Chapter 28

3.2K 92 4
                                    

Hermes's POV

Napatigil ako sa pagpress ng mga nota sa aking piano nang maramdaman kong nagbukas-sara ang pintuan ng aking silid.Naghintay ako ng ilang minuto pero wala namang nagsalita.

Alam kong hindi si Aro ang pumasok kasi hindi naman nya gawain na manahimik lamang sa aking likuran kapag pumapasok sya dito sa loob.

Saglit akong lumingon pero kaagad akong napabalikwas ng tayo nang mapagsino ang taong nasa likuran ko.

"Princess Yoona,anong ginagawa mo dito sa loob ng silid ko?si Yumi,nasaan?"kunot-noo kong tanong.

"Kanina ko na nga hinahanap si Yumi..nagbabakasakali  akong nandito sya kaya ako pumunta dito.Kasama nya kasing umalis mula sa Princess chamber si Aro kanina."

Kaagad kong ikinuyom ang aking kamao at mabilis na lumabas mula sa silid.Tiningnan ko ang pwesto ni Aro sa labas pero blangko iyon.

Magkasama na naman ba ang dalawa?fuck!

Muli akong pumasok at nadagdagan ang inis ng aking nararamdaman nang matanaw kong nasa harapan na ng aking piano si Princess Yoona.

"Bumalik kana sa Princess chamber."utos ko sa kanya.

"Ayoko!hihintayin ko dito si Yumi."

Hindi ko maiwasan na hindi mapakuyom sa aking kamao.

"Oras na ng uwi nya ngayon..hindi na sya babalik dito,kaya pwede ba lumabas kana?baka may makakita sa atin at mag-isip pa sila ng masama."

Hindi nya pinansin ang aking sinabi bagkus lumapit sya sa paborito kong racking chair at walang pakundangang naupo roon.

"Anong ikinatatakot mo?ikakasal naman tayo...malapit na tayong magiging mag-asawa."

I gritted my teeth after hearing those words!

"At pwede ba,hindi ko nagugustuhan na pinapakialaman ng iba ang mga gamit ko?Tumayo ka dyan at bumalik sa silid mo."

Ito ba ang babaeng makakasama ko habambuhay?she's a hardheaded woman!damn!

"Prince Hermes,I'm becoming your wife..whether you like it or not!kaya ngayon palang ay dapat mo nang sanayin ang iyong sarili sa aking presensya!ang mga gamit na ito ay magiging akin din...kaya walang dahilan para pagsabihan mo ako ng ganyan."

Napa-facepalm ako nang wala sa oras.Mas maigi pang tumahimik nalang ako.Walang silbi ang pakikipag-usap sa childish brat na ito.

Hinayaan ko nalang sya na namamahinga sa ibabaw ng aking racking chair.Ano pa nga ba ang magagawa ko?kaladkarin sya at palabasin?

Nagpacing back and forth ako sa aking malawak na silid habang pinapalipas ang oras.Ni hindi ako natatahimik sa isiping magkasama si Yumi at Aro!

Gusto talaga ng tarantadong iyon na ilibing ng buhay!Hindi pa ba nya naiintindihan na ayokong lumalapit sya kay Yumi?kahit na nga ba kaibigan lang ang turingan nilang dalawa ay hindi ko parin maiwasang hwag magselos!

Kailangan kong puntahan si Yumi sa kanilang tahanan para malaman ko kung maayos lang ba syang nakauwi sa kanilang bahay.Pero hindi ako makapuslit habang naririto sa loob ng aking kwarto si Princess Yoona.

Pahamak talaga ang babaeng ito!naaantala ang mga importanteng lakad ko nang dahil sa kanya!

Hihintayin ko nalang syang makatulog bago ako lumabas ng kaharian.

Lumipas na ang maraming oras nang mapansin kong nakatulog na nga si Princess Yoona.No choice kailangan ko syang pangkuin at ihatid sa Princess chamber.

The Prince and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon