Chapter 40

4.4K 136 10
                                    

"Mahal na binibini,may pinapaabot po na sulat para sa inyo.."

Marahan kong inangat ang paningin mula sa ginagawa at tinanggap ang dalawang sobre na inabot sa akin ng kawal na napag-uutusan para magdadala ng sulat.

Inilapag ko iyon sa ibabaw ng kaharap kong mesa bago sinuri ng mariin.

Magkaibang kulay ang dalawang sobre.Yung isa kulay green at kulay asul naman yung isa pang sobre.

Galing kaya sa dalawang tao ang mga sulat na ito?

Una kong dinampot ang sobre na kulay green at marahang binuksan iyon.

<Hanggang anong oras mo ako paghihintayin dito sa labas?lumabas kana dyan..nandito na ako.>

Sumilay ang malapad na ngiti mula sa aking labi bago nagpatuloy sa pagbabasa.

Marahan ko nang isinilid sa loob ng drawer ko ang dalawang sobre nang sa wakas ay natapos ko ding basahin iyon.

Tumayo na ako at bahagyang inayos ang nagusot na damit bago tuluyang lumabas mula sa aking silid.

Binaybay ko ang malawak na hardin para hanapin ang taong naghihintay sa akin.Napatigil ako sa paghakbang nang matanaw ko sa di kalayuan ang isang lalaki na nakasuot ng Prince gown.Nakatayo sya sa tabi ng kanyang kabayo.

Napaawang ang aking bibig nang tuluyan na syang humarap at bumalanda sa aking harapan ang makisig nyang hitsura.Mas lalo syang gumuapo sa suot na Prince gown.Muntik ko na ngang hindi makilala,eh!

<Yumi,kung hindi kita nakilala..kung hindi kita naging kaibigan...siguro hindi ko malalaman kung sino ang tunay kong ama.

Lumaki ako na ang aking mahal na ina ang tanging nakagisnan ko.Wala syang naikwento sa akin tungkol sa aking ama hanggang sa sya ay pumanaw.

Ang bilin nya sa akin ay maging tapat sa paglilingkod sa mahal na hari sapagkat malaki ang naitulong nito sa amin.Kinupkop daw kami ng mahal na hari sa mga panahon ng aming kagipitan.

Yun ang dahilan kung maitatanong mo kung bakit tiniis kong paglingkuran ang mahal na Prinsipe sa kabila ng lahat.

Ngayon ko lang naisip kung bakit ang gaan-gaan ng kalooban ni Princess Yanara sa akin noong nabubuhay pa sya.Sino ba kasi ang nakakaalam na iisa pala ang aming ama?>

Yun ang nilalaman ng sulat sa loob ng green envelope.Marahan ko syang nilapitan habang nakapuskil sa aking labi ang malapad na ngiti.

"Magandang araw,mahal na Prinsipe!"magalang kong bati habang nakayukod.

"Hoy,Yumi!hindi naman siguro makatarungan na magsinungaling sa isang kaibigan!"

Umangat ako ng mukha at tuluyan ng napatawa.

"Hindi ako nagsinungaling sa'yo..ang sabi ko mayroon akong ipapakilala sa'yo..ikaw naman ang nagbigay ng ibang kahulugan doon sa sinabi ko."

Biglang sumeryoso ang kanyang mukha bago muling nagsalita.

"Kaya nga pala ako napadaan dito ay para magpasalamat.Salamat,dahil binago mo ang buhay ko.Salamat din dahil binuo mo ang pamilya ko."

Pagkatapos nyang sabihin iyon ay marahan na syang yumukod bago sumampa sa ibabaw ng kabayo.Bigla akong nataranta nang mapansin kong pinasibad na nya iyon ng takbo.

"Hoy,Aro!yan lang ba ang ipinunta mo dito?ni hindi mo man lang ba ako yayaing kumain?nagugutom ako,Aro!"

Mabilis kong hinabol ang tumatakbong kabayo.Pero hindi man lang iyon nagawang ihinto ni Aro.

The Prince and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon