Chapter 34

3.4K 105 5
                                    

Yumi's POV

"AAAAAHHHHHH!!!!"

Napapikit ako nang magwala si Princess Yoona.Umahon sya mula sa kama at galit nya akong sinugod.

Biglang nawala ang kanyang masamang pakiramdam sa lakas ng pwersa ng kanyang mga kamay na humahambalos sa aking katawan.

Hinayaan ko lang syang paghahampasin nya ako.Alam kong sa ganoong paraan nya inilalabas ang sama ng kanyang loob.

Alipin lang ako at walang karapatang pigilan ang kamahalan sa anumang gusto nilang gawin sa isang tulad ko.

Nang mahimasmasan ay mabilis nyang dinampot ang lalagyan ng tubig na pinaglagyan ko ng towel na ginamit kong pangpunas sa kanyang mukha at walang babalang ibinuhos nya sa akin ang laman nun.

Napalunok ako nang maramdaman ang maligamgam na tubig na sinalo ng aking mukha pababa sa aking dibdib.

"Lahat ginawa ko na,Yumi!pero mas lalo nyang ipinamukha sa akin na wala akong halaga!ako ang magiging kabiyak nya pero tinatrato nya ako ng ganito!"

Nakayukod lang ako sa kanyang harapan at tahimik na pinapakinggan ang kanyang sinasabi.

"Anong ginawa mo sa kanya!ano!ni hindi man lang ba sya nagalit nang malaman nyang magdmag kang may kasamang ibang lalaki sa iisang silid?hindi ba sya namuhi sa'yo!?"

Oh yeah!i lost my virginity to him because of what you did!thanks to you...Asar kong usal sa aking isip.

Biglang bumukas ang pintuan at kapwa kaming natigagal ni Princess Yoona nang mapagsino ang pumasok.

"Ganitong klaseng babae ba ang pilit na ipapakasal sa akin ng mahal kong mga magulang?sinasaktan ang inosenteng tao?anong klaseng asal mayroon ka!"

Nababanaag sa boses ni Hermes ang matinding galit.Hindi pa pala sya umaalis nang lumabas sya kanina.Narinig kaya nya lahat ang mga pinagsasabi ni Princess Yoona?malamang!ang lakas ng boses nya habang nagsasalita.

"Prince Hermes..."usal ni Princess Yoona na halata ang matinding takot na nakarehistro sa kanyang mukha.

Humakbang si Hermes papalapit sa aking kinatatayuan at walang babala nya akong binuhat.Kaagad akong kumawala pero ang higpit ng kanyang mga braso na nakapulupot sa aking katawan.

"Stay still!"galit nyang singhal sa akin bago hinakbang ang pintuan at tuloy-tuloy na lumabas.

Napalunok ako at hindi maawat-awat ang matinding kaba na nararamdaman ko dahil sa maraming mga mata ang nakatutok sa amin.

Tila walang pakialam sa paligid si Hermes.Ni hindi nya naisip kung ano ang mangyayari pagkatapos nito. Nakalimutan nyang paglabag sa batas ang kanyang ginawa.

Gulat na gulat si Aro nang makita kami sa ganoong sitwasyon.

"Hwag kang magpapasok ng kahit sino sa aking silid,Aro!"baling nya kay Aro bago sya tuluyang pumasok sa loob ng silid.

Marahan nya akong ibinaba nang tuluyan nang magsara ang pintuan.

"Nasaan na ang katapangan mo,Yumi?bakit mo hinahayaan ang iyong sarili na saktan ng childish brat na yun!?kung hindi lang malaking kasalanan ang manapak ng babae ay baka nasapak ko na sya kanina!"galit na galit sya nang harapin nya ako.

"Ikaw ang dahilan kung bakit nya ako sinasaktan!nagmahal lang sya pero sinaktan mo ang kanyang damdamin,Hermes!pwede kahit konti irespeto mo naman kung ano ang nararamdaman nya?"tumaas ang aking boses nang sagutin ko sya.

The Prince and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon