HESTIA'S POV
NAKAUPO kami ngayon sa may ilalim ng puno medyo sikat na rin kasi ang araw at namahinga na muna kami pinagpapawisan na rin ako pero may hangin naman kahit papaano.
"Lumapit ka sakin"utos nya sakin kaya umusog ako ng upo palapit sa kanya at naglabas sya ng panyo at hinawakan nya ako sa pisngi at pinunasan nya ako sa mukha ng panyo.
Tinutuyo nya ang pawis ko nakatingin lang ako sa kanya habang busy sya sa pagpunas sa mukha ko.
Paano kaya kung taga-Maynila sya tapos nakilala ko sya noong mga panahon na nagkakilala kami ni Zeus siguro may gusto ko na sya hindi naman kasi mahirap gustuhin si Thunder.
Maalaga,Mapagpasensya at higit sa lahat mas iniisip nya ako kaysa sa sarili nya.
"Baka magkasakit pa mahirap na...ayoko pa namang nagkakasakit ka"sabi nya at dinampian nya ng panyo ang noo at pinunasan iyon.Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko sya pinipigilan sa mga pinapakita nya pero wala naman akong ginagawang masama para makaramdam ako ng ganitong kaba sa twing may sweetness syang pinapakita sakin.
"S-salamat"sabi ko sa kanya at inilayo ko na ang sarili ko sa kanya naalala ko si Zeus sa kanya kaya naman ayokong ganun kaming dalawa.Kasi natatakot na ulit ako.
"Walang anuman...gusto mo ba ng tubig ibibili muna kita..mainit"sabi nya kaya naman tumango tango ako sa kanya at tumayo na sya.
"Intayin mo ko dyan ha?Bibili na rin ako ng meal para mabusog ka na"sabi nya at tumayo na kaya naman hinawakan ko sya sa braso.
"Sandali dalhin mo na itong credit card ko nilaan talaga to ni Athena para sa pagkain natin nakakailang libre na ako..."sabi ko sa kanya ngunit hinawakan nya lang ang kamay ko at nilapag ito sa lap ko.
"Wag na...Para yan sa inyo ng baby mo..Ibabawas ko naman ito sa sweldo ko tutal wala naman akong masyadong pinagkakagastusan kaya ayos lang"sabi naman nya at tipid na ngumiti ngunit sinamaan ko sya ng tingin at inabot ko na sa kanya ang credit card ko na kinuha ko sa wallet ko na nasa bag ko.
Kaya naman napabuntong hininga at walang nagawang inabot nya ang credit card na hawak ko.
"Oh sya intayin mo ko dyan ha?Medyo malayo layo pa yun ehhh wag kang aalis dyan kahit na anong mangyare"sabi nya at natatawa naman akong tumango tango dahil para akong batang binababtaan nya na 'dont talk to strangers'.
Tinanaw ko ang papaliit na bulto ni Thunder at tinignan ang mga batang naglalaro sa initan na naghahabulan at masayang nagtatawanan.
Ang sarap pakinggan ng maliliit na boses ng hagikgik ng mga bata sa paligid.Tanging bata lang ang nagbibigay kulay at saya sa park na ito.
I imagine my baby running with his/her playmate nakakataba ng puso na makita kong nabubuhay ang anak ko habang nakikipagtawanan sya sa ibang bata.Bilang isang ina gusto ko maging masaya ang anak ko sa oras na lumabas na sya sa sinapupunan ko.
Naramdaman ko naman na ma my tumabi sakin haharap na sana ako at kakausapin ng hindi pala si Thunder ang katabi ko kundi si Zeus.
"A-anong ginagawa mo dito.."at unti unting tumayo ng kaunti ngunit nahila nya na ako kaya naman napaupo ako sa lap nya at niyakap ako ng mahigpit sa bewang.
Biglang tumalon ang puso ko.
"Babe...I-im sorry,Hindi ko pa din alam ang dahilan kung bakit nandito ako lagi kang sinusundan..Hindi ko maintindihan ang sarili ko"sabi nya kaya naman napakunot noo ako.
"Z-zeus diba sinabi ko na sayo kahapon na tama na..."sabi ko sa kanya na wala man lang emosyon habang nakatingin ako sa kanya.
"Yeah..i know..pero babe di ko kaya selos na selos na ako kaya lumapit na ako sayo ngayon habang wala pa iyong lalaki na yun..babe nahihirapan na ako..ayoko ng malunod sa selos.Miss na miss ko na ang halik at yakap mo miss na miss na kita..Babe I want you back"sabi nya habang nakatitig sakin..
