CHAPTER 4

1.3K 36 0
                                    

HESTIA'S POV

AFTER ilang minutes ay dumating na rin ang order namin hindi maalis ang tingin ko sa pag-serve ng waiter ng pagkain dahil sobrang bango sa akin ng amoy ng Grilled Crabs.

Napatingin naman ako kay Thunder at nakapalumbaba syang nakatingin sa akin at nakangiti na para bang natutuwa sa pinapanood nya.Nailang naman ako

"H-hey...Baka matunaw ako nyan"biro ko sa kanya at tumawa naman sya sa sinabi ko.

"Hindi lang matunaw baka maglaho ka pa"sabi naman nya sakin at napatawa naman ako kita ko naman na nagpipigil ng tawa yung waiter at binigay ko na ang credit card na bigay sakin ni Athena at umalis na ito.

Napadako ang tingin ko sa drinks ko ng may napansin akong nakaheart shape doon sa ibabaw natuwa naman ako ng makita kong may Chocolate Syrup.Kaya naman halos mapapalakpak ako sa tuwa.

Sabi nung waiter bawal tapos ngayon meron na...Pero ayos na rin atleast makakain ko na ito.Im so hungry na talaga.

"Kain na tayo"sabi ko sa kanya at nag-umpisa na kaming kumain at supsop at kain ko ay hindi ko mapigilan ang magaan na pakiramdam habang sinasawsaw ko ito sa Sweet and Sour Vinegar.

"Ang cute mong tignan.Para kang bata"natatawa nyang sabi naman sakin kaya naman napatigil ako sa pagkain.

"Wag mo nga akong bolahin dyan."sabi ko sa kanya at natawa naman sya sa sinabi ko at sumubo na rin ng Crabs na halatang sarap na sarap din sya sa kinain nya.

"Alam mo Maam..Este Hestia.Tingin ko talaga nung una ko kayong makita kanina kala ko sobrang sungit nyo"sabi naman nya sakin kaya naman napangiti ako sa sinabi nya.Andami ring nagsasabi sakin na muka daw akong mataray kahit hindi naman.

"Sus!Andami nga ding nagsasabi sakin ng ganyan.Masyado bang Amazona ang mukha ko?"tanong ko naman sa kanya at uminom ng Calamansi Juice na may Chocolate sa ibabaw buti hindi sya nandidiri sa kinakain ko dahil wala syang pinapakitang naasiwa sya sa Juice ko.

Sinipat nya naman ang mukha ko na para bang pinag-aaralan nya kaya medyo nailang naman ako.

"Mmm..Kapag malayo talagang masungit ang mukha mo pero kapag naman malapitan ang inosente.Ang hirap kasi iexplain...iba kasi yung ganda mo"sabi naman nya sakin kaya naman napaiwas ako ng tingin sa sinabi nya at namula ang pisngi ko.

"S-sus!"tangi ko na lang nasabi at kumain ulit at uminom para kasing sobrang saya kapag kinakausap nya ako.Ang weird ko yata kasi hindi naman ako ganito kadaldal lalo na't kakakilala ko pa lang.

"Hmm...si Hestia sobrang saya na kasi ang ganda nya kasi "pagkakantyaw nya sakin habnag tumatawa kaya naman napatakip naman ako sa mukha dahil sa kahihiyan dahil kahit kelan hindi man lang ako nasabihan ni Zeus na maganda ako.Kaya naman parang bumigat ang dibdib ko sa naisip ko.

Kaya naman napaalis ang takip ko sa mukha ko sa naalala ko.Miss na miss ko na sya pati yung men in black kanina sa Eroplano umaasa akong sya yun.Pero impossible naman yun bakit nya pa ko susundan dito kung masaya na sya kay Minerva.

Ang sakit pa rin kahit 5 araw na hindi ko na maramdaman ang lahat ng meron kami noon ay hindi ko pa rin makayang tanggapin na doon na tapos ang lahat.

Dahil once na bumalik na si Minerva sa buhay nya ay maiityapuera na lang ako ng ganun.Dahil sa kahirapan tinanggap ko ang pagiging FB's namin na kahit sa tingin ko ay mahuhulog talaga ako sa kanya.Kaya pala dapat noon pa kang iniready ko ang sarili ko na hahantong kami sa ganito at masaya na ako sa ala-alang iniwan sakin ni Zeus ang baby namin.

"Ayos ka lang natahimik ka ata?"sabi naman ni Thunder kaya naman napatingin ako sa kanya.

"A-ayos lang ako"sabi ko sa kanya at umiwas naman ako ng tingin narinig ko naman ang buntong hininga nya.Nagpatuloy na ako sa pagkain at di na nag-angat ng tingin dahil alam kong nakatingin sya sakin.

THE MISTAKEN BABYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon