CHAPTER 12

931 31 6
                                    

HESTIA'S POV

IT'S BEEN 1 MONTH.

Pero hanggang ngayon hindi pa rin namin nahahanap ang anak ko.Isang buwan na...isang buwan na wala ang anak ko.

Ayokong sumuko na hahayaan ko na lang ang anak ko na wala sa tabi ko at ipagsasawalang bahala na lamang kung anong mangyayare.

Ibang usapan na kasi kapag nawala na ang anak mo lalo na kung dinala mo ito at pinaghirapan ito lalo na sa laha't minahal mo ito higit sa buhay mo.

Ika nga nila mawala na ang lahat asawa,pera at kayamanan...wag lang ang anak.

"Hestia,may tumatawag sayo..."narinig kong tinig ni Thundz mula sa likod ko kasalukuyan akong nakatanaw sa labas kung saan kita ang dagat at nagnining ning dahil mula sa sikat ng araw.

"Kanina pa yan...baka importante na yan"sabi naman nito sakin at inabot ang cellphone ko na patuloy na nariring kaya naman napatingin ako sa kanya at kinuha ang cellphone bago ko sinagot ang tawag.

"H-hello?"sagot ko rito at narinig ko ang tahimik na pag-alis ni Thundz at lumabas na ng kwarto siguro'y maghahanda na ng pananghalian.

"Hey...Isang buwan na Hestia..kamusta ka na?"baritonong tinig mula sa kabilang linya kaya naman napakunot noo ako at nilayo sa tenga ko ang cellphone ko at numero lang ito at muling binalik ang Cellphone ko sa tenga ko.

"S-sino to?Anong kailangan mo?"tanong ko at narinig ko naman ang tawa nito kaya naman napalunok ako.

"Ouchy..pede na ba akong magtampo sayo Hestia?11 months mo lang nakasama yang lalaki mo nakalimutan mo na agad ako."mapang asar na sabi nito kaya naman bumilis ang tibok ng puso ko na para bang nagwawala na ito sa ribcage ko.

"S-Sino ka ba?!Ano bang kailangan mo!At pwede ba wag ka ng dumagdag sa problema ko!"sigaw ko rito.Narinig ko na naman ang malakas na tawa nito sa kabilang linya kaya nakaramdam ako ng inis.

"Chill babe, Balita ko nawawala ang baby mo...siguro busyng busy ka sa lalaki mo kaya pinabayaan mo ang walang kamuwang muwang na bata kapalit ng kalandian mo"sabi nito kaya naman doon na humagalpos ang galit ko at pag-init ng mata ko sa nagbabadya kong luha.

"Wala kang alam! At kahit kelan hindi ko ipagpapalit ang anak ko sa kahit na kanino ! "Basag na boses na sabi ko at pumatak ang isang butil ng luha ko sa kanang mata ko.

" Talaga ba babe? Kaya pala nawala ang anak mo?haha!What the heck!"sabi oa nito at pagak na napatawa at pinahid ko ng luhang pumatak sa mga mata ko.

"Ano bang papel mo sa buhay ko para pagsalitaan mo ko ng ganyan! Alam mo kung wala kang magawa sa buhay mo pede wag mo kong guluhin!"sigaw ko rito habang patuloy na umaagos ang mga luha ko.

"Haha Hestia!You are so funny!Haha ako lang naman ang may hawak sa anak mo.Gaguhan tayo Hestia! Gusto mo ng maduming laro pagbibigyan kita...ang sarap ngang saktan ng batang to ehh haha!"sabi nito at halos tumigil ang ikot ng mundo ko sa sinabi nito at narinig ko ang isang hampas ng kamay at nakarinig ako ng iyak ng bata.

"No!Please dont do that!Wag mong saktan ang anak ko!Nakikiusap ako sayo!Wag mo syang saktan!"umiiyak na sigaw ko habang naririnig ko ang iyak ng isang sanggol sa kabilang linya halos manlambot ako wala akong magawa kundi umiyak.

"Aw!nakakaawa ka naman Hestia?Pero Im so sorry pero di kasi ako marunong maawa lalo na kung iiwan mo naman pala ako sa huli..kung hindi ka madaan sa pakiusapan edi idadaan ko sa dahas diba ayun naman ang gusto mo Hestia maduming laro?"sabi nito kaya naman mas lalo akong napaluha kasabay ng iyak ng anak ko sa kabilang linya.

Parang binabasag ang puso ko sa mga iyak na iyon.Ako ang sobrang nasasaktan para sa anak ko.

"Ano ba kasing kailangan mo! Nakikiusap naman ako sayo oh ibalik mo na naman sakin ang anak ko...Gagawin ko ang lahat."desperadang sabi ko habang umiiyak na nanginginig na rin ang mga kamay ko.

THE MISTAKEN BABYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon