Chapter 22

3.6K 120 3
                                    

Mabilis kong tinakbo ang pintuan ng aking silid..naantala nga lang dahil sumabit ang laylayan ng suot kong gown sa may hamba ng pintuan.Malakas kong hinila iyon kaya dinig ko ang pagkapunit ng tela ng damit.

Sayang!ang mahal pa man din...paano naman kasi,nagmamadali akong makalabas mula sa bahay baka kasi totohanin ng masungit na yun ang kanyang banta.Mabuti sana kung hindi sya tinaguriang heartless!mamaya wala ng madadatnang bahay ang aking mahal na mga  magulang.

"Hermes!anong ginagawa mo dito?nasa kalagitnaan palang ang party!!"sigaw ko sa kanya.

Mabilis nya akong sinugod nang mamataan nya akong papalabas ng pintuan.Marahas nya akong hinila papunta sa kanyang katawan at binigyan ng mahigpit na yakap.

Ibinaon nya ang kanyang mukha sa aking batok at saglit na pinakalma ang sarili.

"Hey..."bulalas ko.

Kinakabahan ako kapag ganito si Hermes.

"Hindi mo dapat iniwanan ang party,mahal na Prinsipe!"i said within a low voice.

"Paano ko hindi iiwanan?kung nawala na sa aking paningin ang taong gusto kong makita.Naiisip ko kung nakakain ba sya?kung maayos lang ba sya!hindi ako natatahimik,Yumi!"puno ng pait ang kanyang boses.

"Maayos lang sya..ang aliping katulad nya ay hindi masyadong inaalala..kasi kahit ano pwede nyang isubo kung sya ay nagugutom."sabi ko nalang kahit alam ko naman na ako yung tinutukoy nya.

"They're  so unfair!"nagulat ako dun..parang alam ko na kung ano ang kanyang tinutukoy.

"Nangako ka sa akin na magpapakabait ka...sa ginawa mong ito ay kawalang-galang sa mga panauhin nyo,Hermes!dapat hindi mo sila nilisan."sermon ko sa kanya.

"I did.Pinakinggan ko ang nais nilang sabihin.Hinayaan ko silang magsalita.Hindi ako nagreact nang marinig ang kanilang mensahe para sa akin."parang reklamo nyang sagot.

Bigla syang kumawala mula sa pagkakayakap sa akin at mariin akong tinitigan sa aking mga mata.Hindi ko masyadong naaaninag ang kanyang mukha sapagkat tanging liwanag lang na nagmumula sa bilugang buwan ang tumatanglaw sa amin.

"Isinayaw ko ang childish brat na yun kahit labag sa aking kalooban,Yumi!ginawa ko iyon dahil sa ayokong mapahiya sa karamihan ang aming mahal na mga magulang!"

Napalunok ako ng mariin at pilit iniwas mula sa kanya ang aking paningin.Hindi ko alam kung bakit bigla nalang sumikip ang aking dibdib dahil sa narinig.

Hindi ba dapat magiging masaya ako?dahil nagkaroon ng pagkakataon na mapalapit sila sa isa't-isa?pero bakit taliwas sa aking iniisip ang syang nararamdaman ko?

Sayaw lang yun..pero ganito na katindi ang sakit na nararamdaman ko.Paano nalang kung nahalikan,nahawakan at tuluyan na silang ikinasal?

Hindi ko na siguro masusukat kung gaano kasakit ang syang mararamdaman ko!

"At dahil napagbigyan ko na sila sa kanilang kagustuhan..and now it's my turn,Yumi!"

Bigla akong nagpanic nang hilain nya ako sa kamay at iginiya sa kinatatayuan ng kabayo.

"It's my turn to be with the woman i ever loved!to be with you,Yumi!because you're my happiness...at yun ang hinahanap ko...na ayaw kong mawala sa akin."

Napasinghap ako nang bigla nya akong buhatin at maagap na isinampa sa ibabaw ng kabayo.

Kahit hindi ko na itanong...alam ko na kung saan ang punta namin.Sa lugar na malayo sa lahat!sa lugar na kung saan walang matang nakatitig sa amin!sa lugar na kung saan sa aming dalawa lang umiikot ang mundo!

The Prince and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon