Chapter 5

5.1K 170 3
                                    

Yumi's POV

"Yumi..gumising ka,nandito ang mahal na Prinsipe at gusto ka nyang kausapin..."

Pati ba naman sa aking pagtulog ay hindi nawawala sa aking pandinig ang pangalan ng masungit na Prinsipe na yun?

"Yumi!"

Aba!talagang hindi nakakaintindi si Inay ah!sinabi ko nang mamaya na ako kakain dahil wala pa akong gana?

"Yumi,nandito ang mahal na Prinsipe!"

Ha?sinabi ba ni Inay na nandito ang Prinsipe?as in dito sa loob ng aming bahay?

Pambihira!kung gusto akong gisingin ni Inay..dapat sana maghanap sya ng rason na makatotohanan!

"Yumi,ano ba!matatagalan na ang mahal na Prinsipe...mag-gugumabi na baka hindi sya makabalik sa palasyo."

Napamulat ako nang wala sa oras.At ganoon na lamang ang aking pagkagulat nang mukha ni Hermes ang aking namulatan.Nakatayo sya sa paanan ng aking higaan.At sa likuran naman nya nakatayo si Itay habang nasa tabi ko si Inay na kasalukuyang gumigising sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?"kunot-noo na tanong ko kasabay ng pagbalikwas ko ng bangon.

Pero napangiwi ako at muling bumalik sa pagkakahiga nang maramdaman ko ang sakit na nagmumula sa aking sugat.Marahan kong nahawakan ang benda sa bandang tyan ko bago ko tinaliman ng tingin si Hermes.

Kasalanan nya kung bakit ako nagkasakit ngayon!

"Ininom mo ba ang gamot na pinadala ko?"seryoso nitong tanong.

Sinulyapan ko ang maliit na mesa na katabi ng aking higaan na kung saan doon nakapatong ang isang bungkos na plastic na may lamang gamot.

"Lumabag ka sa batas..pumunta ka lang dito para itanong sa akin yan?"

Napansin kong naikuyom nya ang kanyang kamao.Ano,hindi pa ba sapat para sa kanya itong nangyari sa akin?At gusto pa nya akong patamain ng kamao na yan?

"Ipagpaumanhin po ninyo ang kagaspangan ng ugali ng aming anak,mahal na Prinsipe!"nakayukod pa si Itay habang sinasabi iyan.

Tinapunan ko ng paningin si Inay at nahalata kong may pagbabanta sa kanyang mga mata.Gusto ko tuloy mapairap sa kawalan.

"Maupo muna kayo,mahal na Prinsipe..at ipagpaumanhin nyo nalang ang kasikipan ng aming tahanan."

Waaaah!'Nay tama na!hindi naman natin kasalanan kung bakit sya naririto ngayon!

Gusto ko sanang isatinig iyon pero mas pinili kong manahimik nalang muna baka kasi hindi na makakapagtimpi si Inay at magawa pa nya akong sapakin.Mahirap na..nasa harapan pa man din si Hermes.

"Yumi,ipaghanda na kita ng pagkain mo.."baling ni Inay sa akin bago hinarap si Hermes at magalang na nagpaalam.

Napansin kong sumunod din sa paglabas si Itay kaya naiwan kaming mag-isa ni Hermes sa loob ng aking silid.

Marahan akong bumangon at sumandal sa headboard  ng aking higaan bago ko tinapunan ng tingin si Hermes.

"Anong nangyari sa tyan mo?"basag nya sa katahimikan.

"Sinaksak ng kahoy nang madapa ako!"

Napansin kong napaisip sya pagkatapos marinig ang aking sinabi.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

Napakunot ang aking noo nang bigla syang magtanong.Teka,anong nangyari at biglang nawala ang kabangisan nya?

Hinuli ko ang kanyang mga titig at mabilis kong pinag-aralan ang nakausling emosyon sa kanyang mga mata.

"Hindi mo naman kailangan na pumunta pa dito para kamustahin ako.Makikita mo naman ako sa loob ng kaharian kapag gumaan na ang aking pakiramdam."

The Prince and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon