CHAPTER 16

751 15 2
                                    

HESTIA'S POV

"LOVE.."tawag sakin ni Zeus habang nasa sasakyan kami ngayon at ako'y nakatingin lamang sa labas at iniisip kung bakit at ano ang nasaksihan sa ginawa ni Ares sa boyfriend ni Athena.

Hindi ko nilingon si Zeus.

"Love..."tawag nya muli sa akin at hinawakan nya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

Kita ko ang lungkot sa mata nya ngunit iwinaksi ko ang isiping yun dahil sya lang naman pala ang kriminal na kumuha sa piling ko.

"Pede ba Zeus tigilan mo yang kakatawag mo sakin ng ganyan."malamig kong sabi sa kanya at narinig ko ang malamig nyang buntong hininga habang ako ay nakatingin sa unahang direksyon ko.

Hindi agad ako nakapagreact ng maramdaman kong yumakap sya sakin mula sa gilid ko at siniksik nya ang mukha sa leeg ko akmang itutulak sya palayo ng hawakan nya ang kamay ko ng mahigpit.

"Love...Im sorry"mahinang usal nya ngunit wala akong naramdamang kahit ano..hindi yan yung gusto kong marinig mula sa kanya kaya hindi ako kumibo.

"Love..Im sorry kung natali ka sakin ng biglaan...alam kong...alam kong ayaw mo."sabi nya kaya naagaw nya ang atensyon ko.

"Oh eh alam mo naman pala eh. Bakit mo pa ginawa?"sarkastiko kong sabi at pinigilan ang pasigaw ko sa kanya dahil baka medyo marinig kami ng driver habang kumakawala ako sa kanya ngunit ganoon sya kalakas kaya hindi ko magawang makalaya sa yakap nya.

"Im desperate love..Desperadong desperado na ko love..gusto kong bumalik ka sakin noon pa,simula ng huli nating pagkikita sa Palawan"bulong nya habang yakap nya ako at ramdam ko ang kanyang hininga sa leeg ko.

"At naisip mo na ipagsangkalan ang mismong anak natin! Kasalanan mo Zeus...kung sana binigyan mo man lang ako ng kaunting pagmamahal tingin mo susukuan kita? kahit bilang kaibigan lang pero wala.Mas naniwala ka sa malandi mong ex kesa sa amin ng 'monster mong anak'. " sarkastiko kong sabi sa kanya at pinagdiinan ang huling salitang iyon naramdaman kong natigilan sya.

"Im sorry..hindi ko alam...wala akong alam."sabi nya.

"Hindi mo alam? Eh king ina anong alam mo! Ang sabihin mo na mamatay na kami ng sarili mong anak at tapos bigla bigla kang magpaplano ng Hayop na kasal na ito!"hindi ko na mapigilan ang humahagalpos na galit mula sa puso ko at iningat na ni Zeus  ang kanyang mukha ngunit ang mga yakap nya ay ganun pa din.

"Im sorry love...im sorry"pauli ulit nyang sabi sa akin.

"Zeus...You are 10 months late to say sorry...kung kelan tahimik na kami ng anak ko tapos kukunin mo sya ng ganun ganun lang?!Hindi mo alam na halos mabaliw kami ni Thundz kakahanap sa anak ko pero malalaman ko na sayo?!Hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon na mahawakan o makita man lang si Fire!"sigaw ko sa kanya wala na akong pakielam kung naririnig na kami ng driver at alam kong nakikinig na rin ito sa pag-aaway namin ni Zeus.

"N-natatakot ako Love..takot na takot ako na baka angkinin noong lalaking yun ang anak natin."malungkot na sabi nya ngunit napairap naman ako sa sinabi nya.

"Eh kung inisip mo pa yan nung una tingin mo aabot tayo sa puntong ito..kahit hindi pagmamahal ang ibigay mo sakin kahit sa anak lang natin pero anong ginawa mo? mamatay ang batang dinadala ko kasama ko.Wow lang?Ha?At kung si Thundz man ang kilalaning Ama ni Fire. Wala ka ng pakielam pa roon"sabi ko sa kanya at naramdaman kong natigilan sya sa sinabi ko ngunit ng makabawi sya ay humigpit lalo ang yakap nya sakin.

"No love..hindi ako papayag na sya ang kilalaning Ama ng anak natin. Kaya ko naisip na magpakasal tayo para bumuo ng isang masayang pamilya"sabi nya at sarkastiko naman akong napatawa sa sinabi nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE MISTAKEN BABYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon