Chapter 12

4.1K 125 5
                                    

"Yumi!naibigay mo ba sa mahal na Prinsipe yung bulaklak kahapon?"

Kaagad akong napayukod nang bigla akong harangin ni Princess Yoona sa aking daraanan.Dito ba natulog ang Prinsesang ito?kay aga-aga nasa loob na kasi ng palasyo,eh!

"Magandang araw,mahal na Prinsesa!naiabot ko po kay Prince Hermes ang mga bulaklak na ipinapabigay mo kahapon."maagap kong sagot.

"Anong sabi?nagustuhan ba nya?nagtanong ba sya tungkol sa akin?"sunod-sunod nitong tanong.

Hayun!nakinabang ang basurahan...gusto naman daw nya kaya lang ayaw nyang magbigay ng false hope sa'yo!

"Mmm...magiliw nyang tinanggap ang bulaklak,mahal na Prinsesa!nag-alala nga sya kasi nag-abala pa daw kayo...ayaw nya po kayong mapagod!"oh lupa!lamunin mo ako sa mga kasinungalingan na pinagsasabi ko!

"Napaka-caring talaga ng mahal na Prinsipe,Yumi!parang hinahaplos ang aking puso dahil sa iyong sinabi."

Para tuloy akong sinakal ng aking konsensya.

"Dinalhan ko nga pala sya ng sweet cookies..alam kong matutuwa ulit iyon lalo na at paborito nya ang sweet cookies,Yumi!"

Lumapit sa akin ang alalay ng mahal na Prinsesa na nasa likuran nya kanina at marahang inabot sa akin ang medium size box na nababalutan pa ng tela.

"Pakisabing tikman nya kaagad,Yumi!"

"Sasabihin ko po,mahal na Prinsesa!"

Grabe!talaga namang to-do efforts si Princess Yoona ah!pero ang problema kung paano ko na naman iaabot 'to sa masungit na Prinsipe mamaya!

Haist!ako yata ang nahihirapan sa sitwasyong ito ah!

"Papunta kaba sa Prince chamber?"

At hindi narin sya makahintay?

"Hindi po,mahal na Prinsesa!inaabangan ko po ang pagdaan ng mahal na Prinsipe.May mahalagang inasikaso po sya ngayong umaga at hindi ako pwedeng sumama dahil puro mga kalalakihan po ang nandoon."mahaba kong paliwanag.

Si Aro lang ang kanyang kasama kanina at binigyan pa nya ako ng nakamamatay na tingin nang sabihin ko na gusto kong sumama sa kanila.

"Yumi,narinig ko ang sinabi ng aking mahal na ama.Baka bukas kasama kang pumunta sa aming palasyo sa kabilang kabisera."

Nagtataka akong napatingin sa kanya.

"Anong gagawin ko doon?"maang kong tanong.

"Maghaharap na kami ni Prince Hermes,Yumi!pero hindi rin nya alam ang tungkol doon,kaya pakiusap hwag mo sanang mababanggit sa kanya ang tungkol dito."

"Makakaasa po kayo,mahal na Prinsesa!"

*

*

*

Tumuloy na ako sa garden habang bitbit ang box ng cookies nang magpaalam ang mahal na Prinsesa.

Naupo ako sa wooden bench bago ipinatong ko sa aking kandungan ang box ng cookies.

Prente kong isinandal ang aking likod bago pumikit.Inaantok yata ako,ah!Umidlip nga ako sandali habang hinihintay ang masungit na yun.

Hindi ko nga namalayan ang sarili na  napaidlip ako habang nakaupo.Naalimpungatan lang ako nang may pamilyar na pabango na sumangyo sa aking ilong.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at halos mapatalon na ako sa gulat nang mamulatan ang nakatunghay na mukha ni Hermes habang walang kurap na nakatitig sa akin.

The Prince and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon