumi at tinawag pa nya akong mahal na Prinsipe.Nakapagtataka!

"Hindi ka aalis!"

Napatuwid sya ng tayo at napasimangot.

"Hoy,Hermes!hindi mo ba naiintindihan yung sinabi ng katulong na naghatid ng pagkain kanina?araw ng pahinga ko ngayon at saka hindi pa ako masyadong magaling!"bigla na naman syang nagtransform sa dating ugali nya.

Tumayo ako at pumameywang sa kanyang harapan.

"Bakit?hindi ka ba pwedeng magpahinga kapag dito sa loob ng silid ko?"

Hindi ko alam...pero ayokong mawala sa aking paningin si Yumi.Alam ko,kapag hinayaan ko syang lumabas mula sa silid na ito..baka kung sinu-sinong lalaki na naman ang kakausapin nya!

At hindi ko nagugustuhan iyon!

Muntik ko na ngang patamaan ng tirador si Aro kanina nang matanaw ko mula sa aking bintana kung gaano kagiliw makipag-usap sa kanya si Yumi!

Mabuti nalang at nakapag-isip ako ng tama!kung hindi baka bigla nalang babagsak sa semento ang tarantadong alipin na yun!

"Pinagbawalan ako ng mahal na hari na lumapit sa'yo kasi baka mahawaan ka ng sakit ko!gusto mo bang sisihin ako ng iyong ama kapag nagkasakit ka nang dahil sa akin?"

Umikot ako mula sa gilid ng mababang mesa para malapitan ko sya.

"Hindi ako magkakasakit!at saka hindi naman nya alam na nasa loob ka ng aking silid ngayong araw,Yumi!i need your fast recovery dahil marami pa tayong dapat puntahan..hindi ako pinapayagan ng aking ama na maglakad mag-isa kapag hindi kita kasama.Kaya mapapanatag ang kalooban ko kapag dito ka mamahinga ngayong araw.."

Hinawakan ko sya sa magkabila nyang balikat bago itinulak papunta sa pwesto ng aking racking chair.

"Anong ginagawa mo?bitawan mo ako!"ibig nyang kumawala pero hindi ko sya hinayaan.

"Dito ka magpahinga..dyan ka maupo at pwede ka ring matulog dyan!that's an order,Yumi!hwag mo akong galitin dahil hindi ko alam kung paano magtimpi kapag sinumpong ako ng temperament ko!"

Saka ko lang sya pinakawalan nang tuluyan na syang makaupo sa racking chair.

Napakurap sya habang nakatingala sa akin.Hindi ko tuloy napigilan ang aking sarili na hwag pag-aralan ang kanyang mukha.

She has this beauty..na hindi mo kaagad mapapansin kapag hindi mo sya tinitigan ng maigi.At kapag napatitig kana sa kanyang mukha parang ayaw mo nang kumurap!

The unique beauty that i will never saw in other women!

Dahil ba isa syang alipin?nakabalot sa isang lumang damit?

What is she like be...if she wearing a princess gown?

Napalunok ako...siguro,ikukulong ko nalang sya sa loob ng aking silid.Dahil ayokong may iba pang tititig sa kanya!

"Iniisip mo ba kung paano mo ako patayin kung nakatulog ako mamaya?"

Naipilig ko ang aking ulo.Fuck!how many minutes it takes nang titigan ko sya kanina?

"Ang sabi mo sa akin..ang pinakamalupit dito sa mundo ay ang pagiging malungkot!so,bakit kinakailangang malungkot ang isang tao kung may paraan naman para magiging masaya?"

Tinaasan nya ako ng kilay.

"And so?ano naman ang kinalaman nun sa akin?"

"I understand now...kung bakit ikaw ang gusto ng mga magulang ko para magiging alalay ko saan man ako magpunta.Sa palagay ko may kakayahan kang tanggalin ang kalungkutan na bumabalot sa aking puso buhat sa nakaraan!Help me,Yumi...dahil hirap na hirap na din ako sa pag-iisa.Nakakulong ang aking utak..nakakulong sa nakaraan.Hindi ko alam kung paano ko harapin ang bukas kaya ako nagkakaganito!"

Confessing to someone what you really feels...it's like-parang nabawasan ng kaunti ang bigat na kaytagal ko nang dinadala sa aking dibdib!

"Sarili mo din lang ang makakatulong sa'yo,Hermes.Hanggat hindi mo tinatanggap sa iyong sarili na wala na sya...hanggat hindi mo sinusubukan na magmove-on,wala paring mangyayari sa buhay mo!lahat naman tayo mawawala dito sa mundo,Hermes eh!sadyang nauna lang sya sa atin.May pagkakataon talaga na minsan hindi natin naiintindihan.Hindi lang ikaw ang nawalan ng minamahal sa buhay.Mayroon dyan na mas malala pa ang pinagdadaanan kaysa sa'yo.Pero tingnan mo,magawa parin nilang ngumiti.Magawa parin nilang umusad sa bawat araw ng kanilang buhay.Kasi Hermes ganoon lang talaga.Tao lang tayo..iisa ang lumikha sa atin.Kaya bakit tayo namomroblema kung alam naman natin..kahit na gusto nating baguhin ang ating kapalaran ay wala na din tayong magagawa.Dahil alam mo ba?nakaguhit na sa ating palad kung ano ang mangyayari sa ating buhay!"

She has this power...na kapag binuka nya ang kanyang bibig.Magiging attentive ka sa pakikinig sa bawat kataga na kanyang sasabihin.

Hindi ako ganito dati..i will never listen to someone.But with Yumi?kahit sa panahon na naaasar ako sa kanya.Tumatak parin sa aking utak ang bawat sermon na pinaparinig nya sa akin.

"Susubukan ko."ang salitang namutawi sa aking bibig.

"Don't just try,do it!"

*

*

*

Huminga ako ng malalim at wala sa sarili na napapangiti habang kumakain.

Nakaidlip na si Yumi habang komportable na nakasandal sa aking paboritong racking chair.

My favorite racking chair..pinakaiingatang racking chair...

Ay ngayon inuukopa ng isang alipin.Napabuga ako ng hangin.Alam kong labag sa batas itong ginagawa ko..but what now?yun ang dahilan kung bakit ako nakangiti ngayon.

If ever the Mighty King knew about this...alam ko na ang mangyayari!

So,it's better to keep it a secret for now!

Gusto nilang makalimutan ko ang aking nakaraan?nandito na ako ngayon at pilit inaahon ang sarili mula sa paghihinagpis buhat sa aking nakaraan.

Maybe,it's time to let go...the feelings i had for Princess Yanara!

Marahan na akong tumayo pagkatapos kong kumain.Ngayon lang yata ako nagkaroon ng maganang breakfast!

Dinampot ko mula sa ibabaw ng aking kama ang manipis na kumot bago nilapitan ang natutulog na dalaga.Ipinatong ko sa kanyang katawan ang hawak na kumot bago ko tinungo ang kinalalagyan ng aking piano.

Even the sound of my favorite instrument...is soothing in my ears now...

Masaya..malamyos at nakakagaan ng pakiramdam.

Katulad nang kung ano ang nararamdaman ko ngayon.

Bumukas ang pintuan at nanlalaki ang aking mga mata nang biglang pumasok si Aro.

Fuck!hindi ko na-lock ang pintuan!

Nakalimutan ko na kapag tumutugtog pala ako ng piano ay walang nang-iistorbo sa akin.

Huli na para iwasan ang pagpasok ni Aro.Nakatuon na kay Yumi ang kanyang paningin at nakarehistro sa kanyang mukha ang matinding pagkagulat.

Marahan syang lumapit sa akin at yumukod.

"Nagawa ko na po ang inyong pinalakad sa akin kanina,mahal na Prinsipe!"

"Wala kang nakita at wala kang sasabihin,Aro!alam mo na ang mangyayari sa'yo kapag sinubukan mong ibuka yang bibig mo!"malumanay pero matigas kong babala sa kanya.

"Masusunod po,mahal na Prinsipe!"

"Maari ka ng lumabas!"i jerk him away.

Nakahinga ako ng maluwag nang mapansin kong hindi naman nagising si Yumi.

Nang tuluyang mawala sa aking paningin si Aro ay saka ko ipinagpatuloy ang pagpapatugtog ng aking piano.

☆☆☆

The Prince and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon